Joyce's POV
"Ha? Pero bakit? Mahal mo pa ko, diba? Sabihin mo saken! Mahal mo ko, diba?" Sinisigawan ko na sya. Hindi ko matanggap at ayokong tanggapin yung gusto nyang mangyari. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala sya.
"Sorry, Joyce. Sana mapatawad mo ko. Mahal ko sya." pagpapaliwanag nya ng hindi nakatingin saken. Nakayuko lang sya habang nagsasalita.
Andito kami ngayon sa park kung san kami laging namamasyal ni Tristan-- boyfriend ko. Pero mukhang hindi ko na ulit masasabi ang mga salitang 'boyfriend' dahil nakikipaghiwalay na sya saken. Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa kanya. Nagulat nalang ako ng itext nya ko kanina at pinapunta dito. Akala ko magde-date kami. Sobrang saya ko pa naman. Pero bakit ganito? :'(
Tumawa ako. Yung pekeng tawa. Pero kasabay ng tawa ko, pumatak yung mga luha ko.
"Ha-ha. Nagbibiro ka lang, diba? Eto oh! Natawa na ko. Tama na. Ano ka ba?" sinusuntok-suntok ko sya sa dibdib nya. Gusto kong sabihin nya na nagbibiro lang sya.
Hindi pa din sya tumitingin saken. Parang hindi nya iniinda yung mga suntok ko sa kanya.
"Sorry." Muli, yan lang ang nasabi nya.
Tumayo ako at sinampal ko sya. Yung sampal na sobrang lakas. Yung sampal na may kasamang sama ng loob.
"Sorry? Anong gagawin ko sa sorry mo? Nagawa mo na eh! Wala kang kwentang tao!" Pagkasabi ko nyan, tumakbo ako. Wala akong pakielam sa mga taong nakakakita saken. Ang gusto ko lang, makalayo sa kanya.
Takbo lang ako ng takbo. Tuloy lang din sa pagpatak yung mga luha ko. Hindi ko alam kung san ako papunta. Hindi ko alam kung san ako dadalin ng mga paa ko. Madami na din akong nabanggang tao. Yung iba nagagalit pa saken. Meron din namang parang gusto akong lapitan at itanong kung bakit ako umiiyak. Pero sa sitwasyon ko ngayon, ayokong intindihin yung mga iniisip at sinasabi nila. Ang tanging nararamdaman ko lang ngayon ay yung sakit. Yung sakit na iniwan ni Tristan.
Sa pagtakbo ko, nakakita ako ng lugar na alam kong pwedeng makapag-pabawas ng sakit na nararamdaman ko. Sa mga panahong nasasaktan at nalulungkot ako, dito ang takbuhan ko. You may call me weird, pero ice cream ang tinutukoy ko. Ice cream, oo, ice cream, yan ang tumutulong saken para mabawasan yung bigat ng loob ko.
Pumasok ako sa Ice cream shop at umorder ng Chocolate flavor ice cream. Mukhang nagulat din yung babae dahil siguro nakita nyang maga yung mga mata ko. Pero pinabayaan ko nalang sya. Binayaran ko nalang yung order ko tapos umupo na ko habang hinihintay yung ice cream.
Habang nakaupo ako, hindi ko maiwasang isipin yung mga memories namin ni Tristan. Yung mga masasaya at malulungkot na alaalang pinagdaanan namin. Nakakalungkot isipin na dumating kami sa ganito. Masaya naman kami dati eh. Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko namalayang tumutulo nanaman pala yung mga luha ko. Ayoko ng ganito. Sobrang sakit.
Dumating na yung order ko pero hindi ko pa din ginagalaw. Iyak lang ako ng iyak. Itinakip ko yung mga kamay ko sa mukha ko at dun ako umiyak ng umiyak. Halos humahagulgol na nga ako eh. Feeling ko nagtitinginan na saken yung mga tao dahil sa ingay ng iyak ko.
"Alam mo bang madaming nagugutom na tao ngayon, miss? Kung ako sayo, ibibigay ko nalang yang ice cream na yan sa kanila. Sayang eh."
Nagulat ako ng may biglang nagsalitang tao sa harap ko. Inalis ko yung mga kamay ko sa mukha ko at tumingin dun sa nagsalita. Pagtingin ko, nakita ko ang isang napaka-gwapong lalake na nakangiti saken. Hindi ko alam kung san planeta sya galing. Siguro hari o prinsipe sya ng ibang mundo. Ah, ewan. -__-