Paglayo

3 0 0
                                    

Ang sabi ko sa sarili ko ayokong masaktan,  kaya pinili kong maglakad palayo.  Alam kong sinabi kong minsan, na mamahalin kita ng walang hanggan at kung nagtataka ka kung bakit tayo nasa dulo,  mahal,  gusto ko alalahanin mong tao rin ako. 

Tao rin ako na nagbitiw ng pangako na hanggang kaya ko pa,  mamahalin kita. 
Tao rin ako na nung pinanghahawakan ko ang mga salita iyon,  may iba ka na
Tao rin ako na mas piniling bitawan ka nalang kaysa sa panghawakan ka. 

Ang sabi mo noo'y hanggat may tayo walang lahat magkakatotoo
Lahat nga'y nagkatotoo pati na ang sakit nung pinalitan mo ako. 
Kaya pinangako ko sa isang malaking bato, na kahit na ano,  di matitibag ng bagyo ang pag-ibig ko. 

Mahal kita pero minahal mo lang ako. Di man lang tayo nagtagal tulad ng pag-ikot ng mundo.  Lahat ng sakit naramdaman ko pero bakit parang ako yung may hawak ng kutsilyo.  Tila ba ako yung sumaksak at ikaw ang nasaktan sa kagagawan mo.  At hanggang sa aking paglayo,  tila ako ang may dulot nito. 

The Excerpts of Letters that I Will Never WriteWhere stories live. Discover now