Story

8 0 1
                                    

"Para na ho, dito na lang tayo"

Kapag sumasakay tayo ng jeep, ang una nating hinahanap ay ang tamang karatula ng mga ruta,
Ang tamang lugar kung saan tayo papunta.
Sana pala meron din tayong ganun,
Na may senyales kung laban pa o suko na,
Na gusto mo pa o patawad, pagod kana.
Wala tayo sa dulo, pero wala rin tayo sa unahan.
Wala pa tayong nauumpisahan, andito tayo sa pagitan.
Masyado akong na-ankla sa mga pangako mo,
Masyado tayong nalunod sa salitang hindi natin kayang panindigan,
Pero hindi ako nagsisising sumugal ako,
Lumaban ako,
Para sayo.
Na kahit sugat na sugat na sugat at patuloy na dumudugo ako,
Hinding-hindi ko ipagpapalit ang sayo, ang akin, ang satin, ang TAYO.
Sana sabay tayong nakasakay sa pampasaherong jeep na kinekwento ko,
Na nagpapatangay lang tayo kung saan tayo patungo,
Sana ako yung gulong ng sasakyan mo,
O kaya yung prangkisa para di ka makakapasada kapag wala ako,
Oh sa madaling salita,
Kailanganin mo naman ako,
Manabik ka sakin gaya ng pagkauhaw ko sa pagmamahal mo,
Na sa rutang tinatahak ko tama pa ang dinaraanan ko.
Sabihin mo na lang kung para na, bababa na ako.
Makikiabot ng bayad, makikiabot ng pagmamahal ko,
Ito na pala ang destinasyon kung saan iiwan natin ang salitang paalam,
Ito na ang oras na hindi na ako malilito.
Mahal, para nako, dito na lang tayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Default Title - Write Your OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon