Salamat sa support, sana tuloy tuluyin niyo ang pagbabasa, kung boring ang chapter 2, may chapter 3 naman! Kapit lang at magbasa. Mwap!
-----------Jasmine's POV
Sa classroom
Alam mo beks, kung hindi mo naman gusto yung tao tapatin mo na hindi yung tinatarayan mo ng ganyan kawawa naman si papa kevs, akin na lang kung ayaw mo.
Sabi ni alyssa sa kanya, si alyssa ang bestfriend niya simula palang grade 3 sila classmate na niya ito. Naiinis na nga din siya sa kaibigan niya dahil kampi ng kampi kay kevin, awang-awa doon sa tao. Wala naman siyang ginagawa, hindi naman niya tinatarayan talaga actually tinuturing niya na bula, as in hindi niya pinapansin, di niya halos maalala kung paano nagsimula yung inis niya diyan kay kevin basta naiirita lang siya pag inaasar siya ng pamilya niya na bagay na bagay daw sila nandidiri siya talaga pag naiisip yun ewan niya basta bigla na lang, parang allergy, umatake na lang bigla. Ha ha.
Alam mo yan beks na di ko tinatarayan yun, di ko nga kinakausap eh, sayo na lang kung gusto mo isa pa iyong-iyo na yun di naman nanliligaw yun saka hindi ko yun pagaari! Ew ka. Magfocus ka na lang sa pag-aaral mo, puro landi beks? At isa pa kahit anong gawin mo i really don't like kevin, please lang!
Paliwanag ni Jasmine, biglang dumating si kevin, narinig yata nito lahat ng sinabi niya. Kiber. Wala siyang pake e sa totoo naman eh. Hindi niya alam anong meron yung tao na yun kung bakit inis na inis siya. Nakakaawa pa itsura, nakakainis talaga. Di llumuubra yung paawa face nito sa kanya, yikes.
Ah eh, hi kevin andiyan ka pala, nakapagreview ka kagabi?
Pagiiba ng topic ni Alyssa, ito talagang kaibigan niya maka kevin. Magsama silang dalawa!
Medyo mahirap ang kurso na kinukuha ni Jasmine, lahat naman mahirap pero sa pagiging Med Tech wala ka karapatan matulog. Araw araw quiz, siguro pag walang quiz e magpapamisa ka na sa tuwa, ang quiz pa nila mga isang chapter tapos 10 items lang? Hustiya mga beks. Uwian na nila ng biglang may nagtext sa kanya.
Jas, can we talk?
Text ni Kevin kay Jasmine, hindi niya alam kung anong meron sa lalaki pero inis na inis talaga siya dito! Kakagigil! Dineadma na lang niya ang text as usual, wala naman silang paguusapan. Kung meron man the hell she cares!
Please Jasmine.
Ulit ng binata, nainis na siya, replayan niya na lang kahit ayaw niya para matigil na.
Why Kevin? Ano ba paguusapan natin? Please make it fast, busy ako.
Mawawala ba inis mo sakin if mawawala ako sa paningin mo jas?
Kung sasabihin ko ba na oo kevin, gagawin mo? I am sorry di ko rin alam kung saan nagsimula to pero baka pag inaasar tayo ni kuya. Naiinis kasi ako na tinutukso niya ako sayo, tapos hinahayaan mo lang siya, i really don't get it Kevin.
I'm sorry jas.
May smiling emoticon pa yung huling text ni Kevin, after non di na niya nireplayan baka kung ano pa ang masabi niya dito. Kahit papano naman may damdamin din siya at marunong prumeno. Natulog na siya, wala naman quiz bukas kaya pwede siya magpahinga ng maaga ngayon, Medical Technologist sa UST ang kinukuha ni Jasmine hindi naman niya paboritong subject ang chemistry pero doon siya bumagsak, ganon yata talaga yung buhay, kung ano pa ayaw mo doon ka babagsak. Nakiusap din kasi ang parents niya sa kanya, bilang masunurin na anak, pumayag siya. Ngayon unti-unti na rin niyang nagugustuhan ang kurso.
Kinabukasan
Oy beks! Natrauma na siguro sayo si Kevin kaya hindi na pumasok, lukaret ka talaga! Ha ha. Natakot na yata sayo. Ha ha. Ayaw daw niya kalabanin yung duwende baka ano gawin sa kanya. Pero kapre naman ang peg ni papa Kevs.
Biro ni Alyssa sa kanya, oo na, pandak siya ang height niya na hindi pa umaabot sa 5 feet, hindi naman kapre si Kevin, 5'10 lang ito. Isip isip niya, siguro naman nalate lang yun si Kevin or tinamad lang pumasok, hindi naman siguro yun dahil sa napagusapan nila kagabi. Nagpigil pa nga siya eh.
Wala akong kinalaman don Alyssa, baka natraffic or tinamad lang, napaka judgemental mo beks, bestfriend ba talaga kita?
Jasmine, beks, bestfriend mo nga ako, kaya alam ko mga kakayahan mong gawin ha ha. Maldita ka since birth kahit ako di mo pinatatawad eh. Ha ha. Saan na kaya si papa Kevs ko.
Mukhang hindi nalate ang binata, dahil buong klase ay hindi ito pumasok ano bayan napaka iresponsable alam naman niya na major subject ngayon kaya kailangan niya pasukan, teka, pinigilan niya sarili niya, kelan naman siya nagkaroon ng pake diyan kay kevin? Wala siyang pakialam don no, pilit niyang sinasaway ang sarili.
Sa bahay
Kamusta na kayo ni Kevin bibe? Kayo na ba?
Panunukso ng kanyang kuya, ito na naman sila, mamaya niyan makikisali na din ang parents niya, ito talaga yung mga sandali ng buhay niya na halos gusto niya lamunin na lang siya ng lupa.
Nako, naalala ko pa noon Jas, naglalaro kayo ng bahay bahayan di niyo nga ako sinasali e, kayong dalawa lang kunwari magasawa kayo, ang sweet niyo kaya nung bata kayo. Ha ha.
Kuya wala akong naalala na ganyan, wag kang magimbento sa harap nila daddy, saka respeto naman sakin, kumakain ako, yuck ka!
Totoo naman yun Jasmine, buong araw kayo naglalaro ni Kevin anak simula nung mga bata palang kayo at lalo na pagsummer, ewan ba namin anong nangyari at parang nag-iba ihip ng hangin. Ha ha.
Daddy!!
At ayan na nga sumali na ang buong pamilya niya sa pangaasar sa kanya. Masaya silang pamilya, Ang mommy niya ay isang Medical Technologist din, ang daddy naman niya ay Radiologic Technologist, ang kuya lang niya ang naiba dahil kumukuha ito ng kursong Civil Engineering, graduate na ang kuya niya ngayon taon, siya na lang ang pinagaaral. Dahil parehong medical field ang parents niya, naisipan nila magpatayo ng clinic at ito ang pinagkukunan nila ng pang gastos pang araw araw, malaki ang kita sa clinic kaya masasabi natin na may kaya din sila sa buhay, dahil din siguro sa clinic kaya sinabihan siya ng parents niya na mag Med Tech din para siya na ang mag mana, hindi naman nabigo ang magulang niya dahil kahit maldita ito, masunurin naman sa kanyang mga magulang.
O siya mga anak maaga matulog, may pasok pa kayo bukas.
Sabi ng mommy niya, bago matulog chineck niya ang kanyang phone kadalasan lagi may text si Kevin pero lagi niya dinedma, medyo weird lang kasi di ito nagparamdam sa kanya buong araw. At mas lalong weird bakit niya naiisip yun, paki ba niya!
Kinabukasan sa school
Beks!! Alam mo na yung balita?
Sigaw ni alyssa sa kanya pagkakita nito na papasok na siya na classroom.
Ang alin ba? May boyfriend ka na? Impossible. Ha ha. Ang aga aga alyssa ah.
Beks!! Oo at buntis ako, si papa Kevs ang ama, charat. Ha ha. Alam mo naman impossible yang balita na yan. Pero beks!! Si Kevin..
Parang kinabahan siya sa sasabihin ng kaibigan, bakit siya kinakabahan! Hindi pwede, ano kaya nangyari kay kevin? Hindi pwede, wala siyang pakialam kay kevin!
BINABASA MO ANG
Dear Husband, I Hate You 1.0 [FINISHED]
Romantik"Kung hindi ka pumayag sa gusto nila hindi ito mangyayari Kevin! Iniisip mo lang sarili mo, papano naman ako? Hindi kita kayang mahalin at naiisip ko pa lang na buong buhay tayo magkakasama nandidiri na ako! I hate you so much!! Yeah, i guess i neve...