No Prologue.
Bernie Mae Abogado.18 years old.1st year college,accounting student..
sa lahat ng chubby,ako yung hindi cute.Pero siyempre hindi totoo yun (yung chubby part).I am beyond being chubby.Hindi pa ko obese pero mukha raw talaga akong baboy.Petite na nga,tabachoy pa.Average lang rin ang utak ko,hindi ako maganda,yung tipong parang basta lang nilagyan ng mukha.Maputi raw ako pero hindi halata,kulang kase sa kuskos kaya ganyan.Ang hirap kaseng magsabon sa MGA parts na natatakpan ng taba.Para akong "eating machine" na nagkatawang-tao.Sabi ng nanay ko,magkakaroon ako ng sense na magpapayat once na nagkagusto ako.Sus,hindi totoo yun,feeling ko nga ako yung bata sa comercial ng hotdog dati,yung sa "goodbye carlo"??Ganun kase ako.May mga nagustuhan naman na ako,pero once na magutom,para akong nagkakaroon ng "alternative self" tapos magugulat nalang ako na kulang-kulang tatlong tray na pala ng pagkain ang nauubos ko.Masarap maging mataba akala niyo??SOBRANG SARAP! sa sobrang sarap may mga eksena akong ganito:
*pag may naghahanap sa akin
Naghahanap: uy nakita mo ba si bernie mae abogado??
napagtanungan:hindi eh,ano ba itsura nun??
naghahanap: yung ms.bilbiling freshman.
napagtanungan: ah! andoon sa cafeteria..nagpapalobo nanaman.
oh diba?? walang nakakakila sakin sa pangalan.Kilala ako sa tawag na "taba".kulang nalang palitan yung pangalan ko sa birth certificate ko dahil pati mga prof ko nakikigaya.Lahat ng classmates at kakilala ko,ang aarte ng status sa facebook,kesyo Married w/ chuhu,In a relationship w/ churvalu,eh ako?? siyempre in a relationship din...WITH FOOD!! tanda ko nung 1st day,syempre pakilala,pagpunta ko sa harap,may isang gwagong(gwapong gago) sumigaw ng "tinatago ang taba"Peste! ayun,nagtawanan silang lahat! pati mga prof ko nakisama,hay ako nanaman ang laughingstock nila.-___-.Ayun nga,dun nagsimula ang mas pinamiserable ko pang buhay.Bwisit kaseng Gio yan,siya lang naman yung nagpauso ng palayaw kong "taba".****
Pasok na naman,nagkaroon kase ng 2weeks vacation dahil sa pesteng bagyo.Andami ngang gagong nagtext sakin nun,pwede ba daw akong gawing salbabida eh putragis lang,kung daganan ko kaya sila??.Dapat nga extended pa ngayong araw dahil sabi ng PAG-ASA malakas na ulan ang mararanasan ngayon,eh ang init init kaya eto no choice kundi pumasok.Yang PAG-ASA talaga,PAASA!!!
Lakd lakad lang.Hinahanap ng mata ko si Gio.OO na! nainlike at first sight ako,eh sa gwagong gwago talaga (gwapong gago) eh.Kahit naman sandamakmak ang taba ko,may itinatago paring kalandian tong mga bilbil ko.So yeah! Search for LG malulusog kong eyes! lg short for "laglag garter".Ayoko kase ng gio,naaalala ko lang yung gio na cm8 ko nunh hs na malalaki ang mata.Tapos pag kumakanta kami ng "buksan" may exposure siya.
*buksan ang iyong mga mata,GIONG mata**
walang makarelate nuh?hindi kase tayo cm8 dati.Hayaan niyo na,nung panahon namin havey yan hahaha..
Forever lakad pa din ako.
*natapat sa garden
student: Hoy taba! mas lumapad ah??
-tawanan
*natapat sa science class
student: Hoy taba! abat mas kumapal ang mga bilbil mo ah! eto oh,may tira pa kami,kainin mo na!
-tawanan
bawat madaanan ko,may kanya kanyang banat sakin. badtrip nga eh.mga punyeta sila!! sana talaga mas lumala ang food crisis nang ako ang pumayat at magsimatay na sila. hahaha!!
malapit na sana ako sa room ng may pamilyar na boses na tumawag sakin.
gio: Hoy taba!!! namiss ko bilbil mo ah!!
wag kang lilingon bernie mae kung gusto mong matahimik ang umaga mo,wag kang lilingon shit!
gio: oy taba.snob ka na ngayon??namiss ko talaga bilbil mo.
ako:putragis ka Gio! bilbil na nga lang meron ako,aangkinin mo pa!! oh sayo na! leche!!
inakbayan siya nito.
gio:aba,marunong ka ng sumagot ng pabalbal ah! bakit? kaya mo nabang abutin mga paa mo at nagsusuplada ka??
nagtawanan ang mga nakarinig.
******
nasa gitna sila ng klase.Hindi nanaman siya makapagconcentrate,naalala niya kase ang mga nangyari kanina,kung paano nila siya kausapin ng walang "hoy taba".Isa pa,maraming distractions ang kanina pa bumubwisit sakanya.
c1: Hoy taba,lipat ka nga,hindi ko makita,ang lapad mo.
c2: Hoy taba usod,wala ng madaanan,sakop mo buong space.
c3: Hoy taba,alis dyan,naalibadbaran ako sayo,ang panget mo!
At nagpatuloy pa ang paisa isang reklamo ng mga ito.Hanggang sa sobrang pag-iisip,pagkalito at kung anu-anong thoughts of frustration ang nagmanipesto sa pag-iisip niya,bigla siyang tumayo,hinampas ang desk niya at sumigaw ng:
HOY TABA!
Nagkatinginan at nagtawanan ang mga kaklase niya habang siya ay napatakip sa bibig dahil sa kahihiyan ng pagkawala sa sarili.
Gio: Hala,hoy taba,nabaliw ka na??
*ultimate facepalm*
Kung ilang kilo yata ang taba niya ay yun rin ang kilo ng katangahan niya.Tumayo siya sa kanyang upuan saka tuloy tuloy sa pinto.Hindi na niya kaya!Aba! kotang kota na ang mga ito sa pantitrip sakanya.Iniintindi na nga niya ang mga bilbil niya,pati pa ang mga ito nakikisama.
paalis na siya ng biglang,
Gio: HOY TABA! I LOVE YOU!
napahinto siya.
Gio: Bumagyo lang,naging tampuhin ka na,balik na taba,mahal naman kita. :)
Bernie Mae: Tama na nga Gio,alam ko namang insecure ka sa mga bilbil ko pero absurd ng sabihin na mahal mo ako.Tigil na.Kotang kota ka na eh!
Dahan-dahang lumapit sakanya si Gio ng nakangiti.
Gio: Sa sobrang kapal ng taba mo,nawalan ka na ng pakiramdam.Halos lahat yata ng estudyante dito eh alam na inlove ako sayo pero ang manhid mo!
Hinawakan nito ang kamay niya.
Gio: Bernie Mae Abogado.Ang nag-iisang tabachoy ng buhay ko,kahit na puno ng bilbil ang katawan mo na kung susumahin ay triple ng bigat ko,kahit hindi kita maakbayan at mayakap ng maayos dahil sa sobrang lapad mo.Kahit na *PAK*Aray,bakit ka ba nambabatok??
Bernie Mae: Pakyu,sobrang tatatak sakin tong pagtatapat mo,damang dama ko!!! bwisit!
Gio: shut up,Eto seryoso na,kahit na mamulubi ako,pakakainin parin kita sa lahat ng restaurants na makikita mo.Kahit para tayong pinoy version ng mag-asawa sa Monster House,ayos lang.Hindi kita ipagpapalit sa kahit sinong sexy dyan,kahit si Mina pa yan from Doll Master,hindi ko papatusin.Lakas ng tama ko sayo eh.
Napayuko siya para itago ang namumulang mukha.Iniangat ito ni Gio gamit ang dalawang kamay.Nagtitigan sila.
Gio: hoy taba,I love you :)
And they've shared a soulfull kiss.
-FIN
AN: i know,lame. sorry. please watch out for the sequel,di na yun one shot promise :)
BINABASA MO ANG
HOY TABA! I LOVE YOU!!(ONE SHOT)
Short Storywala kong maisip na matinong description,basta mataba yung bida.Bale spoiler lang to,pinag iisipan ko pa kung gagawan ko ng full story.