Episode 29

315 22 10
                                    

SinB's POV


D A Y  1


Pag-katapos mag-palit ng damit ni oppa, lumabas kami ng bahay at nag-lakad papunta doon sa may pampang.


"Oppa saan nga tayo pupunta?" tanong ko habang naglalakad kami ng magkahawak ang kamay.


"It's a surprise, basta ang clue lang ay lilibutin natin ang buong Bora Bora and I assure you wala tayong lalagpasan," naka-ngiting sambit niya.


Ito talagang lalaking 'toh ang hilig mag-tago ng mga plano niya eh. Minksan nakakainis din.


Hinayaan ko na lang siya at nag-lakad na lang kami in silence. As always, halos terno nanaman kami, naka-Timberlands din siya (as always) at white plain shirt atsaka ripped denim jeans. Ginaya niya lang ako eh.


Pag-dating namin sa pampang ay nandoon na si Seyoung oppa at yung gurlalu na Mylene ata ang pangalan.


"Hello Mr. and Mrs. Jeon, are you ready to tour Bora Bora?" tanong ni Seyoung oppa.


Parehas kaming tumango.


"It's good you both wear comfortable clothes and shoes, because for day 1, we will discover Bora Bora's beauty in land," sambit niya at nag-simula nang mag-lakad kaya sinundan namin siya.


Buong araw ay tinour namin ang safari ng Bora Bora, nag-bike kami at umakyat sa mga hills and caves, pumitas ng mga prutas sa puno at nakinig kay Seyoung oppa sa mga historical sites na madaanan namin.


Pag-katapos ng tour namin ay sobrang sakit na ng paa ko pero pakiramdam ko merong fairy dust yung mata ko dahil sa lahat ng nakita ko. Sobrang ganda ng Bora Bora, lalo na nung umakyat kami sa pinaka-mataas na peak at nakita ko yung buong island na pinapalibutan ng dagat.


Pag-kabalik namin sa hotel namin ay agad kaming sumalampak sa kama, nag-hubad lang kami ng sapatos at nakatulog na agad kami nang dahil sa sobrang pagod. 


Naramdaman ko pa si oppa na nag-alarm sa cellphone niya bago kami tuluyang natulog ng mahimbing.


D A Y  2


Una sa lahat, nagising ako nang maramdaman kong ginigising na ako ni oppa. Sobrang pagod ako kahapon pakiramdam ko noodles na yung mga binti ko.


"Oppa, I'm so tired," bulong ko at nag-talukbong ng kumot.

"I know, baby, but don't you want to go swimming?" feeling ko pati yung ngisi niya naririnig ko eh.


Nag-buntong hininga ako at tumayo mula sa pagkakahiga.


"Okay, okay, hoo SinB, kaya mo yan," sambit ko at tumayo na, hindi pa ako nag-palit ng damit samantalang si oppa nakapag-shower na. Amoy mandirigma na ako.

"I Do" [finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon