Scarlet's POV
"Bespi, kawawa yung pagkain mo." Usisa ni Cheska, nandito kami sa Canteen at nakain ng lunch.
Pagtingin ko sa pagkain ko, kawawa nga! Tinutusok tusok ko lang ng kutsara.
"Psh* wala akong gana!" Sabi ko sabay ligpit ng baunan ko.
"Magugutom ka nyan!" Pangsesermon nya.
"Bala na!" Pagmamaktol ko.
"Problema mo?" Sabi ni Cheska habang tinitignan ang kanan at kaliwa ng mukha ko.
"Wala! Tumigil ka nga" sabi ko sa irap sa kanya.
"Ayon sa pinapakita mo! Meron talaga" sabi nya at sumubo ng pagkain.
"Sabi ng wal----"
"Hep! Hep! Hep! Bakit Nag-aaway kayo?" Napatingin ako bigla sa nagsalita. Si Bryan lang pala kasama si Trevor.
"F.Y.I , hindi kami nag-aaway." Sabat nya kay Bryan sabay irap.
"Eh anong Problema?" Napatingin naman ako agad kay Trevor pero parang naiilang parin sya.
"Sinong tinatanong mo? Siya o ako" tanong ni Cheska. Hindi mo kasi maintindihan kung saang lupalop ng Mundo nakatingin si Trevor.
"Ikaw nalang sumagot." Agad naman na sabat ni Bryan.
"Ako daw?" Tanong ni Cheska habang nakatingin kay Trevor. Agad naman syang tumango.
"Sige! Ganito kasi yon." Simula ni Cheska
"Ano?" Naiinip na tanong ni Bryan.
"Subukan mo kaya muna akong patapusin, nang sa ganon masagot yang tanong mo Kahit papa ano." Masungit na sagot ni Cheska. Napakamot nalang sa ulo si Bryan.
"Wala nang sasabat hah" Sabay tingin ni Cheska kay Bryan ng masama. Tumango naman sya.
"Kanina pa kasi sya hindi mapakali. Tinanong ko kung bakit, sabi nya wala. Pero alam ko talaga meron. Yon na yon! THE END" sabi nya sabay ngiti.
"Hindi ka nagpapasabat ng dahil sa maikli mong speech!" Galit na sabi ni Bryan.
"Oo, Bakit ba? Eh sa gusto ko e." Hindi na ba talaga sila magkakasundo?
Habang nagbabangayan yung dalawa, nagsalita na si Trevor.
"Ano nga bang nangyari?" Seryoso nyang tanong.
"Ah.... Trevor saglit lang hah! Wag mong mamasamain pero.---" hindi ko na natuloy kasi nagsalita sya bigla.
"Kalimutan mo na yung sinabi ko sayo." Agad naman syang umiwas ng tingin sakin.
"Sorry rin kasi pinagtawanan kita. Hindi ko naman kasi akalain na yun yung sasa---" for the second time. Hindi ko na naman natapos.
"Okay lang. Hindi rin naman totoo ang lahat ng yon. Ayaw ko lang na mailang tayo sa isa't isa." Sabi nya sabay ngiti sakin. Yung pekeng ngiti.
"Sala-----" for the third time! Napipikon na talaga ako.
"Scarlet! " Tawag ng lalaki sakin. Hindi ko sya maaninag. Pero habang papalapit sya, nalaman kong si Matthew pala.
"Review tayo!" Bungad nya. Agad namang napahinto sa pag-aaway ang dalawa at napatingin sa akin.
"Maaga pa naman Matthew hah!" Sabat ni Bryan.
"Paki mo ba!" Sagot ni Cheska
"Hihiramin ko muna sya, kasi examination na bukas eh!" Agad namang nagulat sila Bryan at Cheska.
"BUKAS NA?" Sabay na tanong ng dalawa.
"Hindi naman kayo nagulat noh?" Pagpaparinig ko sa dalawa.
"Omoooo! I need to go na Bespi. Magrereview na aketch, Trevor! Alis na ako" pagpapaalam nya. Pero Bago sya umalis napatingin ulit sya sa pwesto namin.
"Bryan! Sabay na tayo" pagkasabi nya, agad namang sumunod sa kanya si Bryan at nagpaalam narin samin. Kahit papa ano yung dalawang yon, may Pinakakasunduan parin. Aish* mga tao talaga.
Napatingin naman ako ulit kay Trevor.
"Trevor! Ikaw lang maiiwan, okay lang?" Pagpapaalam ko sa kanya.
"Tara na Scarlet" Sabi ni Matthew
"Saglit lang, kitang may kinakausap eh!" Pagrereklamo ko. May kausap ako tapos kakaladkarin nya ako? Saang lupalop ng Universe nakalagay ang utak nya.
"Okay lang, magre-review nalang rin ako sa library." Sabi ni Trevor at iniligpit na ang gamit nya.
"Kitams! Papayag rin pala eh. Tara na!" Pagyayaya ni Matthew. Napatingin nalang ako kay Trevor at agad naman syang tumango with matching smile.
Kasalukuyan kaming naglalakad sa lobby ni Matthew ng basagin ko ang katahimikan.
"Ang aga pa kaya!" Pagmamaktol ko.
"Exam nga bukas diba?" Sarcastic nyang tanong.
"Okay lang sana kung makikinig ka. Hindi yon yung pinapakita mo eh" pagtataray nya.
"Basta ikaw ang nagtuturo nakikinig naman talaga ako eh" Bulong nya, pero narinig ko.
"May sinasabi ka?" Pagmamaang maangan kong tanong.
"Wala, kumankanta lang! Sakay na." Utos nya na agad kong sinunod.
"De- deny pa." Pabulong kong sabi.
"Ikaw? May sinasabi ka?" Tanong nya. Patay! Mukang narinig aketch.
"Wala! Kumakanta lang" Usisa ko habang nakangiti. Yung pang-asar na ngiti. >3<.
Mga 30 minutes rin ng makapunta kami sa paroroonan namin.
"Bakit dito?" Tanong ko habang tumitingin tingin sa paligid. Nandito kasi kami sa......Secret Paradise ba yon? Yung may---- Aahh! Erase erase.
"Para maka focus tayo. Bakit? Big deal ba para sayo na dito tayo sa SECRET PARADISE mag review?" Talagang diniinan nya ang salitang "Secret Paradise" hah!
"Hindi Big deal yon. Tsaka wala namang unforgettable moment na nangyari dito Diba? DIBA!" Sabi ko habang naka evil smile.
"Acting like you need to forget what happened here. I think dito nangyari yung first ki----" Hindi na nya natapos kasi nagsalita agad ako.
"Hep! Hep! Hep! Magrereview nga Diba?" Pag-iiba ko ng topic.
"Iniiba mo lang usapan eh!" Pangangasar ni Matthew. Pero pinandilatan ko lang sya ng Masama.
"MATTHEW MENDOZA!!"
YOU ARE READING
Officially In love with the Bad Boy (Soon To Be Publish)
Ficção AdolescenteSa Isang Unibersidad, may babaeng nagngangalang Scarlet na may SIMPLENG PAMUMUHAY! Kilala sya sa pagiging Amazona type ng campus. Pinaglihi kasi sya para kasuklaman ang mga lalaki. Meron rin namang lalaki na nagngangalang Matthew na May MAGULONG PAM...