Taba! (One Shot)

2.6K 101 11
                                    

Pagkatira ng kabila, boom! Sablay. Tuwa naman ako kasi nga point namin yun. Kaso ang ayoko lang, ako na ngayon yung magseserve. Sana pumasok, huhu.

"Go Taba!" Sigaw naman ni Cello. Ang mahal na mahal ko. Kaso hindi naman niya ko mahal at alam kong imposible na mangyari yun. Tignan mo naman. Tawag palang niya sakin, wala ng pag-asa.

"HAHAHAHAHA!" Rinig kong tawanan nilang magbabarkada. Hindi ko na lang sila pinansin.

"Prrrrrt!" Narinig ko na ang pito ng referee. Breathe in, breathe out. Kaya ko to. Pagkaserve ko, pumikit ako at bigla silang naghiyawan. Pumasok ba sa kabila?

"Galing mo talaga, taba! Woooooo!" Biglang sumigaw nanaman si Cello kaya napadilat ako. So ibig sabihin.. pumasok! Yes!

Ngumiti ako kay Cello tapos nag-mouth siya ng 'taba'. Napapout ako at lumihis na lang ng tingin. Kelan ba niya balak tigilan ako sa kakaasar ng taba? :(

"Mataba ba ko?" Tanong ko sa katabi kong player din.

"Hala. Hindi kaya." Sagot naman niya. "Sino naman nagsabi? Eh ang payat payat mo nga."

"Yun oh. Si Cello." Tinuro ko siya. Buti na lang di nakatingin.

"Sus. Yaan mo na siya. Hindi ka talaga mataba, promise!" Ngumiti siya at ngumiti naman ako pabalik. Nagfocus na ulit kami sa laro.

Pagkaserve ng kalaban, papunta sakin yung bola. Tinira ko at! Nagkapoint kami dahil hindi tinira ng kabila. Pumasok nanaman! Saya pala sa feeling.

"Hoy mataba! Ipagpatuloy mo lang yan! Go taba! Go taba!" Cheer nanaman niya. Naganahan ako na nalungkot din. Hindi naman kasi ako mataba! "Hahahahaha! Taba!"

Hindi ko na lang pinansin. Pero kahit ganun, hindi yun rason para sumuko ako. Simula pa lang kasi nung grade 3, gusto ko na siya eh. Hanggang ngayong 2nd year na kami.

Hanggang sa nagpatuloy na yung laro, at! Nanalo kami. Kaya eto, talon ako ng talon ngayon sa sobrang saya.

"Oh. Tama na, taba! Baka magkalindol nyan sige, hahahahaha!" Pang-aasar ni Cello.

"Hindi nga kasi ako mataba!" Protesta ko.

"Hahahaha. Mataba ka kaya! Hahahahaha."

Pumunta na lang ako sa room namin at uminom ng tubig. Punas pawis at ayos itsura.

Nakakainis naman yung Cello na yun! Bakit ba kasi ako inaasar na mataba? Eh ang payat payat ko naman. Ang daming alam. -_-

Habang nag-aayos, biglang pumasok si Cello, tumatawa at nakatingin sakin. Ako naman parang tanga, pakipot pa. Kunwari di ko alam na nanjan siya.

"Taba, galing mo kanina ah." Sabi niya. "Keep up the good work.. TABA."

"Grrr. Ano ba! Tumigil ka na nga!" Inirapan ko siya. "Nakakainis ka na!"

Taba! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon