Habang nagdidiscuss si sir sa unahan walang napasok sa isip ko. Iniisip ko kasi ang BTS eh. Pasukan na, saan kaya sila napasok? Nandun na kaya sila sa bansang yun? Ang swerte swerte naman ng paaralang yun. At alam mo ang mas maswerte?
YUNG MAKAKATABI NI JUNGKOOK!!
WHAAAAA!! IYAK NA AKO DITO! Sana lalaki ang katabi nya. Paano kaya yun? Edi hindi sila makakapagfocus sa study nila dahil maraming nakakakilala sakanila? Bat kase hindi na lang sa Korea para safe sila.
"Miss Lopez?"
"P-po?"
Hindi ko namalayang nasa unahan ko na pala si sir at kinaway pa ang kamay sa harap ko (-_-)
"San na ba nakarating ang utak mo Miss Lopez?"
Nagtawanan naman ang mga kaklase ko pati tong kupal na toh. Psssh.
"A-ah so-sorry po. Ano po ba yun?"
"Sabi ko, kayo ni Kenji ang partner sa activity natin ngayon"
Nanlaki ang mga mata ko at pagtingin ko sakanya nakatingin na sya sakin at nakangisi. Yung ngiting mapang asar? Tas sabay kindat ng kupal.
"Pero sir--"
"No buts, kayo na lang dalwa ang walang partner at magsisimula na tayo kaya lumabas na kayo"
WATDA?! SRSLY?!
Lumabas na si sir ng room kasabay ang mga kaklase ko. Huling tumayo yung nga kasama nya, nakakunot pa rin ang mga noo ko habang nakatingin sakanya habang lalabas ng pintuan. Napataas naman ang kilay ko ng bigla syang bumalik at tiningnan ako.
"Ikaw? Tutunganga ka lang dyan?"
"Tsss kung wala lang talagang marka toh hindi ako papartner sayo" bulong ko habang inaayos ang bag ko.
Ewan ko ba. Naiinis ako sakanya eh. OA man ang naging reaksyon ko nung nasa Jollibee kami eh kase naman kase eh.. napakaano, alam naman nya kasing aano ako tas inano nya ako! Tss
Nauna na akong maglakad sakanya. Science kami ngayon at may experiment kami sa labas. Kukuha daw kami ng mga buhay na bato tapos ilalagay sa beaker na may lamang acid tas ilalagay namin dun tas tingnan daw namin ang mangyayari.
Lahat kami nandito sa labas at naghahanap ng buhay na bato. Punyeta. Ang hirap maghanap ng buhay na bato dito nuh. Kakaunti lang kase ang batuhan dito sa university halos lahat simentado na. Patingin tingin lang ako sa lupa hanggang sa nakakita ako.
Kukunin ko na sana kaso may kasabay akong nakakuha nun, nahawakan pa kamay ko. Pagtingin ko sakanya. Pucha! Hinablot nya agad sakin yung bato.
"Hoy akin yan!" hindi nya ako pinapansin. Diretsyo lang sya sa paghahanap ng bato.
Tatlong bato kasi ang kailangan para sa 3 trials.
"Hoy Kenji!" Napatigil sya sa paghahanap ng bato at lumapit sakin.
"Alam mo na agad pangalan ko ah? Epekto ba yan ng kagwapuhan ko? Hmm?" Taas baba pa ang kilay nya.
Ang kapal! Hindi ba pwedeng kaya ko lang natandaan agad ang pangalan nya kasi kapangalan nya yung ex ko?
"Nahiya ang dictionary sa sobrang kapal mo!" Nagpatuloy na lang ulit ako sa paghahanap. Narinig ko syang tumawa. Hindi ko na lang sya pinansin.
YOU ARE READING
The Fangirl Meets Her Bias
FanficIm just a FANGIRL. A fangirl that cannot sight my highest level in fangirling and being a assumera is real. 😂 Fangirl/fanboy ka? You must read this story. 😉