Ang Tahimik kong Seatmate (One Shot Story)

600 14 3
  • Dedicated kay Jovie Dote
                                    

Salamat po sa google sa photo cover ko. Sana magustuhan niyo po. :)

Ang Tahimik kong Seatmate

Sa tuwing pagpasok ko lagi ko siyang nakikitang tahimik na nagbabasa. Laging tahimik na nakikinig sa discussion ng teacher. Maririnig mo lang siyang magsalita kapag tinanong siya ng teacher namin.

Matagal ko na siyang lihim na crush no I mean lihim na minamahal. Siya si Bryan Villaruel ang tahimik kong seatmate,matagal ko na siyang seatmate since first year kasi magkasunod lang apelido namin Villarica ako eh, gwapo siya at madaming nagkakagusto sa kanya kaya lang naiilang lumapit sa kanya kasi di siya sumasagot kapag kinakausap.

Lunch time na, laging sumasabay si Bryan sakin kumain ng lunch, nagsimula yon noong first day in high school, seatmate ko kasi siya eh at wala akong kasabay kumain kaya nginitian ko siya sabay tanong kong gusto niyang sumabay saking kumain di siya sumagot pero tumayo naman at sumabay sakin papuntang canteen simula noon sabay na kaming mag lunch dahil sa buong three years pareho kaming nasa unang secton kaya lagi kaming seatmate.

Nauna na si Bryan lumabas kasi maghahanap na siya ng bakanteng mauupuan namin. Lalabas na din sana ako kaso...

“Mikaela saglit lang.” Habol ng isang babae galing ng kabilang section.

“Pabigay naman nito kay Bryan.” Sabay abot ng isang lunch box.

“Bakit di mo lang iabot sa kanya para personal di ba?”

“Nahihiya ako Mikaela eh. Sige na please?”

“Okey ibibigay ko.” Sabay kuha ko ng lunch box.

“Salamat.” Sabay alis.

Sanay na ko doon kasi halos araw araw may nag aabot ng lunch box sakin para daw kay Bryan kasi alam ng lahat na kaibigan ako ni Bryan as in pinagdidiinan na KAIBIGAN lang. Ang kaso lagi naman tinatanggihan ni Bryan kaya ito ako tatanggap tapos isasauli ko din kasi di tinatanggap ni Bryan.

                Pumasok na ko ng canteen sabay hanap kay Bryan. Nakita ko siyang nagbabasa ng libro. Umupo na ako sa katapat na upuan niya.

“Bryan pinabibigay ng isang girl doon sa kabilang section.” Sabay abot ko nung lunch box.

“Ibalik mo na lang sa kanya.”

“Pero....” sayang kaya laman din ng tiyan to noh sabi ko sa sarili ko.

“Please, Mikaela paki balik na lang please.”

Nanahimik ako kasi minsan lang magsalita yang si Bryan at alam ko malapit na siyang mainis. Sa tagal ko ba naman na nakakasabay yang kumain madalas tahimik lang siya o di kaya nagbabasa, kaya ako nahilig magbasa ay dahil sa kanya kasi lagi ko hinihiram yong mga book na nabasa na niya.

“Ano ba yong mga bagay na nagpapakilig sa mga babae?” tanong ni Bryan.

“Ha?” Men sa sobrang shock ko yata na nagtanong sakin si Bryan di nag process sa aking brain yong tanong niya, kasi naman ngayon lang siya nagtanong as in siya ang unang nag open ng topic kasi kadalasan ako lang naman ang dumadaldal at sasagot lang siya kung kinakailangan.

“May gusto akong ligawan na babae.”

Ouch ansakit yata ng sinabi niya.

“Talaga? Sino? Kilala ko ba? Anong itsura?”

“Ako kaya unang nagtanong.”

“Ang sungit naman nito. hmmmp” Bulong ko sa sarili ko. Siguro yong top one namin yong liligawan niya kasi maganda at matalino yon. Bukod kasi sakin yong top one lang namin ang sinasagot niya kapag kinakausap siya.

Ang Tahimik kong Seatmate (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon