Ang Bestfriend Kong Paasa (One Shot)

4 0 0
                                    

Ako nga pala si Melody . May bestfriend ako at mula pagkabata kami na palagi ang magkasama . Magbestfriend din kasi ang mga magulang namin kaya pati kami ay naging ganun din .

Sobrang bait niya . Kapag kailangan ko ng makaka-usap isang tawag lang sa kanya agad siyang dumadating . Pinapasaya niya ako kapag malungkot ako . Tinutulungan niya ako kapag alam niyang nahihirapan ako . Kumbaga para sa akin siya ang Knight in Shining Armor ko .

Inaamin ko na may gusto ako sa kanya . Hindi nga lang ata simpleng pagkagusto itong nararamdaman ko kundi mahal ko na siya . Hindi naman kasi siya mahirap mahalin lalo na siya ang halos naging kasa-kasama ko habang lumalaki .

Kaya lang ang problema ay medyo concious pa siya sa real gender na meron siya . Ang sabi niya sa akin feeling niya daw ay isa siyang binabae , isang bakla . Pero diba sabi nga nila kapag mahal mo ang isang tao tatanggapin mo siya ng buong-buo kaya kahit na bakla ang bestfriend ko hindi naging hadlang ang pagiging bakla niya sa nararamdaman ko .

Lalo nga atang tumindi ang nararamdaman ko para sa kanya lalo na at araw-araw kaming magkasama . Maghihiwalay lang ata kami kapag kailangan na naming umuwi sa kanya-kanya naming mga bahay para matulog .

Mine , pasensya ka na ah medyo natagalan akesh ! Kalerkiy kasi si Muder ang dami pang chika . - nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ng bestfriend ko . May usap kasi kami na magkikita kami dito sa coffee shop na palagi naming pinagtatambayan . May sasabihin daw siya sa akin .

Ok lang , ano ka ba ! Tsaka minsan naman ikaw ang naghihintay sa akin kaya kery lang . Ano ba yung sasabihin mo Mine ? - nakangiti kong tanong sa kanya .

Para siyang biglang nataranta tsaka binuksan ang bag niya . May kinuha siyang maliit na box mula doon . Kulay pink pa ito at may ribbon na kulay white . Itinapat niya ito sa harapan ko tsaka binuksan . Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong isang silver na singsing ang laman nito . May konting dyamante pa na mas lalong nagpaningning sa mga mata ko ! For real ? Nag-pro-propose ba siya sa akin ? Ghad ! Hindi ko man lang napaghandaan !

Nagustuhan mo ba ? - agad akong napatingin sa bestfriend ko ng bigla niya akong tanungin . Feeling ko nga medyo teary eyed na ako sa sobrang saya . Alam kong medyo bata pa ako pero handa na akong magpakasal lalo na kung sa bestfriend ko naman . Cho-chossy pa ba ako ? Oh come on !

Oo naman ! Yes ! I do . - hesterical kong sagot sa kanya with matching patalon-talon pa sa kina-uupuan ko . Narinig ko pa siyang napatawa ng mahina . Masaya din ba siya pero diba dapat nagtatatalon din siya kasi um-oo ako sa alok niya . Nag-yes ako sa proposal niya .

Saktong-sakto ! Teka madami pa dito eh . Hayaan mo ihihingi kita ng discount kay mama tutal mag bestfriend tayo tsaka parang anak na ang turing sayo non . - lahat ng saya sa katawan ko nawala at napalitan ng pagtataka ng may ilabas pa siyang mas malaki ng box sa una niyang nilabas . Pagbukas niya iba't-ibang design ng singsing ang laman non .

Ang Bestfriend Kong Paasa (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon