CHAPTER 13💞

336 23 11
                                    

Ano ang iniisip nang aking alaga?..

Napatingin sya sa may Pinto nang kanyang kwarto

Wala lang ito Wanda may napapa isip lang ako tungkol kay Edwardo..

Huli na para bawiin nya pa ang huling sinabi. Dahil lumapit na sa kinaroroonan nya ang naka ngiting si Wanda.

At ano ang Naiiaip ni Prinsesa Daliah sa Prinsepe Edwardo?..

Hinalikan nya ako Wanda..

Gulat man ay agad nakabawi si Wanda at tinukso sya..

Talagang napaka bilis ni Prinsepe Edwardo, at nahalikan nya ang isang Daliah diba Kamahalan?.. mapa nudyo ang ngiti nito.

Bakit Ano ba ang isang tulad ko Wanda?..

Isa kang matapang na babae Kamahalan at ang lahat nang Prinsepe na iyong nakakasala muha ay natatakot sa iyo. Ngunit di yaTa ay may nakapasa na sa iyong pihikang Panlasa tama ba ako Kamahalan?..

Kung ang tinutukoy mo ay kung may narararamdaman na ba ako kay Edwardo ay mali ang iyong hinsla wanda. Hindi porket nahalikan nya na ako ay babaguhin ko na ang sarili kung pamantayan..

Sana ay hindi ang pagpapahamak sa Prinsepe ang inyong naiisip na Pagsubok Prinsesa, baka kung mapaano si Prinsepe Edwardo sa Ipapagawa mo.

Hindi bat kung hindi nya magagawa ang ibinibigay kung pagsubok ay nangangahulugan lang din na hindi sya karapat dapat sa Pag ibig ko?..

Ngunit Prinsesa hindi ang pagpapahirap ang sulosyon para mapatunayan mong ikaw ay iniibig nang isang Tao..

Buo na ang aking desiayon Wanda, paninindigan ko parin ang mga nauna ko nang plano..

Wag mo sanang pagsisisihan ang mga bagay na iyong gagaein dahil ikaw rin mismo ang masasaktan.. Tumalikod na si Wanda at lumabas na ito nang silid nya..

Samantala:

Sa kaharian nang Aselo

Kasalukuyang papasok nang palasyo si Prinsepe Edwardo nang salubungin sya nang kanyang taga pag alaga..

Kamahalan.. Nahahapong tawag sa kanya ni Selosa

Bakit ganyan ang iyong itsura Selosa?.. Mayron bang masamang nangyari?..

K-kamahalan.. Nasa loob nang palasyo si Cora at ang anak nyang si Esadora

At ano ang pakay nila sa palasyo selosa?  .

Hindi ko alam kamahalan ngunit lahat nang tao dito sa palasyo ay inipon nang iyong ama sa bulwagan..

Ano ang binabalak nang aking Ama?. Mag madali tayo selosa mukhang may binabalak ang aking amang hari at sa palagay koy hindi iyon magugustuhan nang mga tao dito sa kaharian..

Nagmamadali silang pumasok nang matanaw sya ni Haring Luis..

Edwardo Aking Anak mabuti at nandito kana halika

Lumapit sya sa tabi nang truno nang Ama..

Magandang Araw Prinsepe Edwardo.. Bati sa kanya nina Cora at Esadora..

Magandang Araw din sa Inyo.. Ama bakit sila naririto?..

Edwardo Aking Anak sa ilang sandali na lang ay Malalaman mo rin..

Trumphet Sounds;:

Magsitahimik ang lahat magsasalita na anh Hari.

Lahat nang mga Mata ay napako sa haring wari ay may binabasang isang kasulatan..

Magandang Araw sa inyo aking mga tapat na tagasunod at sa mga mamamayan nang kahariang Ito.. Ngayong araw na to ay legal ko nang ipunakikilala si Cora na aking Nobya at sa susunod na linggo ay magiging ganap ko na syang Asawa..

Marami ang hindi sumang ayon.. At ang iba ay pinukol nang kamatis siba Cora at Esadora..

Hindi karapat dapat ang Babaing yan na maging Reyna Mahal na Hari isa syang Bayaran.. Wika nang isang Taga silbi nang Palasyo..

Muli ay binato nang mga ito nsng kamatos ang dalawa..

Magsitahimik kayo.. Wika nang Hari

Sya naman akmang lalabas nang bulwagan ngunit napahinto nang tawagin nang Kanyang Ama..

Edwardo saan ka pupunta?..

Humarap sya sa Ama at nagsalita..

Tama na ang aking Mga narinig Ama.. Dahil alam ko naman na kahit mag protesta ako kasama ang mga tapat nating tagasunod ay hindi rin magbabago ang Desisyon mo.. Deri deritso nyang tinungo ang kwadra at inilabad ang kanyang kabayong si Emree..

Habang papalabas sya nang palasyo ay nakikita pa nyang papalabas ang mga tao sa bulwagan. Tulad nya ay hinsi rin nya tanggap ang tulad ni Cora sa kanilang kaharian..

End of Chapter13

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon