KELLY ' S P.O.V
It's been a week since dumating dito si Cath at nag transfer sa school na pinapasukan namin so far masaya naman kasi buo na ulit kami kaya lang may mga sarili din kaming problemang dinadala e akalain niyo yon ang bata pa namin pero marami na kaming problema . Si Cath ayun laging tahimik hindi nga namamansin yon e kami lang lagi kinakausap kasama na syempre yung kambal kong sira ang ulo . Kung tatanungin niyo naman ako kung ano status nila ng bestfriend niya ayun walang progress lagi lang kasing sinusungitan nitong pesteng si Carlo si Cath e ito naman si Cath pag tatanungin namin sasabihin ok lang siya pero pag nag iisa naman iiyak nalang basta. Si Kara naman ayun patay na patay pa din sa kambal ko at yung kambal ko naman ayun dedma palibhasa alam niyang si Kara yung Secret haha choxx basta malalaman niyo soon ! Si Pat naman ayun aso't puso pa rin sila ni Ean every seconds nag aaway yung dalawang yun minsan nga inaasar na namin sila na baka sila ang mag katuluyan e . Si Celene naman ayun lagi ding tahimik parang laging walang gana palibhasa nakasalubong niya si Renz sa mall kaya ayan ang loka hindi maipinta ang mukha pansinko lang lagi silang nag kakatinginan ni Shin tinginan lang ha ang cold kasi masyado ni Shin e . At ako ?? Ano bang bago sakin ?? Bukod sa naging dakilang BH ako dahil sa bestfriend ko wala naman masyadong nangyari .
" Hoy ! "
" Ay kabayo !! Ano ba naman Kyle baliw ka ba ha sira ba ulo mo !!! " Ginulat lang naman ako nitong ungas na Kyle na to at kung tinatanong niyo kung close ba kami o hindi well hindi kami close niyan !!! Slight lang haha
" Tss nagulat ka lang ang dami mo ng sinabi ! "
" Abno ka bakit ka ba nang gugulat ha ! Tsaka bakit ka nandito e wala dito yung kambal ko ! "
" Tss bakit siya lang ba pwedeng puntahan ko dito ? "
" E bakit dinadalaw mo ba ko haha namiss mo ko no ?? Ayiee si Kyle namiss ako haha ! " Asar ko sakanya haha assuming talaga ko e no ? Hindi no slight lang ..
" Tss wag kang assuming Ly ! " Im sure nag tataka kayo kung bakit Ly tawag niya sakin instead of Kelly well sabi niya kasi tamad daw siya kaya Ly nalang ok anung connect ?
" Tss e bakit ka nandito kung hindi mo ko namimiss ??"
" Tara sa mall bored ako e . " Sabi na e mag papasama na naman to hay naku -____________-
" Bakit hindi mo tawagan mga tropa mo sakanila ka pasama sarap na sarap ng higa ko dito sa kama ko e istorbo ka ! " Oo nasa kwarto ko lang naman po siya masyado kasing makapal ang pag mumukha niyang Kyle na yan kaya nakakapasok na rin siya dito sa kwarto ko ..
" Tss ayoko gusto ko ikaw ." Sabay higa sa kama katabi ko aba anong trip nito ?
" Ayoko nga mas masarap pang matulog kesa gumala masyado ka layas nga dyan isusumbong kita kay Lance tinuturuan mo kong mag gala !"
" Tss edi matulog nalang tayo ." Sabi niya sabay ayos ng higa at ang loko nang agaw pa ng kumot aba't talagang nasisiraan na siya ng bait talagang dito pa matutulog pwede naman sakanila e .
" Che mukha mo layas dyan dun ka sa inyo matulog ! Wag dito ano ba Kyle alis na dyan ! " Sabi ko sakanya habang hinhila siya patayo at ang loko mas lalo pang inayos ang pag kakahiga sa kama ko .
" Dito muna ako sige halika na dito matulog na tayo ! "
" O-oy baliw ka ba !!" And the next thing i knew nahila na niya ko at niyakap habang nakahiga oh my gosh first time to mga pre si Kiel never ko pa yung nakatabi matulog ng ganito t-teka bakit yung puso ko ang bilis na tibok ?
" Tss wag ka maingay matulog na tayo ok tamang tama puyat nga pala tayo kagabi !"
" Anong puyat tayo anong pinagsasabi mo dyan ha ! "
BINABASA MO ANG
i'll be there (ON HOLD)
Teen FictionSabi ko dati sinusumpa kong may isang ako na hindi siya magugustuhan pero bakit ngayon kinain ko yung sinabi ko ? Mahal ko siya pero may mahal siyang iba tss kupido naman e papana ka na nga lang dun pa sa taong may mahal ng iba -_- - Patricia