CHAPTER 19

68 15 2
                                    

Maaga akong pumasok ngayon. nagulat ako dahil kasali pala ang mga 2nd year sa parade sa school. Hindi ko alam kung anong dahilan. Nakiparada kami. Masaya nga eh! Walang disiplina ang mga estujante. Komporme ginagawa! May nagbabatuhan pa. hindi na namin natapos ni Me-an yung parade. Napigtasan na naman kasi siya ng sapatos. Nasira na naman! Agad kaming umalis sa linya namin at nag-abang ng tricy.

Hapon na nun, sumali kaming tatlo nila Jeb at Me-an sa General Info Quiz. Wala kamng alam sa quiz nay un. Sumali lang kami para ma-excuse sa academic namin. Parang tanga lang kami habang sumasagot! Wala kami talagang seryosong sagot. Lahat puro katta! Sisihan pa kapag mali yung sinabing sagot! Masaya naman kahit papano!

Nagkaroon ng mis-undertanding between me and Karla. Kung sino yung umiyak, siya ang kakampihan. Eh umiyak si Karla kaya siya ang kinampihan nila Jeb at Me-an. Hindi ko na kasi matandaan kung ano yung dahilan ng pag-aaway namin. Basta ang alm ko, simpleng bagay lang yun. pinalala lang ni Karla! Grabeng galit k okay Karla nun. Ilang araw din kaming hindi nagpansinan! Hanggang sa minsang kinausap niya ako. Nag-explain siya sakin. sinabi ko rin naman yung side ko. nagkasabihan kami ng sorry at naging ok na kami…

Pesti! Pinahaba pa yung tampuhan, magkakabati din lang pala! Sinasamahn ko narin si Karla na hintayin yung sundo niya every hapon. Madilim na kasi nung mga panhong yun at malayo pamandin ang uuwian niya. Kaya kapag umuuwi na ako, gabi na kasi sinasamahan ko pang hintayin yung sundo niya.

Nagpunta kami sa bahay nila Jeb sa Ugac. Trip lang namin ni Me-an na puntahan yung bahay nila. wala kaming makain nung tanghalian na. bumili kami ng ulam sa labas tapos nagluto nalang kami ng kanin kina Jeb. Iniluto narin namin yung boneless bangus na pinag-experimentohan namin kanina sa foods namin. Nilagyan namin yun ng asin at tinadtad ng kalamansi at pepper. Pinaglaruan lang namin yun. pero nung niluto na namin at kinain, masarap pala ang kinalabasan!

Bumagyo na kinabukasan. Wala na nga ring pasok. Pinauwi kasi kami ng mga teachers namin. Kahit signal #2 na, at malakas na ang ulan at hangin, nagkaroon parin kami ng time nila Lai at Jeb na maglibot sa plasa. Nagpunta kami sa Yamana. Bagyong Pepeng ang pangalan ng bagyo.  Binagyo na ang buong subdivision namin. Buti nalang at hindi kami nabaha. Mejo mataas kasi yung bahay namin.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Binigyan ako ni papa ng 1,200 pesos. Sabi niya, bumili nalang daw ako ng cellphone ko. wala pa kasi akong phone at nakikitext nalang ako sa mga kapatid ko di naman kay eh nakikiinsert. Sinabi niyang wag ko nalang daw sabihin kay mama. Kaso nalaman niya. Narinig kasi ni mama yung usapan namin ni papa. Nagalit siya. Kesyo daw bat inuuna ang pagbili ng phone!

Sobrang galit si mama that time kaya hindi niya ako bingyan ng baon. Pati si ate nadamay. Isang linggong hindi nagbigay ng baon si mama. Yung perang 1,200, pinaghatian namin ni ate para may baon kami ng isang linggo. Kaso pangatlong araw palang ng 600 sakin, paubos na. hindi ko namalayang ang dami ko na palang gastos! Hindi na lapa ank nakabili ng phone, naghirap pa ako nung mga sumunod na araw!

Unang araw ng November, nagupisa na aking magpraktis ng Speech Choir. Si Kuyan Vernz na naman yung nakuha naming magtuturo samin. No choice! since nanalo din naman kami nung 1st year namin, nagtitiwala kami sa kanya na mananalo ulit kami. Si Kamille na ang naging condutress namin. Since promoted naman na sa ibang section sa Viejay na dating conductor. Super istrikto ni Kamille. Nagyon ko lang naranasan ang bagsik ng kamandag niya! Tipong terror. Isang hapon habang nagpapraktis kami sa room…

May choreo na kami at ibang mga formation. Kinakabisa nalang namin yung mga lines at kung saan kami pupunta every line na banggitin namin. Nasa hyper mode na si Kamille. Kumbaga, naiinis na siya samin dahil hindi daw namin matandaan yung mga gagawin namin. Kami kami lang kasi yung nagpapraktis. Wala yung teacher namin sa English na si SODA. May meaning yung SODA. Kung taga DOS ka, alam mo ang history niyan.

Ang Istorya ng DOS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon