#65 - Hindi Pa
I
Ikaw, bakit biglang nagkaganito?
Parang sa akin ay may gusto.
Nagbibigay ng mga motibo
Kaya ako ay nalilito.
II
Tama ba ang aking hinala
O ikaw ay isa lang paasa?
Karapat-dapat bang magtiwala
Sa mga nakikita ng aking mga mata?
III
Dapat ba akong makinig
Sa iyong mga pinaparinig?
Talaga bang tunay ang laging sinasambit
Na ako lamang ang yayakapin mong mahigpit?
IV
Oo ba, o hindi?
Handa na ba akong magmahal muli?
Natatakot na masaktan muli
Katulad ng nangyari noong huli.
V
Sa ngayon, hindi ko pa kaya.
Pagpasensyahan mo na, kaya
Maghanap ka muna ngayon ng iba
Na hindi magdadalawang-isip na mahalin ka.
BINABASA MO ANG
From Me To You (a compilation of poems)
Poetry🐝 Since 2016 🐝 In the past, it is titled as "Hugot Poems (English and Tagalog)." This is a compilation of Tagalog, and English poems. If you need to copy some pieces from my works, please do consult me by private messaging. If you just WANT my poe...