A Sad Love Story :(

2.6K 38 12
                                    

Dahil naaliw ako sa short stories ilalagay ko na din to. Script to na ginawa ko dati.. Trip trip lang to.. hehe... Ewan kong matutuwa kayo.. Dapat sad story eh.. Hindi ako sure kung sad siya.. haha.. labo... :)

N: Matalik na magkaibigan sina Mara at Clara. Nagkakasundo sila sa lahat ng bagay kahit pa nga galing sa mayaman at matapobreng pamilya si Clara. Hanggang sa dumating ang mga lalaking magbabago ng kanilang buhay.

*naglalakad sina Mara at Clara*

Clara: Wait, I forgot my cellphone. Balikan ko lang ha.

Mara: (nagtetext) Ok. (lumingon sa likod at nasanggi ni Alexander.*) Ano ba yan! Hindi ka kasi nag-iingat.

(pinulot nila ang nalaglag na gamit. tumitig si Alexander sa kanya*)

Alexander: Sorry miss ah. I’m…

Javier: Tol! Bakit ka kasi tumatakbo, yan tuloy nabangga mo si miss beautiful. (*tumitig si Mara sa kanya*)

Mara: Okay lang naman ako. I’m Mara.

Javier: Javier. *(shakehands)

Alexander: I’m Alexander. Xander na lang for short.

Mara: (nginitian ng plastic si Xander, saka tumingin kay Javier) Taga-saan ka Javier.

Alexander: Malapit lang kami. Dun sa may Junction lang. Ikaw?

Mara: Ah, magkapatid kayo? Hindi halata.

Clara: Girl! I got it!

Javier: (napatingin kay Clara) Wow. Hindi mo naman sinabing may maganda ka palang kapatid.

Mara: No, she’s my best friend. Javier, this is Clara. Clara, this is Javier.

Alexander: And I’m Xander.

Clara: Hi guys. Gusto nyong sumama sa’min? (sila lang ni Javier ang nagtititigan)

Mara: (sumingit sa dalawa) Oo nga, wala pa naman kaming dates.

Javier: Ok.

N: Unang kita pa lamang ni Alexander kay Mara ay nabighani na siya rito. Ang problema lang, si Javier naman ang gusto ni Mara. Halos araw-araw na silang magkakasamang apat para mamasyal at lalong nahuhulog ang mga loob nila sa mga bagong kakilala.

(naghihintay si Javier nang dumating si Mara)

Javier: O, bakit wala pa si Clara?

Mara: Male-late daw siya kasi dumating yung papa niya galing Europe.

Javier: Ah… Oo nga pala, may ipagtatapat sana ako sayo. Pero sa atin muna ito at walang ibang makakaalam.

Mara: (naexcite at nag-assume) Oo ba sige.

Javier: At tsaka may favor din akong hihingin.

Mara: (lalong naexcite) Sige, ikaw pa. Malakas ka sa kin eh.

Javier: Matagal na kasi akong may gusto kay Clara. Noong una ko palang siyang makita. Gusto ko sana magpalakad sa kanya.

Mara: (nakatulala)

Javier: Uy ano. Tulungan mo ko ha.

Mara: Busy ako. Alis muna ko ha.

Alexander: (may dalang bulaklak) Hi Mara.

Mara: Busy ako! (sabay walkout)

N: Labis ang lungkot ni Mara nang malamang si Clara ang mahal ni Javier. Napalitan ng galit ang dating magandang tingin niya sa kaibigan.

A Sad Love Story :(Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon