A/N: Morgan's pic on the Media's Section ^__^
Chapter Three
(Natalia's POV)
Tapos na ang klase namin habang ako naman ay nagpahuli sa pag labas dahil ayokong makipag siksikan sa mga kaklase kong atat nang umalis. Nakita ko naman si Brandon na lumabas na ng classroom ng bigla naman akong sinita ni Morgan.
"Pretty little Missy, Aunica's got an eye on him" pang aasar nito.
"Morgan naman -_- alam mo namang iniiwasan ko siya diba? Oo gusto ko siya pero hiyang hiya na ako simula nung pinag tinginan kami sa cafeteria dahil sa pag eeskandalo ko"
"Girlush ano ka ba kalimutan mo na yun besides its been 3 years na c'mon Natty its time to befriend Mr. Nerdy Handsome."
Hindi ko inakala na magkakagusto ako kay Brandon. Noong araw na sinugod ko siya sa cafeteria ay mainit ang ulo ko dahil natapunan niya ako ng dala kong kape. Hindi ko nakita ng mukha niya dahil sa nagmamadali na siyang umalis. Ang tanging naalala ko lang ay ang kanyang wrist watch na kulay blue.
Nung nasa cafeteria na kami ni Jamie para bumili ng soda at burger nakita ko ang wrist watch na palatandaan ko at nag init ang ulo ko. Hindi kasi ako nakapasok sa klase ko dahil siguradong mapupuna ng Prof namin ang stain ng blouse ko. Hindi rin naman ako umuwi sa bahay para makapag palit dahil alam kong wala sina Mama doon dahil my Seminar sila sa Ortigas. Kaya wala akong choice kung hindi suotin ang blouse na may mantsa. Kaya naman agad kong hinila ang kamay niya at dinuro ito. Lumingon siya sa akin at nagkadiskusyon kami. Ngunit parang natauhan ako nang makita ko ang mga tao sa cafeteria na tila nakatingin ng masama sa akin, karamihan sa kanila ay mga babae. Sa sobrang hiya ay nag walkout ako. Sumama naman sa akin si Jamie at binatukan ako.
"Sira ka talagang babae ka. Bakit bigla kang gumawa ng eskandalo sa cafeteria?? Di lang yun si Brandon pa???" gulat na gulat na sinabi ni Jamie.
"Oh ano ngayon? Isa pa siya naman ang may kasalanan eh! Kung nag sorry sana siya edi hindi ako nagalit" umiismid na sabi ko.
"My God Best, Alam mo bang Siya ang bagong heartrob ng school?? Malamang madaming magagalit na babae sayo dahil sa ginawa mo. At isa pa isa din siya sa mga smartest student ng Forbes! He is Brandon Miguel Alcantara. Anak ni Ms. Shynette Lee Alcantara which is one of the share holders of this University"nag aalala na sabi ni Jamie sa akin.
"I didnt know best, Maybe I should avoid him para siguro hindi na lumala ang iringan namin" nanghihina na sabi ko.
Nagulat ako sa mga narinig kong impormasyon mula sa kaibigan ko. Umuwi nalang ako ng bahay matapos ang pag uusap namin ng bestfriend ko. Hintay ko ang mama na makarating. Umupo muna ako sa may labas ng bahay at inisip ang buong pangyayari.
"Sh*t Natalia ang tanga mo bakit ka ba nag eskandalo" sabi ko sa sarili ko habang tinatapik tapik ang ulo ko sa sobrang inis.
Gabi na ng dumating si Mama galing Seminar. Pumasok na ako sa bahay at dali daling nag palit ng damit para hindi na mapansin pa ang mantsa. Pumasok ako sa kwarto ko at nag lagay ng earphones sa tenga ko. Music has always been my stress reliever since then. Ipinikit ko na ang mga mata ko at nakatulog na ako ng gabing iyon.
**********
(back to present)
Lunch break ngayon at kasama namin ni Morgan si Jamie. Tila may bago itong pinagkakaabalahan dahil masyado nanaman siyang tutok sa cellphone niya. Iniabot naman sa akin ni Morgan ang juice na binili niya habang nakataas ang kilay dahil kanina pa kami hindi kinikibo ni Jamie.
" Ehem Ehem Jamie Lyn Cruz parang may hindi ka yata nasasabi?" wika ko sa kanya.
"Natty basta ikwekwento ko to sayo mamaya promise ill text you ;)" nakangiting sabi nito sa amin ni Morgan.
"So ano? ako exempted?? Hindi ko pwedeng malaman ganon??" umiismid na sabi ni Morgan kay Jamie.
"Morggy its a GIRLS TALK" pang aasar ni Jamie sa kanya
"Baket? babae naman ako uh? Infact Im Miss Maggie Maria Dizon ;)"
Tumayo siya habang kumakaway na tila nasa isang pageant. Tumawa naman kaming dalawa ni Jamie.
"Hay nako tigilan mo kami MORGAN MARIO DIZON" sabi ko sa kanya.
"Ang harsh mo Natty! I hate you na!!" pagbibirong sabi nito.
Agad namang natigil ang tawanan namin ng my biglang dumating.
"Sorry for interrupting you guys, I need to talk to Natalia".
End of Chapter Three
BINABASA MO ANG
Beyond What She Likes
Novela JuvenilAll of us have our own fantasies about love. We usually get attracted to the physical attributes of a person at first and the whole being is the second one to be recognized. We may envy others for having a good relationship to someone and may questi...