-Chapter 1-

1.2K 25 2
                                    


"I WANT to break free, I want to break free, I want to break free from your lies, you're so self- satisfied I don't need you, I've got to break free, God knows, God knows I want to break free," sinasabayan ni Juliana ang tugtog na nagmumula sa stereo ng kanyang Toyota Corolla – it was her father's car, actually — habang nagmamaneho. It was one of her favorite songs from her favorite rock group in the world, the band Queen. Hindi lang niya sinasabayan si Juliana si Freddie Mercury sa pagkanta, iniyuyugyog niya rin ang kanyang mga balikat at ang kanyang ulo, enjoy na enjoy sa pagkanta.

Hindi man halata sa hitsura ni Juliana, rock music fan siya at secret dream din niya ang maging lead singer ng banda. Maganda naman ang tinig niya pero hindi niya na-pursue ang passion niyang iyon. Juliana focused on her other dreams, being an international model and a beauty queen. Dahil sa angking tangkad na limang pulgada at siyam na talampakan at slim na pangangatawan, disi-sais anyos pa lang si Juliana ay na-scout na siya ng isang pamoso at respetadong gay Filipino designer na si Mama Chaz Salvacion upang gawing modelo. Noong una ay hindi iyon ang gusto ng kanyang inang si Marisol, pero dahil sa pakiusap at matinding pangungumbinsi ay pumayag na rin ito sa huli. Sa kondisyon na hindi niya iiwan ang kanyang pag-aaral. Nakapagtapos naman siya ng high school at isa sa mga honor student ng kanilang batch. Pero dahil naging in-demand siyang ramp model ay hindi niya natapos ang kursong kinukuha niya noon sa kolehiyo, ang kursong BS Psychology. Hindi niya pinalampas ang opportunity na makarampa sa mga "fashion week" sa Pilipinas suot ang mga damit ng mga sikat na fashion designers. At hindi lahat ng baguhang modelo ay nabibigyan ng break gaya ni Juliana.

Noong twenty years old naman si Juliana ay kinumbinsi din siya ni Mama Chaz na sumali sa national beauty pageant ng Pilipinas. Alam ni Mama Chaz na isa sa mga pangarap niya ang maging beauty queen. She was once a campus queen. Actually, pangarap din iyon kay Juliana ng kanyang ina. Frustrated beauty queen si Marisol pero dahil hindi ito nabiyayaan ng tangkad ay ang anak na si Juliana na ang pinilit nitong sumali sa Miss Philippines beauty pageant. Dahil maraming bilib sa kanyang angking ganda at talino, ay hindi na rin niya sinayang ang pagkakataon. Naisip niyang wala naman sigurong mawawala at pangarap talaga niya iyon. Lalo na ang maging international beauty queen balang araw. Juliana trained in one of the best training beauty camps in the Philippines. Nang sumabak siya sa Miss Philippines ay pinalad siyang manalo at naging representative ng Pilipinas para sa pinaka-prehistisyosong beauty pageant sa buong mundo.

Juliana was one of the frontrunners in the said beauty pageant. Marami ang nagsasabing si Juliana ang "the one to beat for the crown". Halos sa lahat ng beauty pageant community ay siya ang pine-predict na mag-uuwi ng korona. They said she got the total package— she's got beauty and brains. And that time, Juliana was giving all her best to eventually bag the crown for her country. Pero sa kasamaang palad ay hindi siya ang nag-uwi ng korona. Itinanghal lang siyang first runner-up. At isang Latina ang nanalo ng korona at ng titulong inaasam-asam niya.

Of course she was devastated. Hindi nga niya napigilan ang mapaiyak noon kahit nasa stage siya. Pero wala naman siyang magagawa dahil hindi naman siya ang pinili ng mga judge para manalo. Kahit ang international beauty pageant community ay may pakiramdam na dinaya raw siya, that she was robbed off the title and crown. Marami ang nagpo-protesta dahil siya raw ang "sure winner" base sa kanyang performance nang gabing iyon. Kahit sa Q&A ay maraming nagsasabi na siya ang may pinakamagandang sagot.

But that was all in the past now and Juliana had already moved on. Maaaring hindi talaga niya destiny na makuha ang koronang pinapangarap niya. Besides, hindi naman doon natapos ang buhay ni Juliana. She was still loved by many. At sabi nga ng mga kababayan niya, she was still their "Queen". Masaya na siya roon. Isa pa, kahit na first runner-up lang siya ay hindi rin naman natapos ang kanyang career bilang modelo. It actually helped her to get a contract from an international modeling agency in Los Angeles. And it paved the way for her international modeling career.

THE CARREON SISTERS: SUDDEN BRIDES TRILOGY - The Marriage BargainWhere stories live. Discover now