Commercial muna. ⬇️
-----------
To my one and only one reader haru_takari para sayo ang laban na to. Ha ha.
Haru_takari ❤️ Thankyou dahil ikaw ang kauna-unahang reader ko. Yowdabeth! 🌸
---------
Shemay magkikita na sila ni fafa Kevs after ilang years?! Abangan natin, kapit lang. Haha.
---------Andyan si kevin! Hindi parin siya makapaniwala sa naririnig, hindi din siya pwedeng magkamali, kay kevin na boses yon! Kinakabahan siya, sobrang gusto niya silipin ang binata, miss na niya ito, gusto niya makita itsura nito, natataranta na siya. Bigla din niyang naisip mga ginawa ni Kevin, naalala niya ang galit niya dito. Napihit na niya ang doorknob pero hindi na muna siya pumasok ng bahay, pumunta muna siya sa bahay ng kababata niya na nasa kabilang lote lang mula sa bahay nila. Nag palipas lang siya ng oras hanggang makaalis si kevin. Ayaw na niya makita ang binata, umalis ito ng walang paalam, tapos after ilang taon babalik na naman ito ng walang pasabi? Ngayon pang halos okay na siya.
Pagbalik ni Jasmine sa bahay nila.
O bibe, andito kanina si Kevin para magpaalam kasi pupunta na sila sa states, sayang hindi ka na naantay dahil maaga paraw bukas ang flight nila. Nabigla nga ako dahil noong huli naming usap ang sabi niya sila Tito lang ang aalis. Jasper
Wala naman ako pakialam sa kanya kuya. Please lang, pagod ako. Pagdadahilan ni Jas
At dali-dali siyang umakyat sa kwarto, umiiyak siya, ang sakit malaman na yun na pala ang huling beses na maririnig niya ang boses ni Kevin, matatanggap niya na lumipat ito ng school ng walang pasabi, kaso ginawa niya uli ito and this time maaring hindi na sila magkita ng binata kahit kailan, hindi na talaga niya ito mapapatawad! Nawala na ng tuluyan si Kevin.
Naiinis ako sayo! Napakabastos mo Kevin! Hindi ka man lang nagpaalam sakin! Pero tama na din siguro yun, kakalimutan na kita! Hinding-hindi ko na gugustuhin pamg makita ka uli! I hate you so much Kevin Alcaraz! Jas
After 2 years..
Gradute na sila. Si Jasmine na ang tumatayong Chief Medtech sa kanilang Clinic, si Alyssa naman ay sa hospital nagtatrabaho. Nagpatuloy ang buhay niya at tuluyan ng kinalimutan si Kevin, mahirap pero kailangan, hindi na din nagparamdam ang binata sa loob ng 2 taon, huli na yung narinig niya ang boses nito sa bahay nila dati. Lalo lang tumitindi ang galit niya sa binata. Naiipon parang bomba na nagaantay lang pasabugin.
Pero tila mapaglaro ang tadhana. Wala naman ding makakapagsabi na sa isang iglap magbabago ang lahat.
Anak, Jas, we need to talk. Daddy
Kakauwi palang ni Jas galing sa trabaho ng nadatnan niya na andoon ang kaniyang mga magulang kasama ang Kuya niya, may pa meeting pala si Mayor ng di siya informed? Haha.
Ano yan dad? Meeting de avance? Kumpleto kaya ah. Anong meron? Biro ni Jas
Anak, may sasabihin kami ng daddy mo, halika at umupo ka dito. Sambit ng Mama niya.
Wow, nakakatakot naman kayo, para po ang seryoso naman niyan? Ampon lang ba ako? Si Kuya ang tunay kong ama? Pagbibiro ni Jas
BINABASA MO ANG
Dear Husband, I Hate You 1.0 [FINISHED]
Romance"Kung hindi ka pumayag sa gusto nila hindi ito mangyayari Kevin! Iniisip mo lang sarili mo, papano naman ako? Hindi kita kayang mahalin at naiisip ko pa lang na buong buhay tayo magkakasama nandidiri na ako! I hate you so much!! Yeah, i guess i neve...