Dala ng pagka boring sa Mansion, napag kasunduan namin ng mag kakapatid na maaga nalang pumasok para narin makapag lagalag.
Kaya ngayon ay bumabyahe kami papuntang RIS.
Normal lang namang araw, nag haharutan si Galen at Jaythan sa likod.
Si Vicku ay gumagamit ng loptop, si Zac ay sumisimpleng silip sa bintana at humuhuli ng chicks, si Daemon at Bryon naman ay nakaupo sa tabi ko at ako ang napapagitnaan nila.Riley.
Lumingon ako sa likod nang marinig kong tinawag ako ni Jaythan. Hindi ko naiwasang mapasulyap kay Vicku na seryoso sa loptop kahit wala naman akong naaalalang projects o assignments mula ng pumasok ako sa RIS.
Bakit?
Tanong ko sa kanya na nakatingin sakin kahit na panay ang hampas sa kanya ni Galen.
Sa first sahod mo, ilibre mo naman ako.
Sabi nya sakin ng nakangiti, oo nga pala malapit lapit narin.
Mag iisang buwan palang ang lumilipas mula ng nag trabaho ako para sa mag kakapatid, at napaka bilis nga ng panahon at napakaraming nangyari.Ngumiti ako sa kanya saka tumango sa kanya.
Hindi naman pwedeng hindi ko sulitin ang magiging sweldo na makukuha ko, unang sweldo ko yun at dapat mag celebrate ako.
Ngumiti lang sya pabalik sa akin saka muling itinuon ang atensyon sa kapatid.
Hindi ko lang din lubos maisip na nakaya kong pamisamahan sila kahit na iba iba ang kanilang pag uugali at halos marami narin akong nalaman tungkol sa kanila.
Ilang minuto lang ang muling lumipas, narinig ko na ang isang malakas na alarm mula sa loob ng school.
Para talaga silang mga diyos dito sa school at sa tuwing dumadating ang sasakyan ay parang anak ng presdente ang nakasakay.
Samantalang hindi ko manlang mapansin na ganito din pag si Trician ang dumadating.
Kamusta na nga pala si Trician?Kagaya ng nakasanayan.
Maraming tao, lalong lalo na mga kababaihan na nag aabang mula sa paligid ng school para masilayan ang mga mukha nilang halos tatlong dangkal lang ang layo sakin.
Kayang kaya kong hawakan ng walang kahirap hirap samantalang sila ay nakikipag sapalaran pa makausap lang ang isa sa kanila.
Samantalang ako, parang ako pa ata ang pino-protektahan ng mag kakapatid imbis na iyon ang trabaho ko.
Lumabas na ang iba sa mag kakapatid at si Bryon nalang ang kulang saka ako tuluyang lalabas.
Hinawakan na ni Bryon ang lock ng pintuan ng kotse pero bago nya tuluyang buksan ang pinto ay tumingin pa sya sakin.
Nag aantay sa harapan ng pintuan ang mag kakapatid para sabay sabay kaming lumakad.B-bakit?
Tanong ko sa kanya.
Bigla ko kasing naalala na pinagalitan nya ako sa harapan ng mga kapatid nya kagabi. At baka dagdagan nya pa.Gusto ko lang sabihin na hindi ka naman talaga mahirap alagaan.
Sabi nya sakin saka muling humarap sa pintuan at binuksan ito.
Lumakad na kami papuntang hallway nang may grupo ng babaeng sumalubong sakin.Hi Riley.
Bati nila sakin at meron pa silang dala-dalang cake.
Kinabahan ako ng palapit sila sa akin pero mas mukhang kinabahan si Zac.
O gusto ni Zac na sya muna ang unang pansinin?
Palapit palang ang grupo ng mga babae ay agad na akong hinatak ni Zac at itinago ako sa kanyang likod saka bumulsa at humarap sa mga babae.Bakit?
Tanong nya sa mga babae na nag pupumilit na gumilid para malapitan ako pero panay ang harang ni Zac sa kanila.
Riley.
Sabi ng isa sa kanila na may neon red na matte lipstick na mahirap ipaliwanag.
Bakit nga?
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romance#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...