Game Over! score, 9
Haaaa? Pakinshet. Grabe ang pawis ko para mag-laro ng pipitsuging Flappy Bird na to tapos 9 lang? As in 9? Hindi ba pwedeng i-10 na lang. Eh ang sensitibo naman ng ibong ito, konting dikit lang sa tube patay na agad. Hayyy, makabili na nga lang ng School Supplies.
Oyy Chescka bili na tayo ng School Supplies, 5:30 na oh. Maaga pa naman bukas ang First Day ng Klase. sabi ko kay Chescka na ngayon ay kasalukuyang kumakain-- wait, lumalamon pala ang right term dun. Lumalamon pa siya ng Krispy Kreme.
Pinadali ko na siya sa "PAGLAMON", pagkatapos nun dali-dali na naglakad kami papuntang National Bookstore, syempre naglakad lang, ang hirap kaya pag-tumakbo ka ng naka-heels. Tsaka Nat'l Bookstore na kasi ang naka-gisnan naming bilhan ng school supplies at yun lang ang pinakamalapit dito sa spot namin kaya gora na kami. Ng biglang.
*BOOGSH*'
Aray! Ano ba? pasigaw na tugon ko dun sa nakabangga sakin. ang sakit nun ah! Tumilapon kaya ako.
Sa susunod kasi Miss, tumingin ka sa dinadaanan mo. sabi naman nung lalaking nakabunggo sakin.
Hoy ikaw "Mr. Ano-mang-pangalan mo" tumitingin kaya ako sa dinadaanan ko! Ikaw 'tong biglang tumakbo. Diba mall to? BAWAL to takbuhan. Ngayon ka pa lang ba nakaluwas sa Maynila. Uminit bigla ang ulo ko habang sinasabi ko yun.
Hoy "Ms. Sino-ka-man" hindi ako galing sa bukid. Nabuhay ako sa Maynila ng labing-pitong taon. sa tingin mo ngayon lang ako nakapunta ng Mall? ano'ng tingin mo sa'kin? Taong Grasa? sgaw niya pabalik sakin.
Napatigil ako bigla. Tiningnan ko Mukha niya tsaka pananamit, Oo mamahalin nga damit niya tsaka mala-"Prince Charming" din ang mukha niya, pero ang ugali niya pang "dukha". O sige, mag-sorry ka na lang upang matapos na. Hindi naman sa sumusuko ako sa kanya, sadyang gumagabi na lang at hindi pa kami nakapamili ng supplies tsaka hindi pa kami nakakauwi sa bahay.
O, Sorry, sarkastikong tugon niya sa'kin, tsaka umalis bigla, may hinahanap ata siyang tao.
Oyy Best! Ano? Okay ka lang?
oo naman, tara na. Bili na tayo. baka mapagalitan na naman ako nila Mommy pag hindi ako umuwi agad.
At yun, pili dito, pili doon, hila dito, hila doon. Medyo natagalan kami kasi andaming mga estudyanteng naka-line din nung time na yun.
Nung naka-uwi ako sa bahay linagay ko lahat ng pinamili ko sa may table malapit sa kama ko. Hayys, nakakapagod 'tong araw na to.
Nagpunas muna ako tsaka nag-toothbrush, ng bigla kong maalala ang mukha ng mokong na yun. Ansarap hambalusin yung mukha eh. Naku, kung hindi lang ako nakapag-pigil, baka natulak ko na siya, nasa 3rd floor pa man din kami nung time na yun.
Sana nga lang kung magkakaparehas kami ng papasokang skwelahan hind ko yun ma-classmate, baka 1st day of class makapatay na ako ng tao.
(Reminder: sabaw na itoooo TODAMAX! ewan ko ba bat sabaw lagi sinusulat ko. Anyway Highway, please Read.Vote.Support my story po kahit sabaw! ^^v )
BINABASA MO ANG
321123
Novela JuvenilMs. Bratinella meets her Ultimate enemy, Mr. Bratinello. They are enemies, but what if love bloomed between them? Will they accept their faith, or will they stop destiny for keeping them close to each other?