Chloe's POVKinuha ko yung planner ko sa bag ko at umupo ako study table ko. Pinagmasdan ko itong mabuti bago ko ito binuksan.
Plans for him..
Tama kayo, itutuloy ko nga ang plano sa kanya. Siguro nga ang sama ko para gumanti, pero masisisi nyo ba ko? Nasaktan ako eh..niloko ako ng taong mahal ko.
Puro puso kase pinaiiral ko kaya tignan mo ngayon, masakit.
Totoo pala yung sinasabi nila na kung magmamahal ka, mahal lang..wag mahal na mahal. Para kapag nasaktan ka. Masakit lang at hindi masakit na masakit.
Dati tinatawanan ko lang yung qoutes na yan eh. Kase diba imposible naman na magmamahal ka ng hindi mo ibibigay lahat sa kanya. Kase nga mahal mo sya pero tama nga yung kasabihan na yun.
Para bang binabalaan ka nito na wag magmahal ng sobra. Magtira ka ng para sa sarili mo.
Napabuntong hininga ako. Sana lang hindi ako magsisi sa mga gagawin ko.
Sinarado ko na uli ang planner ko at humiga sa kama. Tapos narin naman ako sa pag aayos ng sarili ko. Pinamili narin ako ni Kuya ng gamit sa School. Actually bukas na yung first day namin kaso ayun di ko ganong feel.
Pero oppurtunity na to para masimulan ko ang plano.
*tok tok*
Napalingon naman ako sa pinto ng may kumatok dito at pumasok si mama.
"Baby, andyan si Asher sa labas. Di mo ba sya lalabasin?" Tanong ni mama habang lumalapit sakin. Umupo naman ako ng maayos.
"Hmm mama ano po kase eh." Di ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya na di kami okay ni Asher.
"Anak, Di ako tanga para hindi mapansin na may problema kayo, but please, hindi nyo yan masosolve kung hindi mo sya kakausapin."
Syempre, sino ba namang hindi makakapansin na may problema kami diba? Kung dati sweet kami tas ngayon biglang boom! nga nga na.
"hays..oo nga dalaga ka na, pero wag mong hayaang pagsisihan mo yan sa huli. I have to go now anak, baka hinahanap nako ng daddy mo sa kwarto." Natawa pa si mama sa sinabi nya kaya natawa narin ako.
"yak ma ah hahahaha. Sige po, goodnight ma."
Lumabas na si mama sa kwarto kaya humiga ulit ako. Sana nga hindi ko to pagsisihan pero alam ko naman na kung ano man ang sunod na mangyayari eh tatanggapin ko nalang. Kailangan ko lang maging handa.
----
Kinabukasan maaga ako nag ayos para sa first day ng pasukan. I just do my daily routine tapos bumaba na ko para mag breakfast. Naabutan ko na kumakain sila mama at daddy."Where's kuya?" tanong ko bago ako umupo sa tapat ni mama.
"Maaga syang umalis princess,susunduin ata si Yana."Sagot naman ni daddy.
Tumango nalang ako bago kumain. Simpleng ulam alang ang naka handa. The typical breakfast ganern. May hotdog,bacon,egg,fried rice and kung ano pa.
"Mauna na po ako ma,dad."Pagkatapos kong kumain ay tumayo nako at nagpaalam sa kanila.
"Take care of yourself baby." Bilin ni mama.
"Yes ma."
Lumabas nako ng bahay at pumunta sa garahe kung san nandun ang ferrari ko.
Sumakay nako agad at inistart ang engine. Nag drive nako palabas ng gate ng nakita ko si Asher sa labas ng bahay. Nakatayo sya sa gilid ng kotse nya habang naka pamulsa.Lumapit naman sya sa kotse ko kaya huminto muna ako at binuksan ang window.
"What are you doing here?" Tanong ko agad sa kanya.
"Sunusundo ka?" Alinlangan sabi nya.
"Im not a kid Asher, better leave now." pagkasabi ko nun ay sinarado ko ang window pero nagsalita sya kaya nahinto ko ang pagsasara.
"Mich naman, Ayusin na natin to oh."
pakiusap nya. Ayos na ayos, umaayon sa gusto ko ang lahat."I'll think about that" tapos sinarado ko na ng tuluyan ang bintana at nag drive palayo. Lumingon ako at nakita ko na parang natuod sya dun sa kinatatayuan nya.
"Perfect." Sabi ko sa sarili ko. Mukang magiging madali lang ang lahat.
Nang makarating ako sa parking lot ay agad akong nag park at bumaba na. Bigla nalang nag ring ang phone ko at tumambad ang pangalan ni Liza. Sinagot ko naman ito agad.
"What is it?" Tanong ko.
"Where are you Chlo? Nandito na kami sa room."
"Im on my way. Just wait for me there."
Pagtapos non ay binaba ko na ang tawag at naglakad papuntang first class ko.Nagulat naman ako ng biglang may humarang saking tatlong babae. Tumaas naman ang isa kong kilay at hinintay na magsalita sila. Kilala ko tong mga to eh, eto yung madalas man bully sa loob ng campus. Yung leader nila ay si jennica tapos di ko tanda ko yung pangalan ng dalawa.
"Nabalitaan namin na naglayas ka daw ah? Bakit? nabuntis ka?" Tanong ni Jennica. Tumaas naman lalo ng bonggang bongga ang kilay ko. Mga tao nga naman ngayon oh.
"Are you stupid? Meron bang dalawang buwan lang nagbuntis?"
Diba? Tanga lang? Edi sana kung buntis ako halos 9 months akong mawawala. Kaso ayun nga medyo tanga sila. Nasaan ang common sense ng mga tao? Dyusko naman.
"Whatever, so ano bang nangyari sayo?" Tanong ni Jennica. Wow close kami?
"As far as I know, were not that close." Pagkasabi ko nun ay naglakad nako pero nagsalita uli si Jennica."Wow, Bitch ka parin pala?" Tumawa naman ang dalawa nyang kasama kaya lumingon ako.
"Bitch na ba ang tawag mo dito? Kase para sakin hindi pa eh. Baka gusto mong magpa ka bitch talaga ako sayo?" Pagkasabi ko nun ay tumalikod na uli ako at narinig ko pa ang pagdadabog ni Jennica.Pagkarating ko sa classroom ay medyo marami ng tao kaya umupo nako sa pagitan ni Bianca at Liza.
"Bat ngayon ka lang?" Tanong ni Liza.
"Ahh may nangyari lang." Sabi ko tapos lumingon ako kay Bianca na nakatingin lang sa harapan. Wala pa namang teacher eh."Biancs, Okay ka na?"
"Im fine." Tipid na sagot nya, di nalang uli ako nagtanong dahil mukang wala sya sa mood. Maya maya dumating narin yung teacher namin.
Nakinig nalang ako kahit antok na antok na ko. Tapos maya maya Introduce yourselves na ang nangyari.

BINABASA MO ANG
GIVE ME A CHANCE (On-Going)
Teen FictionSi Chloe at Asher ay ang dakilang mag ex,pero pano nga ba sila naghiwalay? Anong rason nito? Mabibigyan pa kaya sila ng chance para maayos ang relasyon nila? o tuluyan na nga ba nilang ibabaon sa limot ang lahat ng kanilang pinagsamahan? May mga ma...