CHAPTER 6

184 58 65
                                    

Dinilat ko ang mga mata ko pero agad ko ring naipikit ng tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Tatayo na rin sana 'ko pero bigla na lang kumirot ang sugat ko sa braso, and I still feel a little bit dizziness. Kunot ang noo ko saan man ako tumingin dahil nga sa hilo at sakit ng ulo. And there I saw Cassidy sitting on the couch, reading some magazine.

"Hey Cassidy, Paki-takpan nga yung bintana, nakakasilaw masyado." Inis kong sabi saka umupo ng maayos.

"Queenie?! Finally you're awake!" masayang litanya nito bago inusod ang malaking kurtina ng bintana. Tinabihan niya 'ko.

"Akala ko hindi ka na makakabalik." bakas sa muka niya ang tuwa. Samantalang bigla akong naguluhan sa naalala.

"Who brought me here?" kunot noong tanong ko.

Ang huli ko lang naaalala, nawalan na ako ng malay. Pagkatapos ngayon, nandito na ako at nakauwi na sa condo ko.

"Nakita ka kagabi sa labas ng building, nakahilata. Good thing kilala ako ng manager dito kaya kaagad akong pinapunta."

"Wala silang nakitang nagdala sa ‘kin?"

"Na-uh, sabi lang sa akin mag-isa ka lang do’n no’ng natagpuan."

What the hell?! So sino ang nag-uwi sa akin? Hindi kaya 'yung lalaki...? Pero imposible, hindi niya naman alam ang condo ko.

"Saan ka ba galing? Na-kidnapped ka raw?" Nanlulumo niyang ani pero hindi ko na 'yun pinansin.

Nagtataka ako. Who really brought me here? Ang nakakaalam lang ng condo ko ay si Mommy, Daddy and Cassidy. I shut my eyes closed, trying to remember everything but...

"Huy!"

I looked at her. "Alam na ba nila Mommy na nakabalik na 'ko?"

"Yes. And, pupuntahan ka raw nila dito mamaya." Tumayo siya at kumuha ng sliced bread, binigay niya ito sa 'kin.

"What for? To scold me again?" Naikot ko ang mata ko, inilingan ko rin ang inaalok niya.

"Eat it, ano ka ba. For sure wala ka pang kain-kain." Giit nito at pilit na pinahawak 'yun sa kamay ko, tinanggap ko na lang kahit wala naman akong gana kumain.

"They were so worried about you, everyone looked for you that night. Bigla ka nalang kasi nawala."

"Pero bakit hindi agad ako kinuha ni Daddy sa mga sindikatong ‘yun?" Walang emosyon kong tanong sa kaniya.

"Sindikato?!"

Saka ko lang napagtanto, hindi ko pa pala nasabi kay Cassidy ang tungkol sa nangyari.

I sighed, "Oo. Nanghihingi sila ng sampung milyon kapalit ko. Sinuwerte lang ako para makatakas." Sabi ko habang inaalala ang mga iyon. Tila hindi ko na 'yun makakalimutan pa.

Umiling siya, "Kaya pala galit na galit ang Daddy mo habang may kausap sa phone. Pero naiintindihan ko, hindi naman kasi kaagad makakapaglabas ng instant 10 million ang Daddy mo, e."

"Tsh! I almost died! Kung wala lang nagligtas sa ‘kin baka pinaglalamayan na 'ko ngayon." Diretsang sabi ko. Hindi ako naiinis kila Daddy dahil hindi niya 'ko pinuntahan agad, I understand wala kaming 10 million na isang pitik lang nasa harapan mo na. That old man is very exaggerate!

Kung naiinis man ako... 'yun ay dahil nangutang si Daddy do'n kahit na alam naman niya na hindi niya kaya bayaran. Now what? Ako pa ang mapapahamak. And, I'm wondering... what did Dad do to that big money? Why did he killed Grey Falcon's wife? Tapos ito pa, sino ang nagdala sakin dito? I'm so cluless! Damn...

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now