MFIME [One shot]

13 1 0
                                    

My friend is my enemy

"Bestfriend!!!!!!!" tawag ni Sally kay Miko na nag lalaro ng temple run sa cellphone nito.

hindi maitago ng dalaga ang saya dahil muli silang nagkita ng bestfriend nya. bumisita kasi sya sa lola nya dahil may sakig ito. tatlong araw lang silang di nagkita pero pakiramdam nito sobrang tagal na.

"Bestfriend nagtatampo nako sayo di ka manlang nag tetext or tumawag man lang sakin,hindi mo rin na rereplyan yung mga text ko sayo"
napasimangot nalang si sally dahil sa dahilang di nga sya nito tinatawagan oh tinetext man lang.

"Ano ba sally ang kulit kulit mo na talo tuloy ako malapit ko nang malampasan yung high score ni fai ee" Naiinis na sagot ni miko sa kaibigang si sally.

"what? sinong fai?" naguguluhan tanong nang dalaga sa kaibigan nya.

"si fai bagong lipat sa atin lumipat sila nung araw na pumunta ka sa lola mo"sagot naman ni miko.

nakaramdam ng kaunting selos si sally dahil feeling ng dalaga ay may bago ng Bestfriend ang bestfriend nyang si miko.

"Ahhhh" yun nalang ang naisagot ni sally sa kaibigan.

"fai!!!" biglang napatingin si sally sa dereksyon kung saan kumakaway si miko.

Nakita nya ang isang babae na mahaba ang buhok kasing tangkad lang nya ito at maputi. lumabas ang babae sa tapat ng bahay nila miko na katabi naman ang bahay nila.

nakatambay lang kasi ang dalawa sa tindahan na katapat ng bahay nila sally.

"dito" sabay turo ni miko sa bakanteng upuan katabi nya.

agad naman pumunta ang babae sa tinuturo ni miko at umupo doon.

"fai si sally" maikling pag papakilala ni miko kay sally.

"BESTFRIEND nya" sinadya ni sally na diinan ang pag kakasabi nito ng 'Bestfriend'

"owww hi,fai nga pala" maikling pag papakilala ng babae kay sally at inilahad ang kamay nito na iniabot naman ni sally.

Nag kwentuhan lang silang tatlo Correction pala si fai at miko lang ang nag uusap habang si sally nakikinig lang at hindi pinapahalatang naiinis na sya kay fai sa kadahilanang inaagaw nito ang atention ng Bestfriend nya na dapat sa kanya lang sa mga oras na to.

----------------------------------------------------------

kinagabihan naisipan itext ni sally ang Bestfriend nya para yayaing mag jogging bukas ng umaga.

To:Bestfriend

Bestfriend jogging tayo bukas? ano G ba?
              
                    send

Nagtataka ang dalaga dahil antagal mag reply ni miko sa kanya. dati dati naman sobrang bilis nito mag reply sa kanya. ngunit nag antay pa ito ng ilang minuto bago mag reply sa kanya si miko.

From:Bestfriend

SLR tumawag kasi si fai eh hahahaha. ano nga ulit yun?

pagka basa ni Sally sa text ng kaibigan biglang sumakit yung puso nito. nag seselos ito dahil dati naman ay sya lang ang katawagan ng Bestfriend nya pero ngayon iba na.

hindi nya nalang ito tinetext pang muli dahil parang gusto na nyang ibato ang cellphone nya sa galit. galit dahil pakiramdam nito ay pinag palit na sya ng Bestfriend nya. galit sa sarili nya dahil nag seselos sya kahit Bestfriend lang ang turing nila sa isat-isa at galit dahil feeling nya nag kakagusto na sya sa 5 years Bestfriend nya na si miko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My friend is my enemy (One shot)Where stories live. Discover now