Nagising ako ng may marinig akong nakatok sa pinto ng kwarto ko.
Nakaramdam ako ng pagkulo ng tiyan. Gutom na gutom na ko. Hindi pala ako nagising kagabi para magdinner.
*TOK* *TOK*
"Young lady." Narinig kong tawag sakin nung nakatok.
Bumangon na ako at binuksan ang pinto.
"Young lady, hindi po namin kayo magising kagabi kaya hindi po kayo nakapaghapunan. Ayaw naman po namin kayong pasukin sa loob dahil alam naming pagod kayo sa biyahe. Nakahanda na po ang breakfast niyo, siguradong gutom na gutom na kayo. Atsaka male-late na rin kayo sa inyong klase kaya ginising ko na po kayo, pasensya na po." Tuloy-tuloy niyang sabi.
"It's okay. Thanks. And pakisabi sa lahat ng kasama natin sa bahay na wag na kong tawaging young lady, Kelsie na lang and wag na rin po kayo mangopo."
Pinasabi ko na sa lahat dahil nakakatamad isa-isahin lahat ng katulong para lang sabihing wag na akong i-galang.
Tumango naman siya at bumaba na. Bumaba na rin ako kasi gutom na talaga ako.
After mag-breakfast ay naligo at nag-ayos na ako ng mabilis dahil male-late na ako sa klase ko. Unang araw ko pa man din.
I looked at my watch. 7:30. Nanlaki ang mata ko. Patay! 8:00 pa naman start ng klase ko.
Dali-dali akong bumaba at pumunta sa garahe. Nagmaneho ako ng mabilis para makarating agad sa school. Sanay naman na akong magmaneho at sinisiguro kong safe naman kahit mabilis. Meron din naman akong student's license kaya walang problema.
Nagsuot na rin ako ng glasses, malinaw naman mata ko pero may onteng grado pa rin syempre. Lahat naman ng tao may grado ang mata.
Pagkadating ko sa may gate ay sinwipe ko ang ID ko. Well, hindi ko na pinalagyan ng surname ang ID ko dahil ayokong malaman nila na isa akong Carter, mahirap na. Since kamk naman ang may-ari ng school kaya nagpa-request na ako na walang surname. Kakaiba diba? Haha.
Pagka-park ko ay tumakbo na ako. Habang tumatakbo ako ay hindi ko napansing may mabubunggo pala ako. Kaya nabangga ko yung isang lalaki. Napamura siya sa gulat pero hindi ko na pinansin ang mura niya.
Mga four or five ata silang magkakasama, hindi ko na napansin dahil nagmamadali talaga ako.
"Sorry!" Yun na lang ang nasabi ko at tumakbo na ulit.
Pagdating ko sa tapat ng office ay kumatok muna ako bago pumasok. Saktong pagpasok ko ay nag-bell na. Late na talaga ako.
"Good morning po." Nag-bow ako sign ng pagbati.
Mukha namang inaasahan niya ang pagdating ko dito kaya tumayo na siya agad at lumapit sakin.
"Good morning, uhhh, Stephanie Kelsie?" Tanong niya sakin ng nakangiti.
Tumango naman ako.
"Let's go. Start na ng class niyo. Ihahatid na kita sa classroom niyo since you're a transferee."
Sumunod na lang ako sa kanya. Pagkadating namin sa tapat ng isang classroom ay kumatok siya at nag-good morning sa kanya ang mga kaklase ko, siya pala si Ms. Reyes.
"You have a new classmate." Pinapasok na ako ni Ms. Reyes at iniwan na rin niya ako.
"Introduce yourself, hija." Sabi nung teacher namin.
BINABASA MO ANG
Friendly Demon
Teen FictionMabait at friendly si Stephanie gaya ng kanyang mga magulang. Naco-control niya ang sarili niya na huwag lumaban sa mga nangbu-bully sa kanya dahil kapag hindi niya na-control ang kanyang sarili, maaaring sa hospital ang bagsak ng mga ito. Hanggang...