Rosendal Thorne
Rosendal's Point of View
Binuksan na ng isa sa aking mga bodyguard ang pintuan ng sasakyang kinalululanan ko. Bumaba ako mula sa sasakyan at tinanggal ang sunglasses na suot-suot ko. Tinignan ko ang building at ang pangalan nitong J'adore sa taas na pagmamay-ari ko na ngayon. Napangiti ako sa aking sarili. I will make your life a living hell Carla especially you Nathan.
Pumasok na ako sa building at inilibot ang paningin ko sa loob ng building, kitang-kita ko ang mga naglalakihang mga chandeliers at mga mamahaling display. Not bad though. Sumakay na ako ng elavator at nakabuntot pa rin sa akin ang isa sa mga bodyguard ko. Pagkalabas ko ng elevator ay agad akong natanaw ng mga staff na paparating na, tumakbo ang isa mga ito papunta sa meeting room para iparating ang aking pagdating at para na rin makapaghanda sila sa bagong may-ari ng kompanya.
"Let us welcome the New C.E.O. of J'adore Company. . ...' rinig kong sabi mula sa loob ng meeting room habang papalapit na ako sa pintuan ng meeting room. Pinagbuksan ako ng pinto ng dalawang staff at pumasok na ako. Iniscan ng aking paningin ang loob ng kwartong iyon at nakita ko ang dalawang taong pinakasusuklaman ko sa buhay.
Kitang-kita sa kanilang mga makakapal na pagmumukha ang pagkabigla at binigyan ko sila ng isang ngiting punong-puno ng pagkasuklam. Magbabayad kayo sa lahat ng kinuha niyo sa akin. Magbabayad kayo!
"Mr. Rosendal Thorne!" pagpapatuloy nung nagsasalita kanina sa pag-anunsyo ng aking pagdating. Tumayo silang lahat at kanya-kanya din ng pagwewelcome sa akin ng mga tao sa loob ng kwartong iyon, pero hindi ang dalawang taong kinamumuhian ko na mukhang nakakita ng multo at napako na sa kanilang kinauupuan. Tama iyan, magulat kayo sa bagong ako!
"Thank you! Thank you!" sagot ko sa kanilang mainit na pagtanggap. Tumahimik na sa loob ng meeting room at naglakad ako ng dahan-dahan papunta sa pinakamalaking upuan na sa hula ko ay upuan ng dating C.E.O.. Dinig na dinig sa buong kwarto ang tunog na gawa ng takong ng aking sapatos. Hindi muna ako umupo at inobserbahan ang lahat ng taong kasama ko sa loob ng kwartong ito. Nararamdaman ko ang pagbuo ng tensyon sa pagitan namin nila Nathan.
Umupo na ako at ngumiti bago nagsalita. "Good morning everyone as you have heard earlier I am Rosendal Thorne your new C.E.O.! Anyway hindi ko na patatagalin ang meeting na ito, pumunta lang ako dito para ipakilala ang aking sarili. At para malaman ninyo there will be changes in this company from now on. My company! My way! Good day everyone!" at tumayo din agad ako mula sa upuang iyon kahit wala pang isang minuto.
Nagsitayuan na din ang mga iba habang naglalakad na ako para tunguin ang pintuan para lumabas. Pero hindi ko inaasahan ang isang malakas na paghatak sa aking kaliwang braso kaya naman napaharap ako ng sapilitin sa kung sino mang nanghila sa akin.
"Rose?" pagbanggit niya sa pangalan ko. Tinignan ko sa mga mata ang lalaking minsan kong minahal na ngayo'y aking kinamumuhian at kitang kita sa kanyang mata ang pagkalito.
Tumikhim ang bodyguard ko na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala. "Sir kung pwede paki bitawa-" pero itinaas ko ang isang kamay ko para hindi na nito ito maituloy ang sasabihin. "It's okay mauna ka na sa baba." utos ko sa kanya. "But Mr. Thor-!" protesta nito na muling naputol ng binigyan ko siya ng isang ma-watoridad na sigaw. "Now!
At hinarap ko na nga ang lalaking humila sa akin. "Yes Nathan? Oh I mean Mr. Bedingfield sorry for the informalities." at binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.
"I. . Why...W-What are you doing here?" litong-lito nitong tanong sa akin. Ipiniksi ko ang aking braso para makawala mula sa kanyang mahigpit na pagkakahawak pero mas lalo pa nitong hinigpitan ang hawak sa aking braso that I am sure that there will be a bruise in there later.
BINABASA MO ANG
Rosendal (BoyxBoy)
Romance"Ang ahas kahit ilang beses pang magpalit ng balat ahas pa rin, parang ikaw kahit gaano pa kadisente yang suot mo malandi ka pa rin." puno ng pang-uuyam kong sabi. "Kung malandi ako isa ka ring ahas gaya nga ng sabi mo kahit magpalit ng balat ang ah...