Rein's POV
"Hannah, paano na yan? Hindi ko nakausap si Jacob para kay Cath?" Malungkot na sabi ko.
Napabugtong hininga naman siya. "Sayang naman teh. Last year na rin kasi natin eh."
Napatango lang ako at bumalik na sa aking ginagawa.
Isang taon na ang nakalipas pagkatapos ng nangyari kay Cath at Jacob nung banquet namin.
They were happy, that's what we thought. Hindi naging sila. Si Merella parin ang pinili ni Jacob sa bandang huli.
Nung una, okay lang yon kay Cath at naging magkaibigan parin sila ni Jacob pero nung first few months ng pagiging seniors namin, napilitan siyang layuan si Jacob dahil na rin sa kinausap siya nina Merella at ang mga kaibigan nito.
Ngayong magbabanquet na kami ulit, I planned a suprise for Cath at yun ang isasayaw siya ulit ni Jacob.
Pero dahil narin sa girlfriend ni Jacob, hindi ko magagawa yung suprise ko para sa aking kaibigan.
--
"Kirk, pwede mo naman sigurong isayaw si Cath diba?"
"Oo naman. Just tell me when and I'll ask her." Nakangiting sabi niya sakin.
"Thank you talaga Kirk!" Masayang sabi ko sakaniya at nagsimula ng bumalik sa kinaroroonan nina Hannah.
Nawala ang ngiti sa aking mga mata at napabugtong hininga nalang. Si Kirk, siya yung lalaking kapareho ni Jacob sa lahat ng bagay.
Siya ang naunang nagustuhan ni Cath kaysa kay Jacob pero dahil nga nagkaroon siya ng girlfriend, nawala rin ang nararamdaman niya dito.
"Isasayaw na daw ni Kirk si Cath mamaya."
"Ganon ba? Buti nalang at pumayag siya." Nakita ko ang relief sa pagmumukha ni Hannah.
"Oo nga eh. Tara na. Pasok na tayo sa loob ng hall." Pag-aya ko dito.
Tumango naman siya at tinawag na ang mga escort naming juniors.
Ilang minuto pa ang nakakalipas ay dumating na si Cath.
She was wearing a simple long teal gown. Her hair and make up was simply done. It was so simple that it showed what she really looked like, simple yet elegant.
Lumapit siya sa amin at kami'y pinagyayakap. Kahit na nakangiti siya, halatang halata sakaniyang mga mata ang kalungkutang matagal na niyang pilit na tinatago.
--
After the first dance and lady's choice, nagsimula na kaming kumain.
Napuno ng tawanan ang table namin. Kahit na hindi ganon kasarap ang pagkain, being with them made it so special.
"So is everyone having a good night?" Masiglang tanong ng EmCee.
Halo-halo ang mga sagot na kaniyang natanggap kaya naman natawa nalang ito.
"So for this next dance, we'll have a vote. Who wants to have gentlemen's choice?"
Karamihan ng mga nagtaas ng kanilang mga kamay ay ang mga lalaki at may konti ring babae.
"Who wants to have lady's choice for the second time?" Tanong ng kapartner nito.
Kumpara sa nauna, mas madami ang nagtaas ng kanilang mga kamay.
"So, we'll have the lady's choice."
Pagkasabi niya nito ay nagtayuan na ang mga babae at niyaya ang lalaking gusto nilang makasayaw.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Short Story"Cause this is the part when the end starts." Can I Have this Dance Sequel