Ikaw yung tipong napakadaling mahalin,
Mula sa mapula mong mga labi hanggang sa nakakaakit mong tingin,
Sa ngiti mong napakaganda,
Sa tawa mo na kay saya,
Sino ba naman ang hindi mahahalina.Sa tuwing ika'y nakikita aking mahal,
Di mo alam ang kilig at saya na aking nararamdaman,
tila bang pagtakbo ng oras ay bumabagal,
oh kay saya mong pagmasdan.Pasensya na kung nahulog ako,
Pasensya na sa damdamin kong ito,
Pasensya na dahil minahal ko ang katulad mo .Gayong alam ko, na hindi ako ang mahal mo at hindi mo gusto magmahal ng katulad ko.
Pero mahal, tandaan mo to.
Kaya kitang mahalin ng totoo,
kahit anong sabihin ng ibang tao
kahit paglayuin pa nila tayo
Di ako susuko.
Ipaglalaban kita kahit ikapahamak koMahal, piliin mo lang ako.
Piliin mo ako, Kahit Babae rin ako tulad mo .