Alexander pov!Alas singko na ng hapon pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Napahiya ako ng dahil sa kanya pero ang hindi ko matanggap sa sarili ko ay ang hindi ko siya mapaalis dito sa kompanya ko kahit ang dami na niyang kasalanan sakin. Kung iba kaya siya magiging ganon pa ba ako? Malamang baka sa unang araw pa lang pinalayas ko na siya. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sakin.
"Ayyy!" napasapo ako sa noo ko. Ano ba naman ang pinag.iisip kong to? Napatingin ako kay Lory dahil pakiramdam ko may nakatingin at siya lang naman ang tao dito sa office bukod sakin at nagtama ang tingin naman sa isa't-isa kaya napaayos ako ng upo.
"Ehmmm."
Binuksan ko na lang ang laptop ko at tumambad sakin ang mukha niya, ng babaeng mahal na mahal ko pero bakit parang nabawasan ang sakit na nararamdaman ko tuwing nakikita ko ang larawan niya?
Hindi na yata normal ang pag.iisip ko. Sinara ko na lang ang laptop. Uuwi na lang ako total wala naman akong gagawin na ngayon dito.Inayos ko ang mga gamit ko at binitbit na ang laptop ko at ilang bagay na dadalhin ko. Pasimple ko siyang tiningnan at nakita kong nakatingin siya sakin. Nagpaalam muna ako kay Jenny bago ako tuluyang umuwi.
******
Halos tatlong oras na akong hindi mapakali sa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwaglit sa isip ko ang mukha ni Lory siguro dahil sa nakikita ko ang sarili ko sa kanya ng iniwan niya ako. Six years ago. Okay na sana ang lahat, venue, mga ninong, ninang, pari, simbahan handa lahat.lahat ang kulang na lang noon ay ang magsumpaan kami sa loob ng simbahan, sa harap ng Diyos but I don't know what happened dahil bigla na lang siyang nawala na parang lahat ng mga nakaraan ay pawang panaginip lamang. Minsan nga parang naniniwala na ako na wala talaga akong nakilalang babae noon, na isa lamang siyang panaginip na dapat ko ng pakawalan.
Napatayo ako at kinuha ang laptop ko. After five years ngayon ko na lang ulit ito gagawin. Five years akong nagpatuloy na mahalin siya, umasa na babalik siya pero Five years din akong nagpakatanga at nabigo at ngayon sa tingin ko handa na akong harapin at tanggapin kung ano man ang makakalap kong impormasyon tungkol sa kanya.
Tinype ko ang pangalan niya...
Veronica Wensmith...
Nag.alangan pa ako kung itutuloy ko pa ang binabalak ko pero sa huli sinerach ko pa rin siya kahit may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko pero kagaya ng mga nakaraang taon walang lumabas na kahit anong impormasyon tungkol sa kanya.
Naalala ko noon halos mabaliw ako ng bigla siyang mawala na halos lahat na yata ng website napuntahan ko na para lang mahanap ko siya pero nauwi lang din sa wala dahil kahit magulang niya hindi namin macontact. Wala naman sana saking kaso kung napahiya ako sa mga imbitado sa kasal namin, sa pamilya ko at sa buong mundo dahil kung sakaling bumalik siya sakin noon tatanggapin ko pa rin siya ng buo at walamg pag.aalinlangan pati na rin ang rason kung bakit niya ginawa niya sakin basta bumalik lang siya sakin.
Sinara ko na lang ang laptop ko. Bakit ba pinag.aaksayahan ko na naman ang tao na kahit minsan hindi ako naisipang balikan? Kailangan ko na talaga sigurong ibaon lahat.lahat ng mga alaala na meron kami. Tumayo ako at may kinuha sa loob ng drawer ko na katabi ng kama. Anim na taon simula ng iniwan niya ako at anim na taon na rin itong nakatago dito. Binuksan ko ang isang pulang maliit na kahon. Sa tuwing nakikita ko ito noon palagi na lang may luhang lumalabas mula sa mga mata ko kaya napagdesisyonan ko na hinding.hindi ko na ito bubuksan kahit kailan. Balak ko na sana nga itong itapon na lang pero dahil sa pag.asa na babalik siya itinago ko pa rin hanggang ngayon pero ngayon parang wala na sakin ang singsing na hawak ko ngayon na dapat isusuot ko sa daliri ng taong mahal na mahal ko noon.

BINABASA MO ANG
The Billionaire's Fake Idiot Fiance
RomanceI'm not an ordinary man kaya mula bata hindi ko naranasan ang magkaroon ng ordinaryong buhay at mas lalo itong gumulo when I met this girl na unang babaeng naglakas ng loob na kalabanin ako. Yes, she is strong but she's not clever in short tanga siy...