Chapter 1: Kelsie

177 24 8
                                    

"Kelsie, here."

Tinignan ko ang inabot sakin ni mommy. Credit cards, car keys at passport. Inabutan niya rin ako ng cash.

"Thanks, mom!" Sabi ko pagkatapos kong kunin ang mga binigay niya.

"Are you sure you don't want your body guards to come with you?" Tanong nanaman sakin ni mom, kanina niya pa ako pinipilit.

How many times do I have to tell them na hindi na ako bata at kaya ko ang sarili ko. Para saan pa yung ginugol kong oras para sa pagt-training at paga-aral ng iba't ibang martial arts.

"Napag-usapan na po natin 'to ilang beses na. I will never change my decision." Bumuntong hininga na lang si mommy dahil alam niyang desidido na talaga ako.

Sabay kaming napalingon sa pintuan nang nay mag-bukas nito. Si dad. May dala-dala siyang mga gamit. Siguro ay sakin ito, mga iba ko pang kailangan.

"Here. Your class schedule and school uniforms."

Eh? Bakit pinadala pa dito? Sana iniwan na lang dun sa mansion namin sa Pilipinas, nag-abala pa sila.

Nagpasalamat na lang ako kay daddy.

"Now, go to sleep. Maaga pa ang flight mo tomorrow." Paalala nila sakin bago sila lumabas ng kwarto ko.

Inaantok na rin naman ako kaya hindi na ako nahirapang matulog.




▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪






Kinabukasan ay kasama ko ang buong pamilya ko sa airport.



"Baby, just call us if there's a problem. Okay?" Sabi sakin ni ate bago niya ako i-hug.

"Be safe, baby. Madalas ka pa namang ma-bully. You look weak kasi e." Pang-aasar naman sakin ni kuya kaya sinuntok ko siya sa tiyan pero mahina lang.

Umakto naman siyang parang nasaktan talaga tapos tumawa. At saka ako hinug.

"Kung maaari ay umiwas ka sa gulo ha." Niyakap din ako ni mom.

Bumaling ako kay daddy at nag-smile. Niyakap niya rin ako.

"Behave, Kelsie. Susunod din agad ang kuya at ate mo para mag-manage." Kumalas na siya s ayakap kaya tumango ako. Tinap niya ang ulo ko.

May school kami, pagm-may ari ni mom and dad at doon ako mag-aaral.

Actually, one month na nag-start ang classes sa Philippines pero ngayon lang ako papasok kasi biglaan ang pag-uwi ko sa Pinas.

Nagpaalam na ako sa kanila at umalis na.



Pagkasakay ko ng eroplano at pagkahanap ko sa upuan ko ay nagsuot ako ng shades dahil matutulog ako.




Nagising na lang ako nang pa-landing na ang airplane kaya hindi na ako natulog ulit. Hinubad ko na rin ang shades ko at naghintay.

Nang makababa ng eroplano ay hinanap ko sa Mr. Banks sa airport dahil sabi ni daddy siya raw ang susundo sa akin. Matagal na siyang nagt-trabaho kay daddy kaya siya ang pinaka-pinagkakatiwalaan.



Nakita ko agad si Mr. Banks. Pano ba naman ay may hawak pang banner na may nakalagay na "Welcome, Ms. Stephanie Kelsie."

Mabuti na rin 'yon dahil hindi ko pa nakikita ng personal si Mr. Banks. Lumapit ako sa kanya at ngumiti.

"Hi! I'm Stephanie Kelsie. Mr. Banks, right?"

"Yes, young lady." Napansin kong may dalawang nakasunod sa kanya na naka black suit din. Body guards yata.

"Get her bags." Utos ni Mr. Banks sa kanila at kaagad naman silang sumunod.

Iniwan ko nga ang mga body guards ko sa US, may body guards naman dito sa PH. Napailing na lang ako at sumunod sa kanila papunta sa sasakyan.


"Nandito po yung limo, young lady. Tara na po upang makapagpahinga na kayo." Magalang na sabi sakin ni Mr. Banks.


"Uh, Mr. Banks? Can you do me a favor?"

"Anything, young lady." Ngumiti siya sakin.

"First, huwag na po kayong gumamit ng "po" at "opo" sakin dahil mas matanda po kayo at ako ang dapat na gumamit non. Second, pwede po bang huwag niyo na po akong tawaging young lady? Kelsie will do!" Mukhang nag-alangan pa si Mr. Banks pero tumango din siya.

Pumasok na ako sa sasakyan. At sa kabilang sasakyan naman ang mga body guards. Si Mr. Banks at ang driver lang ang kasama ko sa sasakyan.







Pagkadating namin sa mansion ay sinalubong kami ng maids. Dere-deretso lang ako papunta sa aking kwarto dahil sobrang inaantok na talaga ako.






Nagising ako hapon na.

Kinuha ko ang laptop ko at binisita ang site ng school namin. Yung site na 'yon hindi naman siya gawa ng school admins, nung isang araw ko nga lang nalaman na may site pala ang school. Ginawa raw ng unknown student, parang gossip lang about sa school. Pero helpful din pag may announcements.


Royal Academy. School for elites. Konte lang daw ang scholars na madalas ma-bully. Grabe naman. I didn't know na may mga ganto palang nagaganap sa school.



Nakalagay din sa site na may kinatatakutan ding boy group sa school. Napakunot ang noo ko. Nakalagay din dito na maraming mean girls. May mga pasikat din pala! Sila siguro yung mga nambu-bully sa scholars.



Pero kahit na may mga ganon sa school, ang nakalagay din sa site ay puro matatalino naman.


Pinatay ko na ang laptop ko at bumaba dahil nakaramdam ako ng gutom.



Kumuha ako ng cookies and milk sa ref, my favorite. Buti na lang meron dito.



"Young lady, ako po yung driver. Magpapahatid po ba kayo sa school bukas?" Dumating yung driver sa dining room habang nakain ako.

"No. Ako na lang po ang magd-drive. And one thing, wag na po kayong mangopo sakin, nakakatanda po e hehe." Tumango na lang din siya at umalis na.


Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa kwarto ko dahil inaantok pa ako, dahil na rin siguro sa jetlag.

Friendly DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon