Wattpad Meet Up [Humor/Fiction]

16K 805 287
                                    

“Kuya, pwedeng penge number mo? Ang gwapo mo kasi e.” Tinignan ko yung babaeng humihingi ng number ko dito sa coffee shop ni Ms. J, isa sa mga Wattpad Originals. Isa kasi si Ms. J sa mga nagpauso ng Filipinong storya sa internet e. Kaya ayun, Wattpad Originals tawag namin sa kanya at sa mga ibang matagal ng nagsusulat sa internet. Di pa kasi uso ang Wattpad nagsusulat na yang mga yan e. Tapos magagaling pang mga writers kaya maraming umi-idolo. Minsan nga mga rip-off nalang ng plot nila yung mababasa mo sa What’s Hot e.

Kinuha ko yung phone nung nanghihingi ng number ko tapos, binulsa ko. Wahaha. Joke lang. Nilagyan ko lang ng number ng katropa ko dahil baka sabihin porket gwapo ako, suplado na ko. =D

Saka baka magalit yung napakagandang gf ko pag nalaman niyang kung kani-kanino ko nalang pinamimigay yung number ko. Kaya ayun. Ibang number binibigay ko. Single naman kasi yung katropa kong yun kaya sigurado akong walang masasaktan sa pagtetext nila. Pag sakin kasi, marami dahil ang gwapo ako e. =D

“Yay! Thanks Kuya. Ano nga pala pangalan mo?” sabi niya pagkasoli ko ng phone niya kaya sinabi ko yung pangalan ng katropa ko. Ayos. Ang utak, mo talaga Grei. Nakalusot ka na naman sa bagong stalker mo e. Wahaha. =D

Sinave lang niya yung number ko tapos bumalik na siya dun sa pina-reserved na table ng mga Wattpadders.

Meron kasing Wattpad Meet Up ngayon kaya nagpunta ako dito e. Sa halos tatlong buwan ko kasi sa Wattpad, marami na kong nakilalang iba’t ibang klase ng tao. Mula sa mga Wattpad Famous hanggang dun sa mga silent reader lang.

Kaya nga nung nalaman kong mag-mee-meet up sila, eto nagpunta ako kahit di nila alam na kapwa nila wattpadder ako. Ako kasi yung tipo ng wattpader na di nagpapakilala e. Wala lang. Baka kasi pagkaguluhan masyado yung kagwapuhan ko. Wahaha. Joke lang. Ayoko lang talaga malaman ng mga kakilala ko na nagsusulat ako.

“Ano ba yang suot mo Elise, hanggang dito ba naman sa meet up, nagkakalat ka ng ka-L-an mo?’ Tinignan ko yung sinabihan nung humingi ng number ko. Wattpadder pala siya. Pero bago lang siguro. Di ko kilala e. Buti nalang nga ibang pangalan binigay ko. Kundi wala na, pagkakaguluhan na naman yung kagwapuhan ko. =D

“Gaga. Naka-kiki-minaj short lang, nagkakalat na ng kalibugan? And besides, di kalibugan yung mga sinusulat ko no. Mature stories ang tawag dun. In short, pang-mature, hindi pang-malibog.” reply ni Elise, isa sa mga Wattpad Perverts na nakilala ko. Fan kasi ako nyan dahil ang galing magsulat ng mga alam niyo na. Pero di ko siya finollow dahil dun ah? Finollow ko siya dahil may substance yung mga sinusulat niya. Yung iba kasi, pampalipas lang talaga ng kaanuhan e.

“Oh please, bitch. We all know you’re a slut. I mean, with all those “mature” scenes that you’ve been virtually transcribing into printed words, there is no freakin’ way, you’re not a sexually indulged whore.” joke ni Rihanna kaya natawa sila. Wattpad English Writer yan kaya English magsalita. Akala ko nga nung una di pinoy sa sobrang galing magsulat ng English e. Ang nakakahanga pa, makikita mo sa profile niya na Proud Filipino siya.

“So much the truth in their. Their’s no even way your still virgin.” Syempre kung meron tulad ni Rihanna na Wattpad English Writer, meron din Wattpad Inglesh Wroter tulad ni Rihanna-belleRama. Eto yung pwede naman magtagalog nalang, pinipilit pang mag-english. Nagiging comedy tuloy minsan yung mga dramang sinusulat niya.

“EoWs poh guizE. KaYows pUHlang buH hir? AJejeje.” Napatingin sila dun sa dumating. Si Jeje ata to. Isa sa mga natitirang Wattpad Jejemon sa Pilipinas. Oo, kahit na site para sa mga writer ang Wattpad, meron pa ring mga ganyan. Minsan nga iniisip ko nalang naka-mobile sila e. Kasi, aminin man natin o hindi, naging ganyan din tayo nung uso pa yung Nokia. Swerte mo nalang talaga kung di ka pa buhay nun dahil di mo na malalagay sa job experience mo ang pagiging Jejemon. =D

Wattpad Meet Up [Humor/Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon