2015
Ikaw . . .
Ako . . .
Tayo . . .
ay para ba isa't isa?
hindi ko alam . . .
basta ang alam ko . . mahal kita
OO mahal kita . . .
hindi mo ba nakikita? hindi mo ba nararamdaman? PWES! ipaparamdam ko sa'yo .. Sasabihin ko sayo ..
para malman mo .. =)
pero . . . .
noon lang iyon ..
at ngayon ..
ang lahat ng iyon
ay isa na lamng alaala
Alaala... yun na lamang ang mayroon ako ngayon ..
ilang taon narin ang nakalilipas . . . siya parin ang pinakahuling sinagot ko ng "OO" . . pero hindi sya pinakahuling minahal ko . kasi alam nyo simula nung nagbreak kami .. inisip ko na mas makabubuti kung hindi na muna ako magboboyfirend .. kasi napag-isip-isp ko pede namng mag0mahal ng hindi pumapasok sa isang relasyon diba? .. yun rin kasi ang sabi sakin nung isa kong kaibigan kaya natauhan ako.. wag na daw muna ako mag-boyfriend .. pag-aaral muna atupagin . pero tama namn sya .. pati hindi ako yung tipo ng babae na magpapakamatay kapag naheartbroken.. at hinding hindi ko ipagpapalit ang studies ko sa love love na yan .. =)
Pero ganun pa man . . masarap aalalahanin ang nakaraan . . . na minsan ding nag hatid sa iyo ng kasiyahan . .minsan lungkot . . ngunit nagbigay rin sa akin ng mga aral . .
Halika! at subabayan mo ang storya namin =) . .
Ngayon .. nagsusulat ako ng isang tula . . tula para sa kanya ... pinaka-latest EX ko xD. di ako tulad ng iba jan .. BITTER . . . pasalamat ko rin sakanya kasi nakagawa ako ng isang tula . .
gusto mo basahin? .. eto ohh.
Sa unang pag-uusap
Mga salitang iyong binigkas
Tila isang himig na sa aki'y humahalina
Upang aking mga kama'y maidampi sa iyong balat
Sa mga unang sandali na ika'y nakasama
Mga unang ngiti na sumibol sa iyong mukha
Mga ngiti, halakhak at kasiyahan
Kwentuhan, kulitan, ating pinagsamahan
Mauuwi pala sa di tiyak na pagmamahalan
Hindi ko mawari, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito
Sa tuwina'y hinahanap-hanap ka
Sa tuwina'y ikaw ang nag-lalaro sa isipan
Sa tuwina'y isinisigaw ang iyong pangalan
Sa tuwing masisilayan ang iyong mukha
Ang puso ko'y sumasayaw sa tuwa
Hindi malaman ang gagawin
Natataranta, natutulala
Ang iyong ngiti, aking inaabang-abangan
Laging naghihintay ng pagkakataon, upang mga mata nati'y mag-tagpo
Sa iyong mga mata aking nakikita,
ang kaligayahan aking nararamdaman
Nang sa aki'y ipinagtapat iyong nararamdaman
Puso ko'y nasiyahan ngunit nalugmok sa pangamba
Pagkat ako'y natali na sa isang maling relasyon
Wala akong magawa, gustuhin manh ako'y maging sa'yo
at ikaw'y mapasaakin
Nagpatuloy ang ating di-tiyak na pag-mamahalan
at sa maling relasyon ako'y pili na kumawala
Ninaais na bumalik sa iyong pagsinta
Ngunit ako'y bigo, pagkat sayoy may nag-mamay-ari ng iba
Sa sikat ng araw, Sa sinag ng buwan
Ating pagtitinginan, di malinawagan
Ating di tiyak na pag-mamahalan
Mayroon nga bang patutunguhan?
Nung sinabi mong "pede bang maging tayo?"
Nung sinabi mong "Mahal mo ba ako?"
Sinagot kita ng "OO"
Sinabi mong "Tayo na pla"
Hindi na nagdalawang isip pa
at inakalang okay na
Akala ko, nang maging tayo
Tayo'y magtatagal sa tulong ng maykapal
Ngunit sadyang hindi napapanahon ang lahat
Nagpadalos-dalos ako, nagpadalos-dalos tayo
Hindi natin naisip, na sa paggiging magkaibigan,
Doon tayo tatagal
Nagkukunwari, tinatago sa ngiti
ang pangungulila
at sakit na nararamdamn
Tayo'y magkasama ngunit tila ang layu-layo sa isa't isa
Ni ang mag;"HI" hndi ko magawa
Nagbagao na, Nagbago ang lahat
At ngayon Hanggang tingin, Hanggang na lang ang lahat
Mahal parin kita, mahal mo parin ba ako?
Masakit isipin, masakit sa damdamin
Na biglang naglaho ang lahat
Mga pangarap sa isa't isa
Mga salitang "Mahal Kita"
_____________________________________________________________________________
Author's note:
Ahm eto nga po pa lang story nito ay composed of 16 chapters . . katumbas po ng mga talata ng tula. Bawat chapter ay may corresponding na stanza sa poem. Yun lang po... Please support. Ito po ay slightly based sa real experiences ko . hehehe .. sige po.. :) hanggang sa uulitin
Dora<3
BINABASA MO ANG
Alam mo parang mahal na ata kita <3
PoetryAng storya ay umiikot sa isang babae na naglalahad ng kanyang nakaraan na sariwang sariwa pa sa kanyang mga alaala. Ang saya, kilig, inspirasyon, kagalakan maging ang kalungkutan na kanyang nadama mula sa huling taong sinagot nya ng "OO"