REVISED VERSION

30 0 0
                                    

URI NG TAO SA CLASSROOM

ni LEE - ANNE

1) MS or MR. GENIUS/HONOR, EINSTEIN's

- yung klase ng mga estudyante na matatalino. Wala nang ibang alam kundi mag-aral ng mag-aral. Halos ma-perfect o perfect ang quiz. Sa mga periodical exam palaging number one. Kapag recitation ang a-active! Yung mga grade nila di bababa sa 90 may iba naman na di bababa sa 87. Pansin ko, kapag may quiz, maraming estudyanteng lumalapit sa kanila. Bwahaha. May kasabihan nga, “Kapag di alam ang sagot, kumapit sa mga taong ito”. Bwahaha ulet.

2) The LEADER o PRESIDENT

- salita nila ay ang batas sa classroom. Maasahan ang mga uring ito. Siya yung uri na madiskarte. Parang sa mga uri sa matatalino, kapag may group project o quiz bee, gusto mo silang makasama.

3) The ARTIST's

- sila yung napakaraming ideya tungkol sa art. Punong-puno ng creativity nila sa kanilang utak. Pag may paligsahan tungkol sa drawing/painting siguradong sila ang ipapasok ng guro! Sila rin yung mga estudyanteng magagaling sumayaw, umawit, gumawa ng kwento atbp. Maaari silang mapanood sa ating Literary Contest. Sila yung tipong hindi nasasayang ang talentong binigay ng Diyos. Bilib ako sa mga taong to kasi di katulad iba, nailalabas nila ang galing nila. Hindi sila nahihiya. Matataas ang confidence nila at yun ang gusto ko sa isang estudyante.

4) The JOKER’s o CLOWN’s

- Para sa akin at sa karamihan ng estudyante, masasabing sila ang pinaka da best na uri dahil sila ang buhay ng classroom. Hinding – hindi ka malulungkot pag kasama mo ang mga taong to. Ang sarap sarap sarap nilang kasama. Bawal ang sad, palaging happy. Siguradong sasakit ang tiyan mo sa kaka-tawa. Pero minsan mga bully to. Nyahaha.

5) The BULLY's

- Sali lahat ng uri dito except na lang ang mga tahimik na uri at the laughing stock na uri. Sila yung tipong magjo-joke ngunit parang sa way ni Vice Ganda namimintas ng ibang tao. Pero may ilan naman na ginagawang shunga ang sarili para lang magpatawa. Masaya kasama ang mga to pero may ilan sa kanila walang sinasanto.

6) SHY TYPE’s o the TAHIMIK’s o LONER

 ­- tipo ng mga estudyante na ang feeling nila, palagi silang na-bubully. Kung reporting wala kang naiintindihan kasi ang hina – hina ng boses. Kaya minsan, no choice, mag self – review ka na lang sa topic nila. Minsan makikita mo sila sa isang sulok nag-iisa. Pero tandaan niyo, ang tahimik na tao palaging nasa loob ang kulo at kapag yan napuno, humanda ka. (Hindi ko po ito nilalahat.)

7) The LAUGHING STOCK's 

- nakakaawa ang mga taong to. Eto yung talagang binubully ng mga bully. Karamihan / Lahat eh nang gagaling sa the tahimik’s. Pero meron din sa kanila nakiki go with the flow na lang tas kalaunan magiging friends na sila ng the bully’s kaya may ilan rin sa kanila naging joker na. May ilan sa kanila na hindi pikon at super pikon.

8) The SUPPLIER.

- Rich kid. Mga nagbibigay ng papel eh. Yung one year supply sana na papel nila eh hanggang 2 – 3 months lang.

9) The CONSUMER.

- Poor kid. Nyahaha. Pero siryuso, kawawa to. Sabagay maraming gantong uri ng estudyante at isa na ako doon. Nyahaha ulit. Mga walang papel, ballpen etc. na palaging umaasa sa mga supplier.

10) The TEACHER'S PET's o PAPANSIN SA TITSER

- ito yung mga species na pasip-sip/ palaging nagpapa-pansin sa titser! Pwede silang makitang nakaupo malapit sa teachers table o sa harapan. Ilan sa kanila sadyang gusto ng titser dahil mabait, hindi pasaway atbp. Pero may ilan din sa kanila na sadyang papansin lang talaga. KSP nga sila eh. Kulang Sa Pancit este Pansin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

REVISED VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon