Scarlett's POV
It is Sunday today.
So dahil wala naman kaming homeworks, pupunta muna ako ng mall. Nakabihis na ako ngayon at aalis na. Magpapahatid muna ako kay Butler. Palabas na ako ng bahay kasi nandun na si Butler.
"Where are you going, Athena?" Napatingin naman ako sa likod kung saan nanggaling yung boses.
"Sa Mall lang Kuya Art. Do you want to join me?" Tanong ko. Magpapalibre lang. Hahaha
"Why? Para may tagabuhat ka ng binili mo?" Hahahaha.
"Hindi. Sama ka na.." Sana sumama. Please.
"Okay. Just give me 10 minutes." Yessss! Hahahaha.
"Sa car na lang kita intayin."
"No. Ako na lang mag-drive. Sabihin mo kay Butler."
"Okaaayy."
So pumunta ako kay Butler at sinabi na si Kuya na lang sasama sa akin.
~~
~*Mall*~
"What do you want to do?" Tanong sakin ni Kuya nang makarating kami sa Mall.
"Arcade tayo, Kuya. Tapos nood tayo Movie." Na-miss ko kasi yung times na lagi kaming naga-arcade eh. Dati kasi nung Grade 8 ako lagi kaming nasa Mall kapag weekends.
"Okay. Tara na."
~~
~*Denki*~
Nag-load muna kami. Tig-P1,000 kami. Wahahahaha.
Nagkatinginan kami ni Kuya tapos ngumisi siya. Alam ko na ibig sabihin niyan. Sabay takbo papunta sa Just Dance. Buti na lang walang tao dun. Iniwan ko ang bag ko sa may gilid habang nags-swipe si Kuya.
Sa totoo lang, magaling kami magsayaw ni Kuya. Part kaming dalawa ng isang dance group. Yun yung hobby namin.
~~
After an hour...
Nandito pa rin kami sa Just Dance. Halos maubos na ang laman ng card ni Kuya. Di pa kami umaalis dito.
Napansin ko na maraming nanonood samin. Yung iba naghihintay na matapos kami. Kanina pa nga yung iba dyan eh. Mukhang galit na. Hahahaha. Sorry na.
"Kuya sa iba naman tayo."
"Sige. Tapusin lang natin to."
So ginamit na nga ang natitirang oras.
Pagkatapos namin sa Just Dance, nag-photo booth kami. Niyaya ko kasi si Kuya, para remembrance lang. Buti napapayag ko siya.
Yan ang gusto ko kay Kuya. Kapag may gusto akong gawin, tutulungan niya ako. Kapag may problema ako, hindi siya umaalis sa tabi ko. Kapag kailangan ko ng kasama ready siya para samahan ako.
Swerte ang magugustuhan ni Kuya. Lahat ng magandang katangian ng lalaki makikita mo sa kanya. Sana kapag dumating yung araw na makita na Kuya yung babaeng para sa kaniya, di na siya pakawalan pa.
Yung last kasi na naging girlfriend ni Kuya niloko siya. Pumunta siya ng ibang bansa pero hindi sila nag-break. Long distance relationship silang dalawa. Pero after a year, nalaman ni Kuya na meron pala siyang boyfriend dun sa Canada. Umiyak pa nga nun si Kuya eh. Sobrang mahal niya kasi yung babae. Pero ngayon ayos na siya.
"Kuya may girlfriend ka ba?"
"Anong tanong yan, baby girl. Wala pa akong girlfriend. Mag-aaral muna ako." Sabay akbay niya sakin. Yan nanaman si Kuya. Baby girl nanaman tawag niya sakin. Kaya minsan napagkakamalan kaming mag-boyfriend eh.
"Aish. Kuya wag mo nga akong tawaging baby girl." Sabay alis ko sa pagkaka-akbay niya sakin. "Baka nama mauna pa ako ikasal sayo kuya. Hahahaha. Matagal ka pa makaka-graduate eh. Diba magdodoctor ka?"
Yun kasi talaga gusto niya. Ayaw niya yung may tungkol sa business namin. Kahit ako rin eh. Culinary kukunin ko sa College.
"May boyfriend ka ba, Baby girl? Di ka pa pwede ha." Protective yan si Kuya eh. Naiintindihan ko naman siya kung bakit ayaw niya ako mag-boyfriend. Bata pa ako kaya aral muna.
"Bata pa ako Kuya para diyan. Gusto ko muna maging Chef bago magka-boyfriend. Saka na yang love na yan. Hahahaha." Nandito na pala kami sa Giligans. Favorite namin na kainan to eh.
"Buti naman kung ganun."
Pumasok na kami at nag-order.
~~
Pagkatapos namin kumain, manonood kami ng Movie. Bumibili na si Kuya ng ticket tapos ako bumibili ng popcorn.
~~
Nung matapos yung movie, umuwi na kami ni Kuya. Late na rin kasi. Last full show na yung Movie.
Sa totoo, namiss ko tong ginawa namin ngayong araw. Sana maulit pa to, kahit na maging busy kami sa studies.
~~

YOU ARE READING
The One Who Stole My Heart
Historia CortaDo you ever wish to be that person's special someone? Or to be just his friend? Yung tipong kahit kaibigan lang talaga. Yung kaibigan na nag- uusap, nagtatawanan. Just what normal friends do. Kahit wala nang something sa inyong dalawa. Basta may l...