CHAPTER 1

36 0 0
                                    

Iginala ko ang mga mata ko sa bagong school na papasukan ko ngayong unang araw ng klase. Makikita mo na agad ang mga couples na nagkalat sa campus. Mga pawang menor de edad na magkahawak ang kamay habang naglalakad. Mga lalakeng nakaakbay sa kanilang mga girlfriends... Kulang nalang ay maghalikan sila. Tsk.

Umiling ako ng ilang beses. Huminga ako ng malalim at tsaka matunog na bumuntong hininga. Nanatili akong nakasandal sa poste habang hinihintay ang mga kaibigan ko. Gusto ko silang pagalitan at singhalan dahil sa tagal nilang pumasok. Anong oras na. Gusto kong ma-out of place dahil mukhang ako lang ang single dito sa lugar na kinatatayuan ko pero wala akong magawa kundi ang umirap nalang sa kawalan.

Pagkatapos ng treinta minutos na paghihintay, natanaw ko na ang mga kaibigan ko. Sabay sabay silang pumasok sa gate at halatang pinag usapan talaga nilang paghintayin ako dahil tatawa tawa silang lumapit sakin. Sinamaan ko lang sila ng tingin.

"Seven-thirty na, alam niyo ba yon? Akala ko ba, dapat ay andito na tayo ng alas siete?" singhal ko sa kanila.

"Relax ka lang Ethan. Unang araw palang ng klase ngayon. 'Wag ka namang OA." natatawang sabi ni Andrei.

"May good news kami sayo, Than. " Nakangising sabat ni Gabriel kaya naman bahagyang nawala ang inis ko pero nagpanggap parin akong galit.

"Ano nanaman 'yon?" kunot-noo kong tanong.

"Dito siya nag aaral." Si Justin ang sumagot. Natitigilan akong napatitig sa kaniya. Nakangisi siya pero halatang hindi nagbibiro. Nagpanggap akong walang pakialam pero sa loob ko ay andun ang naghuhuramentado kong puso dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. Nang tignan ko ang tatlo ay agad lang nilang inginuso ang gate ng school habang bahagyang nakangisi.

Nilingon ko ang bungad ng gate at doon ko nga nakita si Shan, prenteng naglalakad sa gitna ng daan. Seryoso siya bagaman andun pa din ang natural niyang ganda. Nakalugay ang kanyang buhok. Nakasuot siya ng uniporme at nakasabit ang kanyang bag sa kanang balikat. Ang mga suot niyang itim na bracelets at itim na necklace ay dumaragdag lamang lalo sa lakas ng kaniyang dating.

"Ang ganda niya 'no?" Natauhan ako at biglang napalingon sa nagsalita sa aking likuran. Andun ang tatlong lalaki na pinagmamasdan din si Shan. Hindi na ako magtataka kung bakit hindi nila maiwasan ang pagmasdan si Shan. Simpleng lakad lang kasi niya, makukuha na ang atensyon mo.

Sana ay ako parin hanggang ngayon, Shantal...

Napayuko ako sa sarili kong naisip. Pinagsisisihan ko ang paglipat ko sa school na to.

"Kayo ba ang mga transferees?"
Napalingon naman kaming magkakaibigan nang biglang nagtanong ang isang teacher.

Sabay sabay naman kaming tumango sa teacher. Umangat ang kilay ng teacher at pinasadahan kami ng tingin.

Bigla siyang tumingin sa likuran namin kaya napalingon din ako. Nakagat ko ng buo ang pang ibabang labi ko nang mapagtanto ko na si Shan ang tinitignan ng teacher.

"Miss President? Come here." nagkatinginan kaming apat na magkakaibigan at saka pinalipat lipat ang tingin namin sa guro at kay Shan na naglalakad na papalapit sa amin.

Ano daw? MISS PRESIDENT?

Damn. Sising-sisi na talaga ako sa pagtransfer ko dito.

"Yes, Ma'am?" Tanong ni Shan habang nasa guro pa rin ang paningin. Nakangiti siya sa guro habang naghihintay ng sagot.

Hindi man lang niya kami sulyapan. Hindi man lang niya AKO sinulyapan ng kahit na sa isang beses. KAHIT NA ISA. Kahit tapunan man lang ng tingin ng isang segundo.

Bumuntong hininga ako para pigilan ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ko. Napakaemosyonal ko pagdating sayo...

Alam niyo yung pakiramdam na halos hindi na kayo mapaghiwalay noon pero parang hindi ka na niya kilala ngayon?
ANG SAKIT.

MY BOUNDLESS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon