November 10, 2009--- unang pagkakita with crush!
Kakatapos naming magtinda ng napakasimpleng cupcake na ginawa namin sa Foods. Wala nga kaming napagbentahan eh! Nahihiya pa kaming magtinda. Kami lapa ang umubos at bumili.
Hapon yun, nasa grandstand kami. Kasama namin si Vernz dahil pinapunta niya kami dun para magpraktis. Pinairal na naman ni Vernie yung pagkamasungit niya samin! Sinisigawan niya kami at pinapalo ng isang stick. Pareho sila ni Kamille! Terror! Sinisunod nalang namin yung gusto nilang mangyari! Nagtitiis nalang kami sa kanila. Total, gusto rin naman naming maging maayos ang performance namin.
Sandali niya kaming pinahinto. Pero nasa formation parin kami. Bawal umalis, bawala gumlaw at bawal makipag-usap sa katabi. Mula sa mga bleechers, may lumapit sa kanyang isang lalake. Hindi ko pa alam kung anong itsura niya pero feel ko may itsura siya. Maputi kasi siya kahit mejo payat. Nakatalikod pa siya nun. Kinakausap niya si Sir Vernie. Sa kanya lang nakasentro ang tingin ko at hinihintay kong humarap siya samin para makita ko ang muka niya. Namagneto agad ang mga mata ko sa kanya! May hawak pa siyang folded na phone. Matapos ang pag-uusap nila ni Vernie, humarap yung lalake. Shocks! ANG GWAPO! Napatingin ako sa suot niyang polo, particularly sa logo nung polo niya. School mate namin siya? Bat ngayon ko lang ata nakita?!
Paalis na yung lalake. Agad namang nagsalita yung classmate kong si Chistine at tinanung yung pangalan niya.
“Sir Vernie, anong pangalan niya?” tanong ni Chistine. Agad naman akong napatingin kay chistine tapos napatingin ako kay Vernie.
Tinawag ulit ni Vernie yung lalake. Lubos kong ipinagpapasalamat ang pagtatanong ni Chistine sa pangalan ng lalakeng yun!
“Dos-Dos, this is Nicolas Andrew Magleo. 3rd year. He is a transferee student from St. Louis. Ano na kasing section mo?”
Imbes na sagutin nung Nico yung tanong ni Vernz, ngumiti lang ito. Oh God! Ang cute ng ngiti niya! Kaya naman pala ngayon ko lang nakita eh, transferee naman pala! Bat di niya then sinabi kung anong section niya?! Sayang naman hindi ko nalaman! Tapos 3rd year na siya? Ngek! Kala ko ka-year lang eh! Pero ayos lang yun! madami pa akong time para makita siya!
Umalis na si Nico. Pinaalis ni Vernie.
“Ang gwapo niya no?” tanong sakin ni Chistine nang mapansin niyang sinundan ko pa ng tingin si Nico habang paalis.
“ah… oo… may itsura.” Yun lang ang nasabi ko. mula nung araw nay un, hindi ko na nakalimutan ang muka ng Nico nay un. Parang na-xerox copy na yung muka niya sa utak ko. nakaramdam narin ako agad ng pagkagusto sa kanya. Crush ko na agad siya. Magmula din noon, madalas ko na siyang makita sa school. Nakakasalubong ko pa nga, at misan nakakasabayan sa paglalakad. Pero hindi ako nagpapapansin. Kunwari deadma. Naamin ko na sa barkada at sa classmates ko na may crush ako kay Nico. Pati si Ain na madalas makakita sa kanya. Nae-excite naman ako sa tuwing may ikinukwento sakin si Ain sa tuwing nakikita niya si Nico.
May ginanap na role playing sa school. Miss Saigon. Every level eh manunuod. Excited na naman akong manuod syempre! Nalaman ko nalang na kasali pala siya duon. Bigla kasi siyang lumabas from nowhere. Isa siyang sundalo duon at masasabing extra lang ang role niya. Siya lang ang tinitignan ko sa tuwing may eksena kasama siya. May eksena kasi sa play na magkakaroon ng isang party tapos magpaparty ang mga sundalo kasama ang mga girls. May mga babaeng nakipagsayaw daw naman sa kanya at nilalandi siya. Alam kong kasali yun sa pag-arte nila. kung pwede nga lang bumaba ako ng stage at hilain lahat ng babaeng lumalapit sa kanya eh! Lalo na yung babaeng kumandong pa sa kanya! Ay takte! Makakasabunot ako nito eh! Sana ako nalang yun… sana ako… sana kasali ako at magkaroon ng eksena kasama siya!
Gabi ng December 25. Nasa San Gabriel ako kasama sila Ain at ang pamangkin pero ka-edad lang namin na si Odz. Nagkukwentuhan kami ng tungkol sa mga gwapo sa school namin at madalas kong itopic si Nico. Gabi na nuon at nasa daan kami para tumambay. Iniimagine naming tatlo na ngayong gabi eh dadaan ang lahat ng mga gwapo at heartrob sa daan na iyo. Syempre kasama dun si Magleo! Nagkukwentuhan kami nang biglang may dumaan na lalake sa tapat namin. Nagulat ako sa sobrang excitement at bigla akong tumayo para habulin siya. Naiwan ko pa yung tsinelas ko dahil sa pagmamadali. Kaso hindi ko na siya nakita. bumalik ako kina ain at together, nagtilian kami sa sobrang tuwa!
Nung gabi paring yun, nasa loob kami ng kwarto. May bintana kasi dun sa kwarto na katapat lang ng isang basketball court. May grupo ng mga kalalakihang kabataan na naglalaro ng basketball sa court. Since malalandi kami, pasimple kaming sumisilip sa may bintana. In-oof pa namain ang ilaw sa kwarto para hindi kami makita. Free na tuloy kaming panoorin yung mga boys na naglalaro sa labas. Buti nalang at may maliwanag na ilaw sa court. Sa totoo lang, may itsura silang lahat! Ang lubos pa naming ikinatuwa eh yung pagdating bigla ni Magleo! What a co-incidence! Ang swerte naman ng gabing ito!
Halatang barkada niya yung mga naglalaro. Tapos nakipaglaro siya! Panay ang mahihinang tilian naming tatlo na pasimple paring nanunuod sa kanila. Everytime na nakakashoot pa ang kahit na sino sa kanila, nag-chi-cheer pa kami. Minsan nga mejo napapalakas na yung hiyaw namin at bigla nalang silang napapatingin sa bintana. Agad naman kaming nagtatago. Lahat na ng kalaro ni Magleo eh naka-topless. Siya nalang ang may suot na pantaas. Nakapolo kasi siya ng checkerd na kulay red at bagay na bagay sa kanya.
Nanunuod parin kami. Nagdala narin kami ng mga pagkain sa loob ng kwarto at itinaas ng bahagya ang mga kurtina. Para kaming nagmu-movei marathon! Biglang pumasok yung bola sa may bakuran na bahay. Nagulat kami sa nagyari at hindi muna umimik!
Boy 1: yung bola pumasok sa loob!
Boy2: kunin niyo na ah!
Boy3: teka, may mga babaeng nanunuud jan kanina eh! Napansin ko silang sumisilip.
Patay! Kanina pa pala kami obvious na sumisilip! Nakakahiya!
Boy1: tawagin niyo na ah!
Boy 2: tao po? Tao po?
Agad naming inopen yung ilaw at nagkunwaring wala kaming alam sa nagyayare. Kinausap kami ng isang lalake about dun sa bolang nasa loob ng bakuaran. After sinabi nung lalake yun, nag-unahan pa kaming lumabas ng kwarto para iabot lang yung bola. Alam kong nakita ng mga boys yung pag-uunahan namin! Gusto ko kasing ako yung mag-abot ng bola. Kaso naunahan ako ni Ain. Siya tuloy yung lumabas at nag-abot ng bola!
Ilang minutes pa ang lumipas at nagsialisan na yung mga naglalaro. Hindi narin namin nakita pa si Magleo. Malamang ay umalis narin…
“adik ka na pare!” yan ang madalas na sabihin sakin nila Jeb maging ng mga classmates ko. panay na daw kasi ang banggit ko sa pangalan ni Magleo. Inaamin ko namang crush ko siya eh! Hindi naman ako nagdedeny!
Nung Recogniton ko nalang huling nakita si Magleo nung 2nd year ko. yun na ang pinakahuli nung school year na yun. nagawa ko pang titigan at kabisaduhin ang buong itsura niya… alam ko kasing matagal na naman bago ko ulit siya makita….
BINABASA MO ANG
Ang Istorya ng DOS!
Teen Fictioneto ang apat na taong istorya ng DOS! mga nangyaring hindi naman inasahan. kwento ng pagkakaibigan at barkadahan. mga memories na kahit kailan ay hindi nakakasawang balik-balikan.