©hapter 1 ™

249 2 0
                                    

©hapter 1: meeting her ™

Hoy Erika! Anu ba hindi ka nanaman nakikinig eh! Nakakaasar ka na!” naaasar na sigaw ni Mia kay Erika na kasalukuyang nakikinig ng music sa kanyang ipod.

 “Erika anu ba tigilan mo na nga yan!” sabay hila nito sa earphone na nakalagay sa mga tenga niya.

Alam mo ba nakakainis ka na talaga. Lagi ka na lang ganyang magbago ka na nga!” paghihimutok nito sa kanya.

(,~~) ♫ ♪ (-.-) ♪ ♫ (,++) (",) mia-ako-kaill-jence

Napakunot siya ng noo kinakausap ba siya nito? “Hah? May sinassabi ka ba? Ako bang kausap mo?” tanong niya rito.

 ** Pause, Ako nga pala si Erilyzha Katherine Richford, Erika for short. Oh diba napaghalo ko ewan ko ba kung bakit ang haba haba ng name ko parusa diba? Haha. im 17 years of age, ordinary girl, hindi ako sikat, hindi naman din ako masyadong kagandahan at hindi din naman ako pangit,medyo mabait, masikreto, at higit sa lahat kakaiba. 2nd year college sa richford university astig noh kaname ko hehe pero hindi ako related sa may ari ng school hehe though lagi nila yong napagkakamalan. This school is one of the high profiled university in the country, pero hindi kami rich ah tama lang na may kaya kami unlike nila mia, jence and kaill ewan ko ba kung panu naafford ng mom ko na dito kami pinaaral ng kuya ko take note ah sabay pa kami though two years ahead sya sa amin. Haha okay back to reality. **

Naihilamos ni mia ang mga kamay niya sa muka, hudyat na inis na talaga ito.  “Ay hindi! Hindi kita kinakausap! At hindi Erika ang pangalan mo diba? Hmp!” paismid na sabi nito.

Galit na talaga ito sa kanya mahilig kasi siyang makinig ng music kaya tuwing nagkakatuwaan o nagkwekwentuhan ang mga ito ay may mga pagkakataong hindi siya nakakasabay o nakakasagot kapag hinihingi na ng mga ito ang kanyang payo. Naguilty naman siya sapagkat madalas ng nagtatampo ang mga ito sa kanya dahil doon.

 “Mia sorry na hindi ko kasi namalayan na kinakausap mo na pala ako. Sorry na oh. Anu bang sinasabi mo kanina? May tinatanong ka ba? Anu yon?” pangungulit niya dito.

Hindi pa rin siya nililingon nito na parang wala lang itong naririnig. “uyyy Mia sorry na talaga. Ui! Pansinin mo naman ako oh. Makikinig na talaga ako promise. Anu ba kasi yon?” Inuga niya ito para pansinin na siya nito.

Hoy. Mia naman ehh. Sorry na.” pangsusuyo niya dito.

(,~~) (ΘΘ,) → Mia, ako.

Sandali itong tumingin sa kanya. “Ewan ko sayo. Hays! Bitawan mo nga ako.” Sabay inalis ang kamay niyang nakakahawak sa balikat nito

Mukang malala na talaga ang inis nito dahil sa di niya pag-intindi rito. Binalingan niya ang dalawa pa nilang kaibigan na sina Jence at Kaill. Magbetfriend ang dalawa mula pa noong high school ang mga ito magkapareho kasi ang mga ito ng pinasukang eskwelahan. Una niyang nakilala si Jence sa tatlo, naging kaklase kasi niya nito noong nakaraang semester at naging malapit sila kaya naman nagkasundo sila na sabay silang mag-eenrol para maging magkaklase sila ulit habang si Kaill at Mia naman ang magkasama sa ibang section. Naging malapit sila ni Mia sapagkat halos magkaparehas sila ng ugali parehas silang may pagkamatalas magsalita sa mantalang ang dalawa ay tila hindi makabasag ng pinggan sa bait.

Anu bang sinasabi niya kanina?” tanong niya kina Jence at Kaill.

Tumingin na si Mia sa kanila. “Hay nako wag niyong sabihin dyan nang matuto naman yan. Panu ba naman kasi parang may sarili ng mundo hindi mo na makausap ng maayos o ng matino.

 Akala pa naman niya ay okay na sila ngunit nagkamali siya nagtatampo pa rin ito. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga, alam naman niyang hindi siya matitiis ng kanyang mga kaibigan ngunit aware din siya kung kalian siya mali, tulad na lamang sa pagkakataong iyon.

Tama nga ito muka nga siyang may sariling mundo hindi naman niya maiwasan dahil pakiramdam niya ay masaya siya tuwing nakikinig siya ng mga kantang gusto niya, pakiramdam niya ay narerelax siya na parang natratransport siya sa isang napaka mapayapa, tahimik at magandang lugar.

Tiningnan niya ito ng parang nagmamakaawa. “Sorry na talaga Mia. Hindi ko lang kasi talaga namalayan na ako na pala ang kinakausap mo. Wag ka ng magalit oh, please.

(nn,) → ako yan nagpapacute

Hay nako! Kasi naman Erika sinabihan na kita na bawas bawasan mo na ang pagkikinig sa music dahil hindi ka namin makausap ng tama. Tuwing tinatanong ka namin hindi ka namin makuhaan ng matinong sagot, wala kang madalas na sinasagot sa amin kung hindi ‘anu daw’ o kaya ay ‘bakit’ tama ba naman yon at ito pa, pwede ba tigilan mo ang pagsosound trip mo kapag nandito tayo sa school at lalong lalo na kapagnagkaklase tayo. Hindi ka ba natatakot na bumagsak? Pumapasok ka nga pero daig mo pa ang umabsent ng isang buwan dahil sa sobrang pagkalate mo sa lessons!” panermon nito sa kanya. May punto ito ngunit hindi naman niya pinapabayaan ang pag-aaral niya, nagkakataon lang talagang tinatamaan siya ng katamaran tuwing napapansin siya nito.

Sa kanilang tatlo siya ang maituturing pinaka pasaway. Hindi kasi siya mahilig mag-aral tulad ng mga ito. Tama na sa kanya ang pasadong marka hindi naman sa kanya mahalaga ang maging mataas eh. Ang mga ito kasi ay mga grade conscious at talagang makikita mong nageexcert ng effort na mag-aral. Nag-aaral din naman siya kapag sinipagan. Ngunit kahit ganun naman ay hindi pa rin maituturing bobo siya sapagkat nakakakuha din naman siya ng matataas na marka kahit hindi siya pala aral, nakasanayan lang talaga siguro niyang mawili sa ibang bagay.

Sorry na talaga tinatry ko naman ah. Hindi ko lang minsan maiwasan. Hindi pa naman ako bumabagsak kaya ayos lang yon. Alam kong concern lang kayo salamat, pero wag na kayong mag-alala carry to ng powers ko.” Pabiro niya sabi sabay ngiti sa mga ito.

(.~~) (,Oo) yan ganayan ang reaction nya sa sinabi nya.

alam niyang hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi. “At nagawa mo pa talagang magbiro? Ayos ka talaga bahala ka na nga kapag bumagsak ka wag mong sasabihing hindi ka naming sinabihan.

Yah, yah, yah. Opo inay hindi na po. Sorry na ha. Peace na tayo hah?” v(**,)

I love you Mia.” Pang-aasar at lambing niya dito.

Sanay siyang sabihan ang mga ito nga ganon para pang bawi at pagpakita ng appreciation sa mga bagay.

I hate you!” sabay ismid sa kanya.

Tinugon naman niya ito ng matamis na ngiti. Nakasanayan na rin niya ang mga response ng mga ito tuwing naglalambing siya ng ganun. Alam naman niya na nagbibiro lamang ng mga ito tuwing sinasagot siya ng ganun. Hindi pa rin niya maiwasang matuwa sa mga ganung katuwaan nila. She’s really thankful and happy having them around.

©hapter 2 : meeting him ™

....abangan (n_n)

His not that popular, I don't even KNOW HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon