Unang araw ko palang ng pagiging 4th year college sobrang worth it kasi 3 yrs tapos na 1 yr nalang susko! Im a Computer Science student ...Ito na yun! Di papala ako nagpapakilala ako nga pala si Sophia Buenaventura di ganun kagandahan, matangkad pang Miss Universe ganern ahahah 😂 Madiskarte sa buhay di ako ganun katalino diskarte lang sapat na 😊 hindi ako perpekto kasi di ako katulad ng ibang babae na sobrang dyosa, matalino at famous nakakainggit pero ako ito eh anung magagawa ko. Sa Symphony University pala ako nagaaral isang school na may magandang facility sobrang worth it bayad ng magulang ko as in.Sa lovelife naman ahahah naku di ako kagandahan pero andami na ng nanligaw sakin lakas diba 😂 pero nagtry ako kahit bawal 7 naging boyfriends ko 4 lang seryoso kasi nacurious ako magkasyota eh una yung ultimate crush ko agad agad nagulat ako kami na nagkita lang 😂 3days lang sunod mag 1month yung sunod 2 linggo lupit diba 😂 iba iba nga eh may fucboi kaya hinihiwalayan ko agad maria clara toh noh ! Ayaw ko ng mga ganung lalake aba! May bakla pala ahahah kaasar lang meron naman akong sineryoso sinayang ko lang napaka effort na sana kaso ayaw ng magulang ko sakanya pero thats life! Maiba ng usapan Unang araw ko na ngayon Gradwaiting feels ahahah ito na yun ! Konting kembot nalang!Ito na yung start ng kwento sana magustuhan nyo!😊
Sophia's POV
Di ko malaman kung san room namin nakakaasar wala pa kasing permanenteng room na nakalagay sa guide about section ko buti nakita ko na bestfriend ko susko sya pala si Cathy Catherine Reyes Bestfriend ko since first year college sya yung tipong kalog na maganda na bestfriend nahawa na nga ako dati di naman ako ganto napaka tahimik ko ayan ahahaha
Si Cathy maganda, maliit nga lang ahahah, matalino at famous san ka pa kilangkilala yan sa school namin power diba ahahaha buti nga di nya ako iniiwan eh mahal na mahal ako eh! Ahahah
" Bes ! Asan na ba section natin nakakabadtrip nanaman sistema ng department natin hah!"
"Oo nga bes buti nakita kitang lokaloka ka kanina pa kita hinahanap nabalitaan mo ba mageelection nanaman ahh tatakbo ka ba sa Student Council ng School?"
"AKO TATAKBO NAGPAPATAWA KA BA PATAYAN NA NGA NUNG THIRD YEAR TAYO! Pero titingnan ko ahahah"
"Oh baliw ka nanaman ahahah ako nga magvavarsity ng volleyball bes eh sumali ka na!"
"I will try"
Di ko pa pala nasasabi sainyo na since 2nd year college ako na kasali na ako sa organization dito sa school sipag ko noh! Ahahah kasi naman ewan ko ba naging masaya na ako at dedicated ako sa mga pinagagawa ko bilang Student leader although mahirap sya nakakaya kong pagsabayin acads ko at yan.
" Cath halika na dito ito daw room natin sabi nang kaklase natin baka maunahan tayo sa upuan bandang likod tayo"
" Wait! May kakausapin lang ako tungkol sa try out bes! Una ka na tapos reserve mo ako please ! Lablab"
"Bruha ka talaga! Sige papasok na akong room bilisan mo hah!
"Ok i got it!"
Pumasok na akong room walang bagong mukha ahahahah kaklase padin namin dati susko wala nang bago ang gugulo padin nila. Umupo na ako tapos nilagay ko bag ko sa kabilang upuan baka maubusan ng slot si cath. May pumasok sa room at nawindang ako susko alam mo yung tipong nganga lang ahahahah ANG GWAPO SHET! Tapos umupo sya sa unahan bagong muka sya susko ideal guy ganun matangkad, malaki katawan yung tipong puputok na uniform nya sa sobrang hot nya ahahahah kaloka sya ! Ang neat pa nya kainis!Kelly POV
Ako nga pala si Kelly Sebastian ako yung tipo ng lalakeng habulin ng babae kasi ang gwapo ko tsaka matangkad, matalino, at varsity ng basketball sa school nmin pero lahat ng yan di ko ramdam para sakin di ako ganun kagwapo sila lang nman nagsasabi nyan mga lokoloko at lokaloka ahahah hindi din ako humble sadyang ganun lang talaga pananaw ko sa buhay. At 2 beses lang ako nagkagirlfriend nagtry pero di pa pala ako ready.Lumipat na nga akong school kasi nakakairita na gusto ko ng tahimik na buhay kaso kailangan ko padin mag varsity dito sa school na lilipatan ko at ayun nga lumipat na ako dito sa Symphony University. 3rd year na ako buti nalang pasok yung ibang subjects ko sa school na to Computer Science kasi ang course ko. Unang araw ko na pala sa lilipatan ko nagayos ako kasi feeling ko maliligaw ako dahil nung nagenroll ako bungad lang yung admin at treasury office at bandang papasok napaka daming pasikot sikot at base sa guide card ko sa school na yun eh anlayo at andaming dadaanan bago makapunta dun. Nakarating na ako kinausap ko muna yung guard para rektahan na.
"Boss san po yung Building ng CS dito"
"Dun sa bandang yun kakaliwa ka tapos.............."
Nagmadali na ako kaagad baka late na ako anung oras na. Hanggang sa makarating na ako sa building at nahanap ko agad yung room namin andun na mga kaklase ko akala ko andun na professor namin yun pala wala pa sakto may vacant pang upuan sa unahan. May napansin ako bigla nakakatuwa yung expression nya nung nakita nya ako ahahahah ang cute parang nakakita ng multo ganun sa lahat ng tao na nakasalamuha ko sya yung kakaiba yung titig sakin ahahah pero uupo na muna ako mamaya ka sakin babae ka.
YOU ARE READING
Beautiful Mess
Teen FictionMinsan kapag babae ka feeling mo walang makakaappreciate sayo kasi di ka katulad ng ibang babaeng sobrang perpekto pero wala naman perpekto sa mundo pero alam mo yun yung word na "Insecurities" na sana ganto ka ganyan ka para magustuhan ka ng taong...