Fifteen years ago. . .
SABADO at kasalukuyang kasama ni Caren ang inang si Carmela. Patungo sila sa isang foundation na matagal na nitong sinusuportahan, ang Brightlives Foundation. Pawang mga batang ulila ang kinukupkop ng foundation upang may matuluyan ang mga ito at masuportahan sa kabila ng kawalan ng mga magulang at pamilya.
Bumaba na sila ng sasakyan at sinalubong ng bati ng isa sa mga nangangalaga ng foundation.
"Magandang umaga po, Ma'am Carmela," magiliw na wika sa kanila ng babaeng nangangalaga.
"Magandang umaga rin. Kumusta na kayo rito? Ang mga bata?" nakangiting sagot ng kanyang ina.
"Maayos naman po ang lahat." Sinulyapan s'ya ng babae. "Ma'am, si Caren na ba ito? Aba't ang laki na, ah! Parang noong huli mo s'yang dalhin dito ay halos karga-karga mo pa." Giliw na giliw ang babae sa kanya.
"Say 'hi' to her, sweetie," utos ng kanyang Mommy.
"Hi po. Kumusta po kayo?" nakangiting bati n'ya sa babae. Maya-maya'y pumasok na sila sa loob. Marami s'yang nakitang mga bata. May mga sanggol pa at halos kalapit n'ya ng edad ang iba. Inabot ng Mommy n'ya ang mga dala nilang laruan para sa mga bata. Iyon ang mga laruang pinaglumaan at pinagsawaan n'ya na. Tinulungan n'ya ang kanyang Mommy na ibigay ang mga laruan sa mga bata.
Hanggang sa may nakita s'yang isang batang babaeng nakatingin sa kanya mula sa isang sulok. Bigla itong nag-iwas ng tingin at umalis sa kinapupuwestuhan nito.
"Mommy, sandali lang po, may titingnan lang ako," paalam n'ya sa kanyang Mommy. Sinundan n'ya ang nilakaran ng batang babae. Nakita n'ya ito.
"Hello. Bakit ka alone? Wala ka bang friends?" tanong n'ya rito. Maiksi ang buhok ng bata kabaligtaran ng sa kanya na mahaba at nakatirintas ng magkabilaan. Hindi kumibo ang bata, nakatingin lang sa kanya.
"What's your name? Ako, ang pangalan ko ay Caren Madrigal. Puwede ba tayong maging friends?"
"O-okay lang sa'yo na maging friend ako? Nakakahiya naman sa'yo.." sagot ng bata na mukhang nag-aalinlangan sa kanya.
"Oo naman! Mukha ka kasing walang friend dito kasi nag-iisa ka lang," nakangiti n'yang tugon.
"Mukha kang princess, alam mo ba 'yon? Kaya..nahihiya ako sa'yo." Yumuko ito. Hinawakan n'ya ang kamay nito.
"No, I'm not a princess. Simpleng bata lang din ako tulad mo at gusto kitang maging friend." Pagaksabi n'ya no'n ay agad na ngumiti ang bata.
"Talaga? Sige, kung okay lang sa'yo... Ako nga pala si Eireen.. Eireen Mendez," pakilala nito sa kanya.
"Eireen... Ang ganda naman ng name mo." Humagikgik s'ya. "Sige, ha? Friends na tayo simula ngayon."
Simula ng mga sandaling iyon ay naging magkaibigan na sila ni Eireen. Palagi na s'yang sumasama sa Mommy n'ya para dalawin ito hanggang sa yayain n'ya itong magpunta sa kanilang bahay na ikinapayag naman ng Mommy n'ya. Mukhang nahalata ng Mommy n'ya na gustung-gusto n'ya ito.
"Wow... Ang ganda at ang laki ng bahay n'yo, Caren. Sabi ko na, eh, isa kang princess," mangha nitong pahayag habang palinga-linga sa kabuuan ng malaki nilang bahay.
Mula din ng araw na iyon ay madalas nang pumupunta si Eireen sa bahay nila. Sa totoo lang ay madali n'ya itong nakasundo dahil siguro sabik s'yang magkaroon ng kalarong babae sa bahay nila, dahil panay lalaki ang mga kapatid n'ya at isa pa'y malalaki na ang mga ito.
Isang araw habang inaayusan s'ya ng kanyang Mommy ay kinausap n'ya ito tungkol kay Eireen. Sinabi n'yang ano kaya kung ampunin na nila ito, tutal ay ulila na ito sa pamilya. Parehas kasing naaksidente ang mga magulang nito noong pitong taong gulang pa lamang ito at wala na ring mga kamag-anak kaya ang foundation na ang naging tahanan nito.
BINABASA MO ANG
I'm a Lover and a Fighter
Roman d'amourPagkakaibigan... Pag-iibigan... na mauuwi sa Pagtataksil. Ten years old pa lamang ay magkasama na kayo ng best friend mo, habang kayo naman ng boyfriend mo ay ten years na ang relationship at magpo-propose na ito sa'yo and sooner, magpapakasal na ka...