Sabi nila kung tunay daw ang pagmamahal na nararamdaman mo para sa isang tao, hihintayin mo sya kahit walang kasiguraduhan na mamahalin ka din nya pabalik, kahit hindi mo alam kung kaya nya suklian lahat ng pagmamahal na binibigay mo sa kanya kasi daw ang pagmamahal hindi dapat naghahangad ng kahit na ano. Pero hindi naman ibig sabihin na kapag napagod ka at unti unti ng tumigil ay hindi na totoo ang pagmamahal mo sa isang tao, siguro isang araw nagising ka na sa katotohanan na kahit anong gawin mo, kahit anong paghihirap mo at kahit anong sabihin mo sakanya, hindi na ikaw ang gusto nya, na hindi na ikaw ang mahal nya, na habang ginagawa mo lahat ng yon, ibang tao ang nasa isip niya. Siguro totoo nga na pag nagmahal ka, hindi dapat naghahangad ng kapalit, pero hanggang kailan mo kayang magtiis para makuha at bumalik sya, para mahalin ka ulit nya, lalo na kung habang naghihirap ka, hindi naman nabibigyan ng kahulugan ang lahat, hindi nya naman naaappreciate lahat ng ginawa mo para sa kanya. Hanggang kailan ka aasa na balang araw mapapansin ka ulit nya? Hanggang kailan ka aasa na mamahalin ka ulit nya? Hanggang kailan ka aasa na babalik pa sya, nababalikan ka pa nya? Hanggang kailan mo titiisin lahat ng sakit na pinaparamdam nya kung pwede ka namang maging masaya kahit wala sya. Hanggang kailan ka aasa? HANGGANG KAILAN?
BINABASA MO ANG
Hanggang kailan?
Teen Fiction"Habang ikaw ay naririto sa dibdib. Paglalaban ko ating pagibig. Sa harap ng paghihirap at pasakit. Ako’y handang magtiis. Hangga’t hindi kita lubusang maintindihan. Aaminin ko ang pagkukulang. Hanggang kailan kita mamahalin? Tanong ng pusong ngayon...