~•~•~•~•~•~•~
lumipas ang mga araw ko sa pagsusulat sa diary ko tungkol kay Xyriel
kahit nga pag magkatinginan lang kami sinusulat ko na agad at pag nagkasabay kami sa paglabas o di kaya magkabanggaan lang kami
para na akong mabaliw
pero nasira ang pagmuni-muni ko ng biglang
"hi bestie..." siya si Rica, bestfriend ko simula pa siguro nung nasa tiyan pa ako ng mama ko
hahaha.. chos
eh kasi naman yung mama niya at mama ko ay matalik na magkaibigan, as in magBestfriend
"hello bestie.." sabay beso-beso
"alam mo ba yung chismis ng campus?" tanong niya
"hindi.tungkol kanino ba?"
"tungkol ky Zaren at Xyriel.."sabi ni Rica
"anong tungkol sa kanila?"
"official na daw ang relationship nila"
pagkasabi ni pagkasabi ni Rica ng mga salitang iyon...
parang gumuho ang mundo ko...
gusto kong umiyak...
"okay ka lang ba Rose?" tanong niya
"ahh oo, uuwi muna ako.. sumasakit kasi ang pu--- este ulo ko" palusot ko sabay alis
gusto ko munang umuwi at magkulong sa kwarto para makapag-isip at mapag-isa
halos tatlong araw na akong nagkukulong dito sa kwarto..
at ngayong araw ko na napagdesisyonan na papasok na ako sa school
late na kasi ako sa mga leksiyon namin at pagod na akong umiyak.. at naubos na nga yung ballpen ko sa kakasulat sa diary ko eh
~
late na akong pumasok sa school kaya naghintay muna ako na magstart ang second subject namin
pumunta muna ako sa Garden pero ang hindi ko inasahan na may tao pala
may upuan kasi dun tapos nakakarelax yung hangin
"pwede bang makiupo?" tanong ko
"sig--" nagulat siya nung tumingin siya sa akin
pero mas nagulat ako nang makita ko kung sino yung lalake na katabi ko ngayon
"Xy-Xyriel?"
"diba ikaw si Xeirra Rose?" OMG!!OMG!!! alam niya ang pangalan ko.. OMG!!!
"ahh oo, wait pano mo nalaman?"tanong ko
pasensya!! nacurious ako eh
"ahhhmmm.." parang nag-iisip siya
"ahm?" tanong ko
"ahh, nakita ko sa ID mo, yan oh"
ahy oo nga, may ID nga pala ako
Shonga lang Xeirra..
"ahy oo nga pala.. " hehehe
nabalot ng katahimikan ang paligid namin
Ang awkward pala pag kausap mo yung crush mo.. :D
*krriiinggg*
"ahy bell na.. mauna na ako sayo Xyriel ha, baka kasi malate na naman ako" gusto ko pa sana siya makasama (landi lang Xeirra?) ahehehe kaso may klase pa kasi ako.. hmmp
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Diary (one shot)
Teen FictionNAWAWALANG DIARY=NAKAHANAP NG LOVE LIFE hindi kapanipaniwala diba? try mo ngang mawalan ng diary malay mo magkakalablyp ka. HAHAHA Joke. kung nacucurious ka sa story ko. try mo basahin^^ kung ayaw mo naman okay lang rin, sayang naman ang time mo pag...