Title: Pinto, Door. DOORWAY. DUR, FENTO,
Pedro: Hoy Juan! Anong ginagawa mo sa Pinto?
*Agad umalis si Juan sa pinto*
Juan: Ha? *kamot ulo* Chinicheck ko lang, Sabi kasi Ni Singko Pusher daw to e. Baka pwede to ipakulong *Seryoso Ang boses*
*agad lumapit si Pedro kay juan tsaka ito Kinotongan*
Pedro: Tanga! Wag ka ngang Maniwala sa singko na yun! Hindi ko alam na uto-uto kapala"
Juan: Totoo Naman kasi e! Tignan mo nakalagay dito sa labas.
PUSH
Pedro: Oh? Push. Anong meron? Nabubuang ka na ata e.
*aalis na sana si Pedro nang pigilan sya ni Juan*
Pedro: Ano nanaman?
*lumabas nang pinto si Juan at tsaka ulit binuksan para makapasok*
Pedro: Ano bang kalokohan ito?
Juan: Tinulak ko ang pinto nitong 11/7, Pusher na ba ko nun?"
Isang katahimikan ang naganap.
Pedro: Pre, May problema kaba? Baka naman pwede pa nating pag usapan yan.
Juan: Ano?
Pedro: Hindi ko alam kung Angat ka ba talaga o Na bubuang lang. Droga ba ang tinulak mo?! Diba pinto! Paano ka naging pusher ha?
Juan: Kasi tinulak ko ang pinto -_-
Pedro: Manahimik ka na nga dyan! Hindi ako natatawa sa joke mo!
*Agad pinigilan ni juan si pedro*
Pedro: Ano nanam---"
Juan: Ganyan ba talaga ang tingin nyo saken? Akala nyo ba nagbibiro ako?! Ganyan kayo e. Nagsasabi ako nang totoo pero akala nyo pa nabibiro ako. Tulad nya, Ilang beses akong nagtapat sa kanya pero tinatawanan nya lang ako! Akala nyo ba lahat nang sinasabi ko joke?! Nakakasakit kayo nang damdamin. Hirap na hirap akong mag explain para lang malinawan kayo sa sinasabi ko pero *Hingang malalim* Nakakapagod na!.
Agad umalis si juan.
Pedro: *facepalm*.. Ano ba ang gagawin ko sa kaibigan ko na yun..
___
Mais: Hindi ako marunong magpatawa kaya Pagpasensyahan nyo nalang ang mais na author. Nasobrahan kasi nang mais kaya pati utak naging corny na.
Please Comment: Haha- Oo nalang.
Nyahaha- Pwede narin.
Hoho- Next.
Ang daming nalalaman ni Mais e, Corny ako pero wag nyo nalang icomment. Hindi sa nasasaktan ako, Kasi alam ko naman e. Nyahaha.NA SA IYO NA KUNG TATAWA KA.
YOU ARE READING
Letter
HumorHugot&Jokes Sa mga sawi sa pag ibig Sa Mga taong malulungkot Tama ang pinuntahan mo Hindi ko alam kung tatawa ka sa mga jokes kong nakatago sa baul pero nasayo na rin kung tatawa ka nalang. Minsan, Hindi lahat nang situation ay nakakatawa kaya eto a...