Chapter 1: Earth

59 14 28
                                    

Chapter 1 - Earth

Zaira.

Nasa kalagitnaan kami ng klase kay Mrs. Alcanse ng biglang tumunog yung cellphone na nakapatong sa desk ko.

Agad ko itong dinampot at binulatlat. Duon ay bumungad sa akin ang text mula sa isang di kilalang numero.

+63942*******

'Bakit ba palagi nalang, inaalam ang value ng X? X na nga diba? Bakit kailangan pang hanapin? Past is past, kaya move on-move on din pagmaytime.'

Yan yung laman nung text. Loko 'to ah, mareplyan nga.

'Anong trip mo sa buhay? Tsaka paano mo nalaman number ko? Stalker ba kita? ' reply ko.

Wala pang sampung segundo ay muling tumunog yung cellphone ko. Ang bilis magreply ah.

'Problema mo? Tsaka anong stalker? Huwag kang feeler diyan. ' walang pakundangan nitong reply.

Bastos 'to ah!

Bahagya akong sumulyap kay Mrs. Alcanse upang alamin kung nakikita niya ba yung ginagawa ko. Mukhang hindi naman ata, kaya agad kong nireplyan yung balasubas na nagmamay-ari nung number.

'Sino ka ba? Tsaka lalake ka ba o babae? Kung makahugot ka diyan, akala mo napakalubha na ng napagdaanan mo sa lovelife. Sungalngalin kita ng kutsara diyan eh.' agad kong pinindot yung send button matapos ko itong itype.

At tulad nung nangyari kanina ay agad din itong rumeply.

'Lalake ako Ms. Pakialamera. Kung ayaw mo sa hugot ko, maghanap ka ng makakausap mo. My precious is time, so don't waste me 'cause I'm precious. O'sige babye na sayo, take yourself a care. "

Mapakla akong napangiti matapos kong mabasa yung reply niya. Gosh! Ang galing niyang humugot pero hindi niya man lang maayos pagienglish niya. Hays, kabataan nga naman ngayon.

"Ms. Caseyco! "

Mabilis kong nilingon si Mrs. Alcanse, matapos nitong isigaw yung apelyido ko. "Po? " diretso kong tanong.

"Ano nanaman bang pinagkakaabalahan mo ha? At nasaang planeta ka ba ngayon, at hindi mo man lang mapagtuunan ng pansin yung itinuturo ko. " pagtataray nito habang nakapamewang.

"Saang planeta po Ma'am? Nasa Earth po, bakit po? " nakangiti kong sagot.

Literal na napanganga si Mrs. Alcanse habang ang mga kaklase ko naman ay pinuno ng halakhakan yung buong room namin.

"Idol na talaga kita bes. " natatawa-tawang utas ni Kezha habang pinapalo-palo yung desk niya.

"Maganda na, palabiro pa. San ka pa? Crush na talaga kita Zaira. " utas naman ni Kenny, na hindi magkandaugaga sa kinauupuan niya.

"Crush mo na 'ko niyan? " pagtataray ko naman dito.

"Magsitahimik kayong lahat! " sigaw ni Mrs. Alcanse na kumuha sa atensiyon namin, maging ng mga estudyanteng nakikidaan lang sa tapat ng room namin.

"Ms. Caseyco, go to the prefect of discipline now! I don't tolerate such attitude like that. Apo ka man ng may-ari ng school na pinagtatrabahuhan ko ay wala kang karapatang bastusin ako ng ganiyan! " nanggagalaiti nitong sigaw.

"Well basically Mrs. Alcanse, hindi ko kayo binabastos. You asked me a question and I just stated what I have in my mind. Ganun pa man, hindi mo na kailangang ipagkalantarang apo ako ng principal ng school na ito. I don't care about that, so just drop it. " mahaba kong litanya.

Mabilis kong hinablot yung shoulder bag 'ko at agad na nagtungo sa may pintuan.

"I'm Zaira Yco Caseyco, and I shall return. " sambit ko, na sinuklian ng makapigil hiningang halakhakan ng mga kaklase ko.

When Ms. Palabiro Meets Mr. Seryoso (#Wattys2017) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon