PAGPASOK pa lang ni Catherine sa bahay ni Seia ay umiindak na siya dahil sa full blast dance music na sumalubong sa kanya. It was her best friend Seia's twenty-sixth birthday. At ang theme ng party ay teenage house party, American style. Iyong napapanood sa mga classic teen movies kung saan may malakas na music, disco lights, cocktail foods at unlimited alcoholic drinks. Puwedeng sumayaw at uminom hanggang umaga at magpaka-wasted. Except that they were not teens anymore.
Pinagmasdan niya ang mga tao sa party. Kakilala niya ang ilan sa mga iyon pero bukod kay Seia ay wala siyang kaibigan doon. Best friend niya si Seia simula noong highschool at kahit nagkahiwalay sila ng universities noong college ay hindi naputol ang friendship nila. Magkatabi lang kasi ang subdivisions na tinitirhan nila kaya madali nilang puntahan ang isa't-isa para maki-bonding at makitsika. Napanatili nila ang kanilang friendship nang maraming taon kahit pa may kanya-kanya silang ibang mga kaibigan from college and work.
Bukod kay Seia ay may ibang hinahanap ang mga mata ni Catherine. Ipinangako ng kaibigan sa kanya na iimbitahan nito si Darwin-ang officemate nitong crush niya. Na-sight niya ang lalaki nang dalawin niya ang kaibigan sa workplace nito. Instanly, naging crush niya si Darwin. Guwapo na, ang bait pa. He was exactly the man she was dreaming about.
Oo, kasalukuyang may girlfriend si Darwin pero ang sabi ni Seia ay hindi raw maganda ang ugali ng nobya ni Darwin. Very possessive at demanding daw. Ang tingin ni Seia ay parang pagod na si Darwin sa relasyon sa current girlfriend pero nagtataka si Seia kung bakit hindi kumakawala ang lalaki. Naisip ni Catherine na baka kailangan lang ni Darwin ng magpu-push dito para bumitiw sa isang toxic na relationship. Kung maa-attract ito sa ibang babae, baka mag-decide na si Darwin na makipag-break sa nobya.
Kaya naman nagpaganda nang husto si Catherine nang gabing iyon. Nagsuot sya ng sexy dress at naglabas ng cleavage. Aakitin niya si Darwin sa gabing iyon. Ang sabi ni Seia ay puwede daw nilang gamitin ni Darwin ang isang guestroom sa itaas ng bahay kapag kapwa na sila nag-init dala ng alak. But no, wala siyang balak na mapunta agad sa ganoon ang sa kanila ni Darwin. She wanted love, not just one hot night with him. Isa pa, inosente pa si Catherine kahit naka-dalawang nobyo na siya. She was saving it for the right guy.
Hindi niya nakita sa guests na naka-scatter sa living room si Darwin pero nakita niya si Seia na kausap ang ilan sa mga bisita nito. Nang makita siya ng kaibigan ay kaagad na ngumiti ito nang malaki. Nagpaalam ito sa mga kausap at sinalubong ang paglapit niya.
"Happy birthday, mars!" masiglang bati niya, sabay halik sa pisngi at yakap sa kaibigan.
"Thank you, mars!" Nang magbitiw sila ay sa bandang dibdib kaagad niya nag-landing ang mga mata ni Seia. "What the hell? May balak ka bang kabugin ako sa mismong birthday ko?"
Tumawa siya. Iniabot niya ang regalo sa kaibigan. "Nasaan na ang 'regalo' mo sa akin?"
"Ay? Birthday mo din ba?" Halatang alam na ni Seia kung ano ang tinutukoy ni Catherine pero gusto lang siyang balahurain. Lumibot ang mga paningin nito sa crowd. "Wala pa yata. Wait mo lang. darating na siguro 'yong 'gift' ko sa 'yo."
Naghagikgikan sila.
"By the way, wala ka bang lipad bukas?" tanong ni Seia.
'Lipad' ang tawag ni Seia, imbes na 'pasok sa work' dahil isang flight attendant si Catherine.
"Wala. The next day pa. Bakit?"
"So, puwede ka palang magpakalasing tonight at magka-hangover tomorrow morning."
Umiling siya. "Nope. Wala akong balak malasing. Ayokong ma-turn off si Darwin." Nilibot ulit niya ang tingin sa mga tao sa paligid.
Nalukot ang mukha ni Seia. "Ay... KJ. Maya-maya lang, puro lasing na ang mga tao dito, makisama ka naman." Tumawa ito.
BINABASA MO ANG
Cath & Doug
RomanceTo read the missing chapters for free, go to my blog-- ayilee.com and click the "Novels" on the menu. Published na ang print book nito. Available na sa bookstores near you :) Magbe-bestfriends ang parents nina Catherine at Douglas. Magkatabi pa...