Heights

2.7K 96 6
                                    

Nag lalakad kami sa hallway pauwi at si Zac ay hindi mahiwalay sa tabi ko.
Sanay naman akong nakapalibot sila, pero hindi kasing dikit ngayon ni Zac na pag huminto ako ay agad na nababangga sa aking likuran.
Ano ba Riley, nakaka ilan kana.
Saway nya sakin nang muli akong huminto sa pag lakad.
Paano ba naman kasi, one inch lang ata ang layo nya sakin.

Ang iba sa mag kakapatid ay nasa likod at harapan ko.
Habang nag lalakad kami, napapansin kong nagiging friendly ang mga tao ngayon sa school.
Di gaya ng nakasanayan kong nag sasalita sila ng masama pag lumagpas ako ako.
Madalas kong marinig ngayon ang mga papuri gaya ng "ang ganda ganda nya."
Alam ko naman yun, kahit ano pag gising ko ng umaga ay nagugulat din ako pag humarap ako sa salamin at makitang ganun pala ako kaganda.
Bilisan mong lumakad.
Narinig ko nanaman si Zac na nasa likod ko.
Mauna ka kaya. Nag mamadali ka ata eh.
Sabi ko nalang sa kanya habang nakatingin ako sa kanya mula sa gilid.
Ayoko. Baka pag umalis ako sa tabi mo, lumiko ka kung saan saan.
Sabi nya lang sa akin.
Hindi ko gagawin yun noh, maliban nalang kung pakitaan ako ng pagkain.
Palapit na kami sa sasakyan na susundo samin na nag aabang sa labas ng gate.
Kahit sa pag uwi, tinalo pa ng mag kakapatid na ito ang national anthem na inaabangan ng lahat.
Lahat ng mga babae o ma-pa lalaki man ay nakatingin habang nag lalakad ang mag kakapatid sa hallway.
Ang iba pa ay pinipilit mag abot ng regalo lalo na kung hindi nila nagawang makalapit kaninang umaga.

Si Jaythan ay tumatanggap ng mga pagkain at mga regalong pwede nyang pag laruan.
Si Galen naman taga agaw lang ng mga regalo ni Jaythan matapos nyang gamitin.
Si Alexus at ang iba pa sa magkakapatid ay walang pakialam.
Sa sobrang sikat ng mag kakapatid, madalas kaylangan na mag tawag ng guards para lang alalayan sila sa daan. Samantalang sila naman ang todo harang sa mga taong sumisiksik sakin imbis na ako dapat ang gumagawa nun para sa kanila.
Pero imagine naman din naman kung gaano sila kalalaki sa akin.

Ako: 5'4
Galen: 5'7"
Jaythan: 5'10"
Bryon: 5'10"
Alexus: 6'0"
Vicku: 6'0"
Zac: 6'1"
Daemon: 6'2"

Walang wala ako sa kanila dahil nag lalakihan silang lahat at ang mag alaga ng mga higanteng lalaki na gaya nila ay mahirap talaga.
Nang nakarating na kami sa kotse, ay tumabi sakin si Zac. Nasa gilid ako ng bintana naupo at nasa gitna namin sya ni Daemon.
Oy bonsai. Tahimik ka ata.
Sabi sakin ni Daemon na tumingin pa sa akin. Lumingon ako sa kanya pero agad ding inilayo ang tingin ko nang lumingon sakin si Zac.
Okey lang ako.
Sagot ko kay Daemon.
Napansin ko lang na tahimik ka, hindi ako nag tanong.
Pilosopo nyang sagot sa'kin.
Ang galing mo Daemon. Ang galing mo talaga.
Narinig ko nalang na napa buntong hininga si Zac mula sa aking tabi, pero hindi ko sya nilingon para naman maisip nya hindi nakakatuwa ang ginawa nya.
Nag tatampo ka?
Tanong nya sakin.
Pa'no kung oo? Papayagan mo ba kong makipag kaybigan sa kanila?
Hindi, bakit naman ako mag tatampo?
Tanong ko nalang sa kanya kahit na gustong gusto ko ng mag dahilan kung bakit unfair sya.

Tahimik sa loob ng sasakyan habang nasa byahe kami.
Kahit nangangalay na ang leeg ko, ay hindi ko tinatanggal ang tingin ko sa bintana dahil ayokong makita ang mukha ni Zac.
Riley.
Narinig ko ang boses ni Galen mula sa likuran ko kaya dumiretso na ako ng tingin mula sa taas ng aking upuan.
Bakit?
Tanong ko sa kanya na nakayakap sa likod ng aking upuan.
Hindi ka pa ba masayang kaybigan mo kami?
Mejo nahiya ako sa tanong nayun ni Galen. Hindi pa nga ba ako kuntento kaya gusto ko pang makipag kaybigan sa iba?
M-masaya.
Sagot ko sa kanya.
Hindi nga kita pinag babawalang mag karoon ng kaybigan, basta wag sa school.
Singit naman ni Zac mula sa aking gilid.
Nakatingin lang si Galen sakin kung meron akong sasabihin, pati na si Jaythan at si Alexus, Vicku at Bryon na nasa dulong row ng upuan.

At dahil wala naman akong masabi sa sinabi ni Zac ay umayos na ako ng upo saka muling tumingin sa bintana.
Ilang minuto makalipas, ay pumasok na ang sasakyan sa gate ng Mansion.
Isa isang lumabas ang mag kakapatid ng sasakyan, sa kaliwang pintuan ako lalabas dahil ayokong tumingin sa kanila, pero kahit anong tulak ko sa pintuan ay ayaw namang bumukas.
Kunwari ay nag rerelax lang ako at wala pang balak lumabas habang ang mag kakapatid ay isa isang lumalabas ng kotse.
Riley. Tara na.
Tawag sakin ni Jaythan mula sa labas ng bintana.
Oo, may aayusin lang ako.
Kunwaring sabi ko nalang kahit na todo tulak na ako sa pintuan.
Nang nakalayo na sila ay saka ko pinag pilitang buksan ang pintuan.
Paano ba 'to? Dito na nga la--
Naputol ang gusto ko sanang sabihin nang umikot ako ng tingin sa kaliwa kung saan nakabukas ang pintuan.
Doon sana ako dadaan pero nanigas ang katawan ko ng pag lingon ko ay si Zac ang nasa harapan ko at sobrang lapit ng mukha nya sakin. Kami nalang ang natitira sa loob ng kotse.

Lalo pa akong hindi nakagalaw ng bigla nyang isinandal ang kanan nyang braso sa gilid ko, palapit ng palapit ang mukha nya sa akin na wala akong nagawa kundi ang mapapikit nalang at hintayin kung ano man ang pwedeng mangyari.
Bukas na.
Napadilat ako sa sinabi ni Zac.
Bukas na yung pintuan.
Ulit nya saka ako lumingon sa likod.
Kaya pala sya humawak sa gilid ay dahil binuksan nya ang pintuan ng kotse.
S-salamat.
Sobrang init ng aking mga pisngi saka ko dahan dahang kinuha ang bag ko sa gilid ng akin upuan saka ako humakbang palabas ng kotse.
Riley.
Napatigil ako ng marinig ko si Zac saka ako lumingon sa kanya na mukhang nakasimangot ata.
Ano?
Sagot ko lang din sa kanya.
Pwede mo ba akong samahan sa Garden?
Tanong nya sakin.
Sa una ay nag dalawang isip ako, pero sya si Zac at kahit anong tampo ko sa mag kakapatid na ito ay hindi ko parin sila kayang matiis.
Tumango lang ako sa kanya bilang pag sangayon saka sya lumabas ng kotse.
Hindi sa ipinag dadamot kita sa ibang tao. Pero ayoko lang na sa school ka mag kakaroon ng kaybigan.
Sabi nya sakin habang nag lalakad kami sa garden ng Mansion, malaki ang Garden nila marami din silang hardenero't hardenera pala lang mapanatili ang ganda ng Mansion.

Napabuntong hininga ako matapos ng sinabi nya at pasimpleng ngumiti.
Tama ka. Kasi mayaman sila at mahirap lang ako.
Sabi ko sa kanya na biglang napatigil sa paglakad.
Napatingin ako sa kanya na sumama ang tingin sa akin.
Gusto mong malaman anong totoo kung bakit?
Napakunot ang noo ko sa sinabi nya, ang mga paa ko ay kusang humakbang pabalik at tumigil sa kanyang harapan.
Ayokong nilalapit ang taong importante sakin sa mga taong hindi ako kayang bigyan ng halaga.
Hindi ko sya lubos na maintindihan.
lahat halos ng babae sa school sya ang madalas kanapin, kaya bakit naisip nyang hindi sya pina hahalagahan?

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon