Anong Gagawin mo kung Malaman mo
bigla na May sakit ka pala na ikamamatay mo ?
at sa panahon ding 'yun umamin ang kaibigan
mo na Mahal ka niya ?
ang Masaklap pa ay Mahal mo rin Siya.
Hadlang nga ba ang Kamatayan
pagdating sa pagmamahal ?
ito ang kwentong maari ngang may
katapusan pero may pag-iibigang wagas.
Ako si Arneliza at ito ang aking WISHLIST.
***
Unang Araw ko Palang sa Lugar na 'to
at tanging ang kababata ko lang na si Jamie
ang kakilala ko dito. matagal na kasi siyang nakatira dito.
May Kaibigan siyang nagngangalang James.
Si James ay Mabait,Matalino at Gwapo
kaya maraming nagkakagusto sa kanya sa aming School.
16 years old palang kaming tatlo.
Ako si Arneliza, hindi naman ako kagandahan at simple lang.
4th year Highschool na kami nun.
Matapos ang 4 na buwan ay naging magkaibigan
kami ni James.
Lagi na kaming magkasama sa mga gala
at habang tumatagal ay unti-unti na akong nagkakagusto sa kanya.
Pero isang araw nalaman ko nalang na may Cancer pala ako.
Wala naman kaming pambayad para gamutin ako
kaya unti-unti akong nawawalan ng pag-asa.
ilang linggo na din kaming hindi nagkikita ni James.
Matapos ang isang buwan, nagpadala sakin ng sulat si James.
Wala kasi akong cellphone. ito ang nakasulat :
"Nasan ka na ba ? Bakit hindi ka pumapasok o nagpapakita
manlang sakin ? Namimiss na kita.. Sana pumasok ka na..
at gusto kong ipagtapat sayo na Mahal kita. Wag ka sana
magalit dahil sinasabi ko lang ang nararamdaman ko.
nagmamahal, James."
Arneliza: at biglang pumatak ang mga luha ko.
hindi ko alam ang gagawin ko dahil
hanggang ngayon ay hindi ko pa nasasabi na may sakit ako.
***
[A/N] : Sa susunod ko nalang ipagpapatuloy ! :D