"Min Yerin?" Kahit labag sa kalooban kong tumayo at kunin ang grading shit-- I mean sheet ko, tumayo parin ako
Nginitian ko si ma'am sabay lahad ng palad ko. She sighed saka siya umiling-iling. I pouted. Alam ko namang mababa grades ko, di na kailangang ipangalandakan =___=
"Miss Min, you're the only one who failed in my class. You should take the exam again after two weeks kung gusto mong maka-graduate" she said and I nodded. Hindi naman sa bobo ako. Or what. Sinasadya ko lang talaga na bumaba grades ko. Bakit? Kasi kahit naman anong gawin ko, ako parin magmamana ng hutang inang family business na yan.
Daya, dapat si Kuya eh! Kung bakit ba kasi mautak yung isang yon. Umalis ba naman at pumuntang America. Guess kung anong ginawa nung ugok na yun! NAG-ARTISTA! Walang hiya talaga! Sukdulan yung galit ko =____=
"Yes, Ma'am" I said saka ako bumalik sa upuan ko
"Okay, class. Congratulations for those who passed. To those who didn't make it, see me in my office this afternoon. Minghao, let's talk later" sabi ni ma'am saka siya umalis. Di niya nalang dinirect sakin. Jusko
"Oy. Ano? Bagsak ka na naman no?" Tanong ni Aly sakin, kaibigan ko.
"Tanong-tanong ka pa. Alam mo naman" I said
"Matalino ka naman. Bakit kasi nagmamarathon ka lagi pag sumasagot every exam? Tama na ang pananadya, future President ng Min Company" and yes, alam niya lahat ng pagpapanggap na ginawa ko
"Come on, Aly. For what is this exam eh hindi naman related sa business namin. It's just Science" sagot ko
"Whatever you say. Come on, kain na tayo" she said. I nodded saka ako lumabas kasama siya
"Dun ulit tayo sa table nila kuya ha? Wag kang mag-alala. Libre ni kuya" sabi niya. Umoo nalang ako. Para namang may magagawa pa ako di ba?
"Oy Yerin! Nangyari sayo?" Bungad sakin ng gwapong kuya ni Aly na si Vernon. Di ko nga alam kung paano kami nagkakasya dito sa table na to. 13 silang lalaki plus kaming dalawa ni Aly
"Oy the8 bakit ngayon ka lang?" Sita nila kay Minghao. 'The8' screen name niya. Nasabi ko na bang, sikat tong mga to? Oh well. Group kasi sila ng boyband ng school
"Kinausap ako nung teacher namin" he said saka siya nagsimulang kumain. And as usual, katabi ko siyang kumain. Even though, magkaklase kami di kami naguusap. Jusko, ang daming fangirl niyan! Matalino na, magaling pang sumayaw at kumanta. Maangas tignan, pero cute on stage. Bipolar ata.
-----Kung sineryoso ko lang pala yung exam ko, edi sana wala ako ngayon dito sa library para sa hutangina na 'tutorial'!
Kasama ko ngayon yung ubod sa kasungitan na 'tutor'. Sino pa ba? Edi si Minghao. Jusko, bakit kasi siya pa? =___=
"Di mo ba ako tuturuan?" I asked him. Kanina pa kami andito pero wala siyang ibang ginawa kundi magbasa habang ako- struggling. Aba. Anong alam ko dito eh di rin naman ako nakikinig sa teacher ko sa Science =___=
"Kaya mo na yan. Atsaka, 25 minutes nang nakalipas simula nung binigay ko sayo yang dapat mong sagutan ah. Di mo pa tapos?" He asked habang nakatingin parin sa libro na kanina niya pa binabasa. Sarap punitin!
"Tapos na. Kanina pa" I said. When the truth is, fifteen lang ang sure ko tapos yung iba, hinulaan ko nalang. Malay niyo, may himala.
Sinet aside niya yung binabasa niya saka niya kinuha sakin yung paper at sinimulan na niyang mag-check.
Kahit maka-20 lang ako, pwede na raw kaming umuwi eh. Please please.
"Ano na?" I asked him nang tapos na siyang magcheck