CORAZON
The music continued playing. But all she could hear at that moment is the rush of her blood and the fast beating of her heart. Or was it his? Hindi niya matukoy dahil kahit kakarampot na espasyo sa pagitan nila ni Donny ay wala na.
Napalunok siya at sa kauna-unahang pagkakataon ay napansin ang paligid nila ni Donny. All eyes were on them. Sina Myriah, Miles at iba pang kakilala ay nakita niyang nakatutok din sa kanila ni Donny ang atensiyon. Pumutok ang bulang tila naghihiwalay sa kanila ni Donny sa lahat at nakadama siya ng hiya't pagkailang.
"Corazon..." Donny's warm and minty breath fanned the side of her lips.
Inilayo niya ang sarili dito ngunit ang mga braso nitong nasa bewang niya ay tila bakal. Ibinalik lang siya nito sa dati nilang posisyon, "What?"
Bago pa niya ito masagot ay natapos na ang kanta. Ang mga taong nagtungo sa dance floor ay nagsibalikan na sa mga upuan ng mga ito upang maghanap naman ng ibang kapareha. Unti-unti ay sila na lamang ni Donny ang natira.
"T-Tara na. Tapos na ang kanta," yaya niya rito.
Donny's jaw clenched. His lips moved a little while looking down at her. Lumayo siya at hinayaan niya ito. But then his warm hand covered hers. Tingin niya'y mas lalo lamang silang naka-agaw ng atensiyon.
"Sila na ba?"
"Lagi ko rin silang nakikitang magkasama."
"Ang suwerte naman ni Corazon!"
Pilit siyang nagbingi-bingihan sa naririnig na 'bulungan' ngunit hindi siya nagtagumpay. Sinikap niyang bawiin ang kamay mula kay Donny upang hindi na mas lalo pang pag-usapan. Ngunit bawat layo niya sa kanyang mga daliri ay lalo lamang humihigpit ang palad nito sa kanya.
"Let's go somewhere else," ani Donny na bago pa niya lubusang maintindihan ay dinampot na ang coat at tie nito sa silya't tinangay na siya palayo.
"Donny!" she was already half running to keep up. Sa haba ng mga binti nito'y ilang hakbang no'n ang katumbas para sa kanya. "Saan ba tayo pupunta? Doon na lang tayo! Nandoon sina Myriah at—"
"At hindi kita makausap ng maayos. You're conscious Corazon, I can see. Kaya mas mabuti pang sa mas pribadong lugar na lang tayo. Your friend will not leave this place but I will. And as much as possible, I want to spend more time with you. Kakaunti na lang ang oras na meron tayo..." he sounded so serious. Like this is matter of life and death for him.
Ngunit sa sinabi nito'y mas nagkusa ang mga paa niyang sumama. Donny's right. The clock is already ticking for them. Ang bawat oras na lumilipas ay napakahalaga. Because after this night, hindi na niya alam kung kailan pa sila magkikitang dalawa.
She held his arm with her free hand. Hindi nakuntento sa magkahawak nilang mga kamay. Bumagal ang hakbang ni Donny upang malingon siya sa tabi nito. At sa wakas ay nakita niya ang isang sinserong ngiting gumuhit sa mga labi nito.
Dinala siya ni Donny sa tabing-ilog. Sa ibaba ng puno ay nilatag nito ang mukhang mamahaling coat bago naupo. Donny offered his hand, "Little girl..."
Madilim sa bahaging iyon ngunit masuwerteng nang gabing iyon ay bilog at matingkad ang ilaw na nagmumula sa buwan. After a moment of hesitation, she placed her palm in his and sat on the space in between his long legs. Her back leaning on his chest.
Humugot siya ng malalim na hininga upang kahit paano'y kalmahin ang nagwawalang puso.
"Do you feel cold?" bulong nito sa tapat ng kanyang tenga. Chill ran down her spine when it finally sunk in how close they both were.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)
FanfictionAlam ni Corazon kung ano ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki para masabing ito na si Mr. Right. Until Donato "Donny" Pangilinan came in to the picture and made her experience strange feelings. But why? He's the total opposite of her dr...