CHAPTER 21

113 15 1
                                    

A/N: fast forward yung nangyare sa previous chapter. Gavva kasi umeksena si Magleo! Haha! Wala lang! nilagay ko lang yung unang pagkakita ko sa kanya at yung mga kabaliwang nangyare noon. Eto na yung nangyare…

Hindi kami nanalo sa speech choir contest. Ayos lang! Masaya parin naman! Yung effort at time lang kasi namin ang nasayang. Nag-effort pa kaming pinturahan yung mga muka namin ng black and white. Yung costume namin ang mejo simple. Hindi pa ata naintindihan ng mga judges kung bakit naging ganun ang costumes namin. Namuka kaming mga jabawakees dahil sa mga itsura namin. Nahirapan pa akong tanggalin yung pintura sa muka ko.

Sunday kasi noon. Ayaw pa naman naming umuwi kaya sa Caritan na kami nagpuntang tatlo nila Jeb at Me-an. Dun na kasi nagbobording si Jeb. Nilakad nalang namin yung papunta dun. dun na kami naghugas ng mga muka. Nakipagkwentuhan narin kami sa mga ka-bordmates ni Jeb. Mostly lalake na mga college at nag-aaral sa CSU. Dun narin ako humanga kay Kuya Jaypee, bordmate ni Jeb. Ang galling niya kasing mag-gitara. Ang galling niya pa magpaiyak ng gitara! Astig siya para sakin!

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Nagkaroon ulit ng grupohan sa Foods namin nuon at kami ni Me-an ang magkagrupo. Agad na kaming bumili ng mga rekados ng iluluto naming mga pagkain. Sure kaming hindi namin matatapos yun ng hapong yun kaya naisipan naming mag-overnight. Kahit kami lang dalawa. Nasabi namin yung problema namin kay Jeb at nagprisinta siyang sa bording house nalang nila kami maki-overnight.

Nagpunta na nga kami sa bording house nila. nagkunwari si Jeb na mga kaklase niya kami sa subject na TLE kahit hindi naman. Kasi nasa Computer kasi siya.

“Bakit, wala bang mga bahay yang mga yan at dito pa sila makikitulog?” suplado at galit na tanong nung Kuya ni Jeb nung magpaalam kami para dun matulog.

“kailangan na nga naming mag-overnight para gawin yan! Bukas na kami magtitinda!” sagot naman ni Jeb. Kunwari nga classmate namin siya.

“eh bakit dito pa? hindi ba pwedeng sa mga bahay nalang nila?”

“mas malapit nga ito sa plasa. Kasi yung bahay nila sa CH at Pengue pa!”

“hindi pwede! Pauwiin mo na yang mga yan!”

Natahimik nalang kami ni Me-an. Ayaw talaga ng kuya ni Jeb na dun kami mag-stay! Ang epal niya naman! Hindi naman nila bahay yun eh! Bording house lang naman nila yun eh! Bat ang damot niya! Kainis lang!

Nagkasundo nalang kami ni Me-an na sa kanila nalang matulog. Pumayag naman yung papa niya nung itext niya.

Nung paalis na kami….

“sasama ako sa kanila!” sabi ni Jeb

“bakit? Hindi pwede! Dito ka lang!”

“hindi na nga kami pwede dito eh ayaw mo pa akong pasamahin sa kanila! Naghihintay na yung papa ni Me-an sa labas! Sinusundo na kami! Ayaw mo naman kasing dito kami sila makitulog!” panunumbat na ni Jeb

Pababa na kami sa hagdan nang biglang magsalita yung Kuya ni Jeb

“sige, dito na kayo.”

“ngayon pa?! at nandito na yung papa ni Mean na susundo samin?!”

“yan kasi! ayaw mo pa kasi eh! Ngayon, aalis na yang kapatid mo!” biglang sabad naman ni Kuya Warren na isang kabordmate nila.

Umalis nalang kami at dagli nang sumakay sa van nila Me-an. Diretso kami sa kanila. Malaki naman pala ang bahay nila eh! Hindi manlang sinasabi ni Me-an. Wala pa akong dalang damit nuon. Buti pa si Jeb at nakapagsama na ng damit. Sinabi k okay Me-an na wala pa akong damit. Sinabi niya sa papa niya na uuwi muna ako samin para kumuha ng damit. Nag-insist yung papa niya na ihatid niya nalang ako para hindi na ako magcommute! Ayos! Ang bait naman pala ng papa niya!

Ang Istorya ng DOS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon