Time Doesn't Take Love

3 0 0
                                    

"Wahhh!!Hello Korea!"Naka-ngiti kong bati.
Nandito kami ngayon sa Incheon Airport dahil ito ang unang araw namin sa korea.

" Grabe ang lamig pala dito!"Reklamo ng mama ko.

"Sabi kase sayo mama magbaon ka ng madaming jacket,Eh isa lng yang dala mo.Dalawang araw ka pa maman dito" Sabi ko kay mama na ngayon ay yakap yakap ang sarili niya.

"Hay nako,daming mong dada.Tara na nak punta na tayo sa hotel natin."

Maglalakad na dapat ako ng may biglang humila ng braso ko ng pagkalakas-lakas nasubsob pa nga ako sa dibdib nya eh.

"Aray enebe!Masakit ha?Sino ka ba?" Pagtataray ko sa lalaking humila sakin.Infairness mabango sya,Tiningala ko siya at laking gulat ko nalang ng makitang si Woohyun ito!Ang member ng paborito kong kpop boy group.

Nagulat ako ng itaas nya ang baba ko at unti-unting lumalapit ang mukha nya sa mukha ko!

"Anong gagawin mo?" Tanong ko habang kinakabahan.

"I'll make your first day in korea memorable"At inilapit nya ang mukha nya lalo,maglalapit na sana ang mga labi namin ng-

"ABI!!!!!!TANGHALI NA ANAK!"

Napabalikwas ako ng bagong sa lakas ng katok ng mama ko sa pintuan!Walangya panaginip lng yung samin ni woohyun?

"MAMA!Ano ba naman yan!Ang ganda ganda na ng panaginip ko eh,nandoon na e.mahahalikan na ako ni woohyun bat moko ginising?!" Galit kong wika kay mama.

"Aba,Gaga ka.8Am na!7Am ang pasok mo diba?Nako unang araw ng klase late ang gaga" Maarteng sabi ni mama.

"Ano?8AM na?Mama bat ngayon mo lng ako ginising?"

"Diba ang sabi ko sayo kagabi,agahan mo ang pag-tulog at wag ka na manood muna ng kdrama na yan at kpop!Anong oras ka na ba natulog kagabi ha?"

"4AM.Sabi mo agahan ko,kaya ayan literal na maaga hehe"

"Gaga ka talaga" Akma nya akong babatukan ng tumayo ako at pumunta sa banyo ng kwarto ko

"Ligo na ako ma bwahaha"




"Oh,hindi ka na ba mag-aalmusal?" Tanong sakin ni mama ng makita nya akong nagsasapatos na sa may pinto banda.

"Hindi na eomma,late nako babush mwah" Nag-flying kiss ako sakanya.

Dahil nga malapit lng ang school ko sa bahay namin,tinakbo ko na yon habang sinusuklay ang buhok kong basa pa.

Dahil nga alam ko na ang number ng magiging room namin ay di na ako nag-abalang tignan ang nakapaskil sa may gate ng school,basta basta nalang akong tumakbo.

"Sorry ma'am I'm late" Nakayuko kong sabi pagkatapos ko buksan ang pinto.

Ang tahimik na classroom namin ay lalong naging tahimik dahil sa sinabi ko.

"Abi!!Ano ka ba,pasok na bes dali habang lumabas yung teacher!" Tawag sakin ng bestfriend kong si mina.Hindi ko pa pala nasasabi na sya ang bestfriend ko simula nong tumira kami dito sa pinas.

Agad agad akong lumapit sakanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko.

"Malamang nakaupo,Classmate tayo!Sinabi ko kay daddy na kung saan ka ulit,doon din ako.Bongga diba?" Naka ngiting sagot nya saken.nakalimutan kong principal pala ang daddy nya ng eskwelahan na ito.

Natigil ang dapat pagsagot ko sakanya ng bumalik ang teacher.

"So ayun na nga guys,I'm your teacher in computer programming 1&2.Mommy bianca nalang ang itawag nyo sa akin since hindi naman nagkakalayo ang mga edad natin dito hahaha,Respeto lng din." Tumawa sya ng malakas at masasabing kong maganda sya at bata pa.Hmm,mukhang magugustuhan ko ang isang 'to.

Computer Programming ang kinuha kong course.Btw grade11 na pala ako at pinili kong mag-aral dito sa Epitome University.

"Simula dito sa harap hanggang dulo ay magpapakilala sa harap okay?" Sabi ni ma'am bianca.

"Hi,I'm Jenny Dela Cruz.
17 yrs old" Sabi ng isang babaeng mukhang mahiyain.Sabagay maganda sya ha.

"Chloe Perez everyone!18 Batang bata.Sanay ng masaktan kaya manhid na!hahaha" Sabi ng babaeng may maiksing buhok na abot hanggang balikat nya at maganda ang kutis nya ah,parang pang koreana.

Nagpatuloy ang pagpapakilala sa sarili hanggang sa si Mina na ang magpapakilala.

"Minari Alejandrino,No need to introduce my self more.I know naman na kilala nyo na naman na ako."Sabay flying kiss ng gaga.

Sabi ni mina,Sabagay dito na siya nag-aral simula grade7.

"Abi Lee,Nice to meet y'all" Sabi ko pagkatapos ay umupo na.Ayoko kasing pinapakilala ng masyado ang sarili ko.

"Buti di mo sinabing seventeen teen teen hahaha" Bulong sakin ni mina.Parehas kasi kaming kpop fan kaya nagkaka-intindihan kami.

Nagpatuloy ang pagpapakilala at ang unang subject na comprog,As usual sa ibang mga subjects ay pagpapakilala din muna ang ginawa.

"Abi,Let's G na sa canteen.Gutom na ako!Sana may fried noodles dun hays!"

"Uy ha!Sabi mo tuturuan mo akong mag chopsticks!" Paalala ko kay mina.

"Ne,kaya nga sana may fried noodles dun para may chopsticks at maturuan na kita." Kinawit nya ang braso sa akin at naglakad na kami papuntang canteen.

"Ang daming tao!" Sabi ko kay mina.

"Ngayon ka pa natakot sa tao,Sa dami na ng kpop dance contest na sinalihan natin nako!" Sabi ni mina sabay hirap.

"Dyan ka lang muna ha,bibili lang ako ng maiinom libre kita tutal namiss kita mwahahaha"

"Sge,Balik ka agad ha."

"Yup!"

Habang inaantay si mina sa upuan ay may nakita akong isang lalaking oppa bes!Mukha talaga siyang koreano.Ewan malay mo half korean sya gaya ko.

"Abi!Lika!" Tawag sakin ni mina na nasa likod pala nung lalaking mukhang korean.

Pagkalapit ko sakanya ay binigay nya agad ang blue lemonade na inumin ko.Nagulat pa nga ako ng tanggalin nya ang takip nito.

"Sorry sa gagawin ko ha?Hahahaha.pasasalamatan mo ako dahil dito!"

Magtatanong na sana ako kung anong gagawin nya ng bigla nya nalang akong itinulak sa lalaking nasa harap ko dahilan para matapon ang blue lemonade na hawak ko sa lalaking ito.

"OMG!" Sabi ko sabay takip ng bibig.

"Hihihihi" Tawa ni mina sa gilid ko.

Maya-Maya pa ay narinig ko na ang bulungan ng mga kapwa ko estudyante.

"Tss,Sinadya nya yan para pansinin sya ni drew yuck attention seeker"

"Hala nako,Yari siya"

"Omg,Is that drew?Yari yan si girl."

"Diba ayan si drew?Yung pinsan ni mina?"

"RIP na sayo girl tinapunan mo ba naman si drew eh"

Nagulat ako sa sinabi ng isang babae,Pinsan ni mina ang poging 'to?Pero hindi yan yung issue ngayon.Mukhang lahat takot sa sinasabi nilang drew na ito.

"Mianhe este sorry kuya!Sorry talaga.Eto kasing si mina tinulak ako sorry talaga!" Malakas kong sabi.

Tinitigan nya lng ako at si mina na nasa likod ko.Ang buong akala ko ay sisigawan nya ako pero nagulat ako ng mamula ang tenga nya.Siguro galit na sya omg!Lupa kainin mo ako!

"Cous,Sorry.I didn't mean to push abi.hehe!Aksidente lng peace!" At nagpeace sign pa sya ha!

Tumango lang si drew kuno at dali dali kaming tinalikuran.Ang mga babae namang nagbubulungan kanina ay pawang nagulat sa tugon ni drew.

Anong meron sa drew na yun?Weird ha.

--------

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Time Doesn't Take LoveWhere stories live. Discover now